Chapter 1

420 9 0
                                    

    Isang ngisi ang gumuhit sa aking mapupulang labi ng tuluyan na ngang makalapag ang aking mamahaling sapatos sa Airport. Gaya ng dati ay wala naman pinagbago ang nasabing airport nadagdagan lang lalo ng mga panibagong polusyon na mas lalong nag pa-inis sa akin.

    Buti na lamang at na aksyunan kaagad ni Roda ang naging problema kasi kung hindi, kanina ko pa nasabunutan at tinaray- tarayan ang babaeng yun,. Nakaka sira sya ng mood gahd!

    Parampa naman akong naglakad sa isang red carpet dito sa Airport. Kaya lahat ng mga inggiterang froggy ay sure na sure na napapalingon sa aking kagandahan. Ano pa nga ba ang bago? Bitbit at suot ko lang naman ang mga signatures bag and outfit na nabili ko pa from different countries na pinuntahan ko,  buong lakas ko itong inirarampa sa harap nila habang taas noo kong dinama ang bawat reaksyong ipinupukol ng kanilang mga mukha. Tss Sayang naman ata ang perang ginasta ko para dito kung hindi ko naman ito iwawagayway at papakinabangan diba?

    Pagkalabas ng Airport ay bumungad sa akin ang mainit na klima ng Pinas. Kailan kaya lalamig dito? Pero infairness namiss kong mag pa-tan skin. Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi rito, kaya sobrang pumuti talaga ako sa America.

    Pagkabukas ko ng backseat ng sasakyan na sumundo sa akin ay bumungad naman  ang isang higad ay este ang kapatid kong nuknukan ng kaplastikan sa katawan. Bumeso beso pa ito na parang close na close talaga kami napaka plastik talaga!. Pero deep inside she's currently torturing me now. If I know nagpapasikat lang ito kay Dad para mabilhan ulit sya sa mga luho nya. Since plastic na rin sya ay nginitian ko ito ng peke tsaka inirapan at niyakap si Daddy.

    “Oh, my Xabrina anak how's your flight?” tanong sa akin ni Dad. This time ngumiti na talaga ako ng totoo because Dad is the one who are in front of me. And not my effin sister.

    “It was absolutely fine Dad, nakaka jetlag lang ng ka-onti” I reply. Ngumiti ito sa akin sabay pinisil ang kamay ko na hawak hawak nya kanina bago nya pinaandar kay Manong ang kotse. Tahimik lang ang lahat pwera na lamang sa bunganga ni Roda na panay kwento kay 'ser' nya na si Dad tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko sa America.

    Pagkarating namin sa bahay ay nabungaran ko kaagad ang isang Garden na punong puno ng mga bulaklak. Hindi man halata pero lumalambot ang puso ko kapag nakakakita ng bulaklak. Syempre opposite naman ang mangyayari kapag nakakita ako ng plastic lalo na kapag palutang lutang sa hangin.

    Sinalubong ako ni Mimi Ai Ai at niyakap ako ng super duper higpit. Gahd I miss my Mimi so much!

    “Ang laki mo nang bata ka, jusko parang noon ay akay akay pa lang kita ah? Pero ngayon napakaganda na ng alaga ko. Di kupas na hawig mo nga ang Mommy mo" hindi makapaniwalang komento ni Mimi Ai Ai, kaya napangiti ako ng sobrang wagas.

    “Syempre naman Mimi mana rin ata ito sayo" sabi ko tsaka nag form ng baril sa aking kamay sabay turo sa kanya. May pakindat kindat pa akong nalalaman kaya napapailing na lang din ito sa akin. Sa lahat ng naging kasambahay dito sa bahay si Mimi Ai Ai lang ang nakatagal sa akin. I'm so proud to have her. Bihira lang ang mga taong ganyan kaya let us all treasure them well.

    “O' sya sya! Mag pahinga ka na muna Hija alam kong pagod ka na kaya hala sige akyat na sa kwarto mo. Ipinaayos ko na rin ang mga gamit mo dun kaya pwede mo na ulit gamitin iyon." hindi talaga kumukupas ang pag-aalaga sa akin ni Mimi. Hanggang ngayon love na love nya pa rin ako. Bineso-beso ko muna sya bago nagpaalam na aakyat na ako sa kwarto ko.

    Pagkaalis ko sa harapan ni Mimi Ai Ai awtomatikong bumalik na naman ang pagiging matarayin ko. Nasilayan ko pa nga ang mga bagong katulong dito sa bahay na halatang halata na kinakabahan bago ko akyatin ang pagkahaba habang hagdanan ng bahay. Isang taas kilay lang ang kanilang natanggap sa akin bago sila nagsipag yuko ng kanilang ulo.

    Pagkarating ko sa aking kwarto ay bumungad sa akin ang red na red na kulay nito. Actually hindi naman sya yung bright red kaya hindi masakit sa mata plus, the color white na mga stuff na syang nag papaangat sa fave kong color.

    It's already 11 o' clock in the evening at masasabi kong antok na antok na talaga ako. Kaya humilata na lamang ako sa aking kama tsaka ipinikit ang aking mata. Hindi ko na r,in inabala ang sarili na tanggalin ang sapatos kasi sinapian na nga ako ng tuluyan ng katamaran.

    Pagkagising ko ay dumiretso agad ako ng banyo para maligo. Matapos kong ayusin ang sarili sa salamin ay bumaba na ako para makapag almusal. Maaga pa naman kaya wala pang maiingay na kulisap na nag chi-chismisan tuwing umaga. Nagluto ako para sa sarili ko at nilantakan iyon pagkatapos.

    Saktong dumating naman ang napaka galing kong sisterlet na halatang halata na bagong gising pa lang. Tinaasan ako nito ng kilay habang nag lalakad papasok ng kusina. Syempre hindi nag patalo ang NATURAL kong kilay na pagtaasan din ito.

    Sabi ko naman sa inyo ei. Nasa loob-loob ang kulo nyan! Aakalain mong isa itong isda, sa sobrang langsa nito ay mapapatakip ka na lang talaga ng iyong ilong kapag lumapit dito.

    “Wow dami mo naman atang niluto? Mukhang ikaw lang ang nakaubos" sarcastic na wika nito. Pinaghalukipkip ko naman ang aking mga braso tsaka sya pinaningkitan ng mata.

    “Oo nakakagutom kasi na makasama sa iisang bubong ang taong ubod ng kapokpokan sa buhay. Oops my bad" pang-aasar ko dito tsaka iniwan sa harap nya ang pinagkainan ko. Nakita ko naman itong nag ibang anyo at naging kamukha nang galit na galit na si San goku

    “Ay! Nga pala Hugasan mo na rin yang pinagkainan ko, malay mo may masimot ka ulit na tira-tira ko. Sayang naman diba?" pang-aasar ko. namula na ito ng tuluyan dahil sa galit, bago pa man ako makaalis sa kusina na yun ay kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sya nayamot sa mga sinabi ko. Well sorry my Plastic Sister, may kapatid ka kasing palaban na hindi gumagamit ulit ng mga nagamit ko na. In a simple and nice word hindi ako kagaya mong kumakain ng mga nailuwa ko na. Kaya sorry ka na lang.

A/N: well well it's been a while! Hello chinggus! Kamusta naman kayo?. Sana nag e-enjoy kayo sa pagbabasa!

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon