Chapter 37

98 0 0
                                    

    Grabe siguro mga five minutes na akong panay buntong hininga dito. Mabuti na lang at hindi ako pinapakialamanan ng driver nitong limo kasi kung hindi ay baka sa kanya ko maibuntong itong nerbyos ko. At ang mga tao sa labas ay nagtataka na rin kung bakit hindi pa umaalis ang limo sa harap ng pa-red carpet nila. Ang iba pa nga ay sinisilip ang loob ng limo, buti na lang at hindi nila ako nakikita. Tsaka Pake ba nila kung ang tagal ko? E sa ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko e. Bukod sa hindi ako sanay sa harap ng mga media na wala si Philip ay kinakabahan rin ako sa posibleng bulong-bulungan na maririnig ko.

    Of course magchichismisan ang lahat dahil:

    number one! Bakit ang tagal ko lumabas ng limo, at dahil dun ay magtataka na sila at gagawa ng kung ano-anong rason ko RAW...

    Pangalawa! Bakit kasama ko at ni Daddy sa iisang sasakyan si Mr. Dastin. Kahit na naka mask sila Daddy ay makikilala sila kaagad ng mga reporter na yan. Hanep pa naman ang mga yan sa pag re-recognize. Walang sinasanto ang mga yan basta chismis!

    At Pangatlo bakit sobrang garbo ko ngayon. Syempre pag uusapan din nila kung gaano ako kaganda at ang gown kong suot suot. At dahil dito ay mayroon na naman silang bagong chismis na sya namang gagawan nila ng sari-sarili nilang plot twist. All right let's just wait tomorrow kung ano ang magiging laman ni Mareng Twitter. At dahil jan aasahan ko ng mambubulabog sa akin si Philip dahil dito. Hindi pa naman nya alam ang tungkol sa Arrange Marriage ko na ito huhuhu

    Dahil sa medyo kumalma naman na si Heart (kahit papaano) ngayon ay sinubukan ko ng buksan ang pintuan ng limo. Pero ng akmang pipihitin ko pa lang ito ay may bigla ng kumatok sa bintana. Syempre dahil sa gulat ay napabitiw ako sa hawakan na sya namang nagsara bigla ngunit naharangan nya ito ng kanyang kamay. Binuksan na nito ng tuluya ang pintuan, at dahil dun ay kinabahan ako ng sobra. Teka nga bakit binubuksan nya ang pintuan?

 
    Tinignan ko ang Driver para huminge ng tulong pero mukhang kalmado lang ito habang nakatingin sa side mirror, napaayos pa nga ito ng itsura ng makumpirma kung sino ang bumukas ng pintuan. Pati na rin ang mga guards ay nakamasid lang sa bagong dating at hindi man lang ng mga ito hinaharangan. Tinitigan muna ako nito saglit tsaka inilahad sa akin ang kanyang kamay. Teka nga! Sino ba sya?

    "They are all waiting for you" sabi nito sa akin na sya namang nagpabalik sa akin sa katinuan. oh my! bakit mukhang familiar ang boses nya? Feeling ko kilala ko sya na ewan e. Pero mukhang impossible kasi hindi naman ganyan boses ni Pet mas lalo na ni Pat. Hindi man din ganyan katawan ni Philip dahil medyo ma-muscle yun (ang laki kasi katawan nun, araw-arawin ba naman ang gym) Sinubukan kong aninagin ang mukha nya ang kaso bigo ako dahil sa maskarang nakaharang sa mukha nya ngayon. Wala na rin akong nagawa pa at kinuha ko ito. Iisipin ko na lang na guard ko sya para naman matanggal ang kaba na nararamdaman ko. Nang sa ganun ay makapaglakad ako ng naayon sa suot ko.

  
—————————————————————

    Jaimee Austin POV

    Halos ilang araw ko na rin hindi nakita si Miss Sungit na si Xabrina. Ewan ko ba at nakakamiss din palang asarin yun. Paano ba naman kasi laging nagtataasan ang kilay sa tuwing naasar na at syempre huwag kakalimutan ang talim ng dila sa pangiinsulto.

    Naging abala na kasi ako sa pagiging CEO ng kumpanya namin. Syempre ako lang naman kasi ang bukod tanging magmamana sa kayaman na mayroon ang matanda na yun, kawawa ka talaga kapag solong anak ka lang. Halos hindi ko na nga mabilang sa daliri ang mga banta nito sa akin kung hindi raw ako mag tatrabaho dito. Hindi lang banta ang nakuha ko mula sa kanya pati na rin pangongonsensya. Kesyo magagalit daw si Mommy sa akin kung hindi ako susunod sa gusto nya at kung ano-ano pa. P†cking sh†t lang!

    Kaya heto ako ngayon No choice kung hindi ang sundin sya. Samahan mo pa ng mga gunggong na panay kantyaw sa akin na Papa's Boy raw ako?. Mga g†go! Syempre sino pa ba ang laging umeepal sa buhay ko edi sila Z at Lio. Mga wala ata itong magawa sa mababantot nilang buhay kaya ako ang ginugulo nila ngayon.

    "Asus! 'Wag mo sabihing kinakabahan ka na nyan Dude?" pangaasar sa akin ni Z. Nandito kasi kami sa reserved room. Ngayon kasi gaganapin ang pa-party ng matanda para raw sa akin. Syempre hindi ako ang may pakana ng lahat ng ito kung hindi sya. Pumayag lang ako kasi wala rin naman akong choice.

    "Tigilan mo nga akong gunggong ka bakit naman ako kakabahan?" matapang kong saad. Imbes na tulungan akong makapag isip kung anong gagawin ko ay hindi! Nangasar pa ang mga g†go

    "Syempre anjan mamaya si Oh Xabrina, mahal mo~"  singit naman ni Lio na isa ring gunggong. Binato ko ito ng throw pillow sa mukha at buti na lang at sumakto.

    "Eto naman si Dude hindi na mabiro, 'wag ka na kabahan pa ilang beses na rin naman na kayong nagkita ni Xab e. Isipin mo na lang na first time mo sya ulit na mamemeet" sabi pa ulit ni Lio ng makarecover sa malakas na pagkakabato ko ng throw pillow

    Kahit ilang beses pa kami magkita ay tatarayan lang din naman ako nun. Baka nga mamaya ay halos isumpa na ako nito kapag nalaman nyang ako ang magiging asawa nya.

    "Uy Dude anjan na raw si Tito" pagiiba ng topic ni Lio. T†ena naman o! Isa lang ang ibig sabihin nyan, anjan na rin si Ms. Sungit. Dali-dali naman naming isinuot ang maskara na sa pagkakaalam ko ay pakana rin nung matanda na yun.

    Patakbo namin tinungo ang main entrance at kagaya nga ng sabi ni Lio ay andun na nga yung matanda na abalang abala sa pakikipagkamayan sa mga kakilala nya. May kasama rin itong lalaki na sa pagkakakilala ko ay si Tito Dan at isang maliit na bata na hula ko ay si Ronnie. Napangiti ako tsaka lumapit sa kanila. Niyakap naman ako ni Tito at binulungan ako na sunduin ko raw si Ms. Sungit sa loob ng limousine. Nahihiya pa raw kasi itong bumaba dahil sa media na nag aabang sa labas.

    Habang tinatahak ang daan papunta sa Limousine ay napapailing na lang ako. Hindi ko lubos na maisip na may hiya pa pala si Ms. Sungit. Buong akala ko nga ay sasalubungin ako nito ng kanyang nagtataasan na kilay. Ayun pala ako pa ang balak nyang sumundo sa kanya.

    Kagaya nga ng sabi ni Tito ay napakarami nga talaga ng mga media dito sa labas. Kaya nga ng makita nila ako ay halos magkislapan ang mga flash ng mga daladala nilang mga camera. Pagkarating ko sa harap ng limo ay sinubukan kong aninagin si Ms. Sungit sa loob pero bigo ako. Kumatok muna ako sa bintana Nang mahawakan ko na ang hawakan ay sya namang pagbukas nito, nang makita nya ako ay bigla nya naman itong naisara dahil sa gulat. Mabuti na lang at naharangan ko ito tsaka binuksan ng tuluyan ang pintuan.

    Kahit medyo nagulat dahil sa itsura nya (aminin mo na kasi na maganda si Ms. Sungit) ay hindi ko ito pinahalata at ngumiti na lang.

    "They are all waiting for you" tanging lumabas sa bibig ko tsaka inilahad ang kamay. Akala ko nga ay hindi nya ito tatanggapin ngunit nagulat ako dahil walang atubili nya itong kinuha tsaka lumabas sa limo. At dahil duon ay nag kanya-kanya na namang flash ang mga camera habang nakatutok sa amin.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon