GOT7 (57)

17 0 0
                                    

GOT7 - [BamBam]








“Yuae. / Hime.”

“Leader buddy! Tara! HAHAHA”

“Paano naman ako?”

“Sino niloko mo, Jimmy? Andiyan si Yoji, o!”








Nag simula nang magka ayaan ang iba sa amin na mamasyal sa myeong-dong nitong kakarating lang namin. Hindi 'ko naman alam na gagawin nilang date itong pag pasyal sa myeong-dong at nagawa pa nilang mag pares pares. Pero maganda na rin 'yung ganto.








Nangibabaw ang boses ni Maoui no'ng mag salita siya, “Mamamasyal na lang kailangan by pair pa?” irap pa niya.








“Hindi mo naman kailangan mag parinig, e. Jeo! May kasama ka na?” umiling siya. “Pakisamahan nga si Maoui nang matahimik HAHAHA”








Hinigit ni Chaesy si Maoui palapit kay Jeo. Sinamaan siya nito ng tingin na nginitian lang niya. Napailing na lang ako sa ginawa niya at nangingiti siyang pinapanuod.








Nag simula nang maglakad ang iba palabas ng airport at ganuon na rin ako. Nakita 'kong parang nasabay ng lakad si Chaesy kila Yuae at Voughn kaya inabot 'ko braso niya para higitin siya palapit sa akin.








Her jaw dropped dala ng gulat. “Thi-third wheel ka pa sa kanila.” sabi 'ko at kinuha ang bag niya na nakasabit sa balikat. “Ako na lang samahan mo.”








***








Huminto kami sa mga nag titinda ng mga hoodies, caps and kung ano anong damit na nasa labas lang naka pwesto. Tinry namin mag suot ng cap. Parehong navy blue ang sinuot namin na kulay.








“Eolmayeyo?” (How much is this?) tanong 'ko sa nag titinda. “5, 000 won daw. Kunin ba natin?”








Tumango siya at nilabas agad ang wallet para kumuha ng pera pero inawat 'ko siya agad bago pa makapag labas ng pera. Binaba 'ko ang kamay niya na may hawak na wallet.








“Ako na.”







Agad siyang tumanggi. Nag pumilit pa na siya na talaga ang mag bayad no'ng para sa cap niya pero huli na kasi naabot 'ko na 'yung bayad 'ko para sa dalawang cap na 'yon.








She glared at me na nginitian 'ko lang. Sinuot 'ko sa sa kaniya ang cap pagkatapos ay inayos ang buhok niya at nilagay ang iba sa harap. “Yeppeo.” (Pretty.) i said at umalis na sa binilhan kanina.








Konting libot pa namin ay may nahanap akong maliit na photobooth sa medyo tagong eskenita. Napahinto ako sa paglalakad dahil duon. Parang gusto 'kong mag picture kami dito. Mukhang masaya. And to save memories na rin!








“Tinitingnan mo diyan?” tanong niya sa akin.








Maya maya ay inabot 'ko ang kamay niya at hinila papasok sa loob. “Hoy! Pumayag ba ako? — ”








“Hihingi ka rin naman ng kopya, kunwari ka pa.” kantyaw 'ko.








Nag timer na 'yung screen sa harap namin ng three seconds. First shot, ako lang ang nakangiti ng halos at nakalapit ang mukha sa kaniya samantalang siya ay parang tulala sa camera. Sa pangalawa naman ay nakuhanan kami na tinutulak niya ako sa dibdib palayo sa kaniya na medyo nakangisi habang ako ay mahigpit na nakahawak sa baywang niya.








The BangTwice's Destiny (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon