BTS - [Jimmy]
Simula no'ng araw na 'yan, things finally went smoothly. Tho, may ilan sa mga nagttrabaho sa concert arena ay mainit ang tingin sa aming tatlo.
Pero hinayaan na lang namin dahil wala naman na kami magagawa. Hindi naman nila alam ang buong storya. Hindi rin naman nila kami tinatanong. Hindi nila hinihingi ang side namin. Tss.
Last performance na namin kanina dito sa Dubai at katatapos lang namin lahat. We packed our things at agad ng dumiretso sa exit sa likod kung saan duon nakaabang ang mga sasakyan namin.
Nagsi sakayan na kami ng bus ng walang kahirap hirap. Sa pinakadulo kami naupo magkakatabi nina Jeo, Voughn at Jinks.
Nasa gitna ako, tapat ng daanan. We all heaved a sigh pagkaupo namin. Later on, tumayo si Yoji at may inangat na pagkain. “Who wants gimbap?”
Nagtaasan ng kamay ang ilan sa GOT7 at mga binigyan naman sila. “Hey!” nagtaas na rin ako ng kamay. “Pahingi.”
“Ano, ako pa lalapit?” nag make face ako sa kaniya sabay humalukipkip, nagtataray. “Kahit kailan talaga para kang babae!”
“Kahit kailan talaga para kang lalaki!”
She walked up to me kaya bumaba ako mula sa pagkakaupo para abutin 'yung gimbap nang biglang pumreno ang sasakyan dahilan para mamuntikan siyang mahulog paatras.
Mabuti na lang at agad 'ko siyang nasalo sa baywang, hinigit 'ko iyon palapit sa akin para hindi siya tuluyang mahulog.
Halos maduling na kami sa lapit ng mga mukha namin.
“Bigla bigla naman kasing natawid itong batang 'to!” dinig 'kong reklamo ng nagmamaneho ng sasakyan at nagpatuloy na uli.
Sa kalabit ni Voughn ay duon ako nabalik sa realidad at agad binitawan ang pagkakahawak 'ko sa baywang niya. I coughed. “Y-Yung gimbap.. 'ko - ” nagulat ako no'ng ihagis niya sa mukha 'ko 'yon at tumalikod na.
“Hoy! Wala kang utang na loob! Pagkatapos kitang saluhin diyan ihahagis mo sa mukha 'ko 'to?!” pero ni hindi niya ako nilingon. Hinigit na ako nila Jinks pabalik sa upuan 'ko nuong magising dahil sa akin sila Manager Hwang.
Aish. That weirdo!
***
We arrived to our new destination!
“HELLOOOOO, JAKARTA!” sigaw ng ilan sa amin pagkababang pagkababa ng eroplano.
Agad na may mga nagdatingan na mga guards palapit sa amin. Tumayo sa gitna namin sila Manager. “Mas maraming reporters ang dudumog sa inyo mamaya, sa iba tayo dadaan. Duon.” turo niya.
Sumunod na lang kami agad sa sinabi niya. Ayaw rin naman namin na may masaktan uli sa isa sa amin.
Pero hindi rin naman namin akalain na may makakaisip na posibleng dito kami dumaan. Dahil may iilan ring reporters ang nakabaang sa direksyon kung saan sana kami lalabas.
BINABASA MO ANG
The BangTwice's Destiny (Part 2)
FanfictionIt's the start of both painful and romantic love stories of seven to nine members of the groups. STARTED : August 24, 2019 ENDED : June 24, 2020