Chapter 17

131 2 0
                                    

    "Waaaaaaahh!!" sigaw ko rito sa loob ng kwarto ko, di ko pa rin kasi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. And I swear! Sobrang hiyang hiya na akong lumabas at harapin ang mga taong panay katok sa labas ng kwarto ko ngayon.

    "Huy Xabitch! Buong magdamag ka na nag kakaganyan. Katuwaan lang iyon" Rinig kong sigaw ni Petra. Oo nga, katuwaan lang yun pero ramdam na ramdam ko pa rin ang hiya sa buo kong sistema. Tsaka meron silang hindi nalalaman na ayokong sabihin sa kanila at baka mas lalo nila akong pag tawanan ngayon.

    "Hay nako ganyan talaga kapag first timer. Hayaan nyo na yan at makakamove on din yan sa after shock hihihi" rinig kong sabi ni Patricia, gigil na gigil ito habang sinasabi iyon. Ibig sabihin kilig na kilig ang baklita!

    Tumayo ako tsaka binuksan ang pinto ng kwarto. Gulat na gulat naman silang napatingin sa akin. Mumuntikan na nga ang mga ito na mag lumpasay sa sahig ng makita nila ako.

    "Ano mga problema nyo at ganyan kayo makatingin?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Nakita kong napangiwi si Mimi Ai Ai at umiiyak na lumapit si Ronnie sa akin.

    "Mommy! Bring my Mommy back!" ngawa nito habang sinusuntok suntok ang hita ko. Umupo ako at pinantayan ang mukha nito.

    "I'm your Mommy baby" wika ko. Pero mas lalo itong umiyak. At panay sabing 'you are not my Mommy bring back my Mommy!' tumingin ako sa mga bitches ng nag tataka at naguguluhan.

    "Mukha kang witch kasi dai" sagot naman sa akin ni Gem. Dahil hindi ko sya maintindihan ay napataas na lang din ulit ako ng aking kilay.  Napatigil na lang ako ng iharap nya sa akin ang hawak hawak nya na salamin.

    "waaaaaaah!! What happen to my oh so beautiful face?" nag sisigaw kong sabi sa sarili ng makita ko ang itsura ko ngayon. Tama nga si Gem! Mukha akong Witch! Magulo ang buhok, nagkalat na ang mga make up sa buo kong mukha at medyo mugto ang ibabang bahagi ng mata dahil sa hindi makatulog ng maayos.

    " OA sa beautiful face ah? Pero yan na nga sinasabi ko eh hala girl ayusin mo muna nga yang feslak mo ha. Maaga pa para sa holloween" pag tataboy sa akin ni Patricia. Tumango tango naman ang iba sa sinabi ni Patricia kaya naman ay dali dali na akong tumakbo sa banyo para ayusin ang sarili. Grabe na rin kasi ang pagtataboy ng mga yun sa akin na pumasok sa banyo kaya hayun wala na akong nagawa pa.

    Pero sa kabilang banda kung hindi dahil sa hampaslupang prinituhan ng itlog at pinalamanan sa pandesal na yun, edi sana ay hindi ako nagkakaganito ngayon.  Huhuhu kasalanan nya ito. Edi sana matino pa rin ang pag iisip ko ngayon, nakakausap ng maayos at hindi ganito ang itsura!. Kung sino ka mang nasa likod ng maskara na yun, naku! Malalagot ka talaga sa akin. Sinisiguro kong hindi ka na kailanman masisikatan pa ng araw! Grrrrr!

  

—————————————————————

Jaimee Austin POV

    "Dude sumama ka na kasi" pag pupumilit sa akin ni Z. Kararating lang namin dito sa Island na pag dadausan ng kasal ni Hani at ng kumag na si Fourth.  Pinipilit nila akong isama sa kalokohan nilang tatlo. Balak pa nila akong idamay ngayon sa katarantaduhan nila. Kailangan kong mag pakabait lalo na at nandito si Dad.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon