TWICE (23)

24 1 0
                                    

DISCLAIMER : VIDEO NOT MINE!
_________________________________
TWICE - [Yoji]








Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Masyado rin kaming naging busy para sa tour namin na halos bigla na lang kaming nawalan ng time para magkatuwaan magkakasama.








Sobra kaming naka focus sa performance namin. Mahigit isang linggo rin kaming walang pansinan ni Jimmy simula no'ng sabihan 'ko siya no'n.








“I would never date someone who never see me nor treat me as a girl!”








Tss. Totoo naman kasi. Is it because of my hair? Seriously? Oo nakakatuwa nga sigurong asar asarin ako ng ganon. Pero nasasaktan parin ako every time na kung tratuhin niya ako ay parang lalaki samantalang grabe siya kung maging gentle man kila Yuae at sa iba.








Bumuntong hininga ako at inalis na ang tingin sa sarili 'ko sa salamin at nag browse na lang sa internet. Kami rin naman mismo ang nag decide na mag focus na lang muna.








I saw Minsu's latest update. It was a selfie together with his other members who's busy doing something and wasn't even aware that Minsu took a selca with them with a caption “See you soon, Manila!”








Manager Hwang called us and asked us to wait at the backstage for our turn. Bumaba na rin ang Bangtan at GOT7 para mag hintay sa turn nila. We greeted each other at nagkamustahan na parang kala mo ay ang tagal naming hindi nakapag usap.








Well, matagal na ang isang linggo para sa amin.








“Picture tayo!” hinigit ni Yannie braso 'ko palapit kung saan kami magpipicture ng siyam.








Pumwesto na kami at nagready ng mga pose namin para sa picture. Inabot kami ng 5 shots bago kami nabalik sa hintayan.








Naramdaman 'ko kalabit ni Maoui sa akin sa likod. Pag lingon 'ko ay magkasama sila ni Yuae. She grinned at me, “Makiki chismis lang.” nginuso niya direksyon ni Jimmy sabay tingin sa akin.








“What about him?” inosente 'kong tanong.








“Mahigit isang linggo na raw kasi nakalipas pero ni ha ni ho wala man lang kami naririnig sa inyo.” ani Yuae. “Actually, hindi naman ako nagtataka. Gusto 'ko lang malaman.”








Nagkibit balikat ako, “Hay nako. Mga issue kayo! B-busy lang talaga!”








Lumagpas naman ang tingin 'ko kila Yuae at Maoui. Nabaling tingin 'ko sa pinaka likod nila kung saan may nakasilip malapit sa hagdan.








May nakasabit rin na camera sa leeg niya at katatapos niya lang gamitin iyon. Bahagyang kumunot ang noo 'ko lalo na noong magtama ang mata namin.








Lalaki. Lalaki ang nakikita 'kong nakasilip sa amin mula dito. Hindi 'ko alam kung anong ginagawa niya.. pero parang hindi tama ang nararamdaman 'ko.








I was about to approach him kaso bigla akong tinawag ni Maoui. “I'm still talking to you! Tsaka, bawal na diba umalis? — ”








“Saglit lang 'to.” binalik 'ko tingin 'ko sa direksyon na 'yon kung saan may nakita akong lalaking nakasilip sa amin.








The BangTwice's Destiny (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon