Chapter 57

87 2 0
                                    

"You are crying?" tanong ko ng madatnan ko si Asungot na umiiyak sa harapan ng puntod ng Mama nya. Tila nagulat naman ito sa biglaang pagsulpot ko sa harap at dali-dali nitong pinunasan ang mga tumulong luha sa pisnge nya.

I heard something from Daddy about Asungot and his Mom. Daddy told me na super close na close daw ito sa Mommy nya  noon and take note of this, not only to his Mom sya malapit. But also to his Dad which is Mr. Dastin. Nakakalungkot lang at mukhang nagkalayo talaga ang loob nito sa Daddy nya after ng aksidente nila Mommy at Tita. Kung baga Mama's boy daw itong si Asungot. Well, I can't remember Tita's face na kasi super tagal na nun and once ko lang sya nakita.

"Who told you I'm crying?" pagtatanggi nito matapos tumayo ng tuwid. Naparolyo naman ako ng aking mata bago sinindihan ang kandilang inabot nya sa akin kanina. Ano akala nya sa akin bulag? Duh?!

"Oh, kaya pala hindi nakita ni Tita na pinunasan mo ang pisnge mo." nakangisi kong tugon. Inilapag ko na ang kandilang tinirikan ko at nagdasal saglit. After nun ay liningon ko si Asungot na nakatulala lang sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay. May dumi ba sa mukha ko? Or something na mali?

"Why are you staring?" mataray kong tanong at tinawanan lang ako nito. At ibinaling ang tigin sa puntod ng Mommy nya.

"She's the girl I mention to you awhile ago Mom. She's super masungit and certified Mataray. By the way we have to go Mom! See you again" tugon nito bago ako hinila paalis sa harap ng puntod ng Mommy nya. Teka nga! Sinisiraan ba ako ng Asungot na ito sa Mommy nya? Argh!

Pinaghahampas ko ang braso nito gamit ang kanan kong kamay.

"Walanghiya! Siraan ba naman ako? Aba! Nakakapanggigil ka talaga!" sigaw ko dito ng makarating kami sa harap ng kotse nya. Walang tigil ko itong pinaghahampas hanggang sa magsawa ako. Pero nagulat ako ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinalikan ako. It was gentle, his lips is soft like before. Oh my

"There tumahimik ka na rin." sabi nito bago ako binitawan. Nang maka recover ay pinaghahampas ko ulit ito sa braso.

"Ano ba, tama na Miss Sungit masakit na." reklamo nito sa akin. Pero binaliwala ko lang iyon at mas lalong linakasan ang paghampas ko. Nakakainis! Nakakainis ka talaga Asungot ka! How dare you to kiss me again?

"Sige ka, kapag Di ka tumigil hahalikan ulit kita." pagbabanta nito kaya napaatras ako sa kanya at padabog na sumakay na lang sa kotse.

"Hey joke lang" sabi nito nang makapasok sa kotse nya. Inirapan ko ito at hindi sya pinansin. How dare you!

"My mom is now happy to see you again" pagbabasag nito sa katahimikan. Napalingon naman ako dito ng nagtataka.

"How did you know that?" tanong ko dahilan kung bakit kumunot ang noo nito sa akin.

"Know what?" balik na tanong nito. Umirap naman ako dito tsaka sumandal sa upuan.

"Na your Mom is happy to see me again? Wait, don't tell me y-you can see ghost?" nauutal kong tanong na syang ikinahagalpak nya naman ng tawa. My gash! What's wrong ba sa tanong ko?. Itinabi pa talaga nito ang sasakyan para lang pagtawanan ang tanong ko.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon