TWICE (52)

31 1 0
                                    

TWICE - [Dakki]








Napag desisyunan na ng mga PD nim namin na ipag patuloy ang tour next week. Isang araw na lang rin naman kami magpe-perform sayang naman 'yon. Pero mas sayang kung hindi makakapag perform sila Yuae at Voughn sa stage.








Gabi na nuong mag request kami sa mga manager namin na mag puntang Namson Tower. Hindi pa naman siguro nagsasarado do'n at kaunti na lang rin naman siguro ang mga tao.








Matagal bago namin na-convince sila Manager na payagan kami mag punta do'n pero okay lang atleast pumayag.








“Waaaaah, ang ganda ng view~” ani Taki.








“Mas maganda ka pa diyan.”








Napangiwi ako sa banat ni Jinks. At hindi lang ako 'yung na-cringe sa sinabi niya kundi pati ang iba kahit ang members niya ay nairita sa banat niya.








“Ano ba 'yan, Jinks! Hindi ka pinalaki ng nanay mo para maging cringe, a!”








“Tingnan mo pati si Taki na-cringe sa'yo, HAHAHA”








Naiwan sa baba sila Manager at ang mga body guards namin kaya solong solo namin itong taas. Napangiti ako habang tinititigan ang view sa baba at sa malayo. Ang ganda. Nakakamiss rin palang makapag ikot dito at makapamasyal.








Bumuntong hininga ako, “Ano kayang bagong issue sa atin?” mahinang binunggo ni JB ang balikat 'ko kaya napalingon ako sa kaniya. “Mag relax ka na nga lang diyan. Kung ano ano iniisip mo, e.”








Ngumiti ako. “Uso pa ba mag relax sa panahon ngayon.”








Bigla 'kong naalala 'yung nasabi 'ko noong isang gabi. Sa totoo lang naman, depende naman sa tao 'yun kung tatalikuran nila ang isa para sa isa pa. Pero may mga artista rin naman na gaya 'ko ay pipiliin na harapin pareho at walang tinatalikuran.








I glanced to JB na nakatulala lang sa kawalan, “Sorry.” nilingon niya ako agad agad. “Sa nasabi 'ko nuong isang gabi.. Sorry.”








He grinned, “Bakit? Wala ka naman mali sa sinabi mo, a?”








Umiling ako. “Meron. Hindi naman lahat sa ganuong paraan dapat dinadaan para maging okay ang lahat, e.”








Humarap siya sa akin habang ang kanan niyang braso ay nakapasandal sa hawakan. “And.. what do you mean by that?”








“I mean,” humarap na rin ako ng ayos sa kaniya habang ang kaliwang braso ay nakasandal rin sa hawakan. “I can choose both. I can defend both parties..”








Mas lumawak ang ngiti niya dahil sa sinabi 'ko. Nag ngitian lang kami pareho pero ang mas hindi 'ko inaasahan ay 'yung higitin niya ako palapit sa kaniya at para yakapin.  “Na do.” (Me too) aniya.








“Hoy, hoy, hoy! Bakit may yakapan na diyan? Bitaw, bitaw!”








“Si Hime, ang KJ. Minsu, yakapin mo nga 'yan! Naiinggit yata.”








Dala na rin ng hiya sa mga kasama namin ay bumitaw na kami sa yakap at nag ngitian na lamang.








“Ang haharot wala namang label!”








The BangTwice's Destiny (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon