Chapter 14

135 3 0
                                    

    "Wow Mommy! Is this the beach that you always telling to me? Ronnie love it very much! Because it's too beautiful!" manghang mangha na sabi ni Ronnie sa akin pagkatapos namin makababa sa van na sinakyan namin galing airport. Nasa likod naman namin si Petra at Mimi Ai Ai.
   
    "Yes baby" masayang sabi ko. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ang maleta ko. Si Petra na raw kasi ang mag bibitbit ng kay Ronnie since magaan at maliit lang iyon. While bitbit bitbit naman ni Mimi Ai Ai ang pa-shoulder bag nya.
   
    "And look Mommy! There's a mini boat. Ronnie wants to ride there." turo nya sa bangka na nasa may dalampasigan. Walang nag babantay sa bangka at nakatali lang ito sa isang kahoy na nakabaon sa buhangin.
   
    "Don't worry baby boy, makakasakay din tayo dun" singit naman ni Petra sa usapan. Nag tatalon ito sa tuwa kaya hindi ko na rin mapigilan pa na mapangiti. Sinamahan sya ni Mimi Ai Ai na mas makalapit sa bangka. Nag pupumilit kasi ito sa akin na lumapit dun. Since kailangan pa namin i-confirm ang pinareserve na room for us ay hindi ko sya masasamahan. Nag prisinta na rin naman si Mimi kaya wala na rin ako nagawa pa kundi ang payagan syang makalapit dun. Nag promise pa nga ito na mabilis lang sila. Titignan nya lang daw ito ng malapitan at hahawakan. Pagkatapos ay pupunta na sila sa Room. Sinabihan ko na rin si Mimi kung anong room number namin and binilin na kumuha na lang ng another key sa baba kasi iidlip ako sandali.
   
    "Kaloka talaga yang anak mo ha. Nai-istress na agad ang feslak ko bakla" pailing iling na sabi sa akin ni Petra. Panay reklamo rin ito kasi mainit at malayo layo pa ang lalakarin namin para makapunta sa lobby ng resort. Mangingitim daw ang balat nya. Ang arte arte talaga ng baklang 'to tinalo pa ako.
   
    Kung hindi nyo alam, yang si Petra kasi ay yung tipo ng mamimili na sobrang dami kung bumili ng mga pampaputi na mga sabon. Onti na nga lang at mapagkakamalan ko na itong nangongolekta ng mga sabon o di kaya nag bebenta. At heto pa ha, ang bakla nag pagawa pa ng isang cabinet para paglagyan nya lang ng mga binibili nyang sabon. Oh diba? And yung laki ng cabinet ay hindi biro ang laki. Malapit nya na mapuno yun.
   
    "You know what Pet, being a morena is one of the trend ngayon! Huwag mo sabihing hindi ka na updated?" pangaasar ko sa kanya. Deep inside ay ngumingisi na ako dahil sa itsura nya paano ba naman ay lumaki ang mga mata nito na parang gulat na gulat sa narinig. Gusto ko lang naman na patigilin ito sa pag gamit ng kung ano anong products ng pampaputi lalo na at medyo nagiging sensitive na ang balat nya. Like isang kamot nya lang ay namumula na agad ito. And I also read in the newspaper na sobrang delikado ng mga whittening soap lalo na yung super tamang. Nakakasira raw yun ng balat.
   
    "Parang ganun na nga. Pero wait are you super really really sure about that trending skin tone?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako dito ng ubod ng tamis, kailangan kong ipa-realize sa kanya na hindi basehan ang pagiging maputi para masabihan ka ng Maganda.
   
    "Of course! Actually being Morena is a perfect skin tone now a days. Summer skin ang tawag kapag na achieve mo yung perfect skin color na yun. Kaya ikaw, tama na ang kaka-gluta at kakasabon ng pampaputi. Coz girl being a pure Filipina is what naturalistic means." pag papaliwanag ko. Well sa totoo lang talaga, somewhat ang mga sinabi ko ay half true and not. For me kasi ang mga ganoong color ng skin ay maganda and plus partneran mo pa ng medyo curly na hair. Pak! That's a kind of perfect summer look.
   
    "Ay feeling ko may tama ka jan Xabitch kasi may nag kwento sa akin na ka-chakabels ko. Sabi nya lahat daw ng fafi ay napapatingin sa kanya nung pumunta sila ng beach dahil sa beach look nya. And I remember din na bago sya pumunta ng beach ay single sya pero nung pag uwi, ay Inday!. Naku, may super gwapong fafi na syang kasama." nag titiling sabi nito sa akin. Hindi ko na alam kung ano na mararamdaman ko sa mga pinagsasabi ni Petra. Half half na rin. Petra's skin is still a morena, iba lang talaga ang nagiging effect ng binibili nyang soap sa skin nya.
   
    "Kaya starting today, I'm going to accept some advices especially those natural beauty tips! Nang sa ganun ay may mauwi din akong fafi sa bahay" nanggigigil na sabi nya sabay tili sa kanyang mga naiisip. Napapiling na lang din ako sa kaharutan ng baklitang ito. Sa wakas at na realize din ng bakla.
   
    Buti na lang nga at nakarating na agad kami sa lobby bago pa kami matusta ng tuluyan dahil sa sobrang init. Oo maganda maging morena pero iba pa rin yung tama ng balat na sunog na sunog masakit na yun.
   
    Kinuha namin ang keys namin sa kwarto. Magkaiba kami ng room since kasama ko sina Mimi Ai Ai ay hindi na kami mag kakasya pa sa loob lalo na at dalawa lang ang bed kada room. Kasama nya naman sa kwarto si Patricia while si Gem naman siguro ay kasama ang kapatid na babae ni Hani.
   
    Pagkatapos namin makuha ang keys ay dumiretso na kami sa room namin. Magkatabi lang naman ang mga room namin kaya inihatid ni Petra ang daladala nyang damit ni Ronnie.
   
    "Thank you Pet!" sabi ko dito sabay yakap sa kanya.
   
    "Ew ew! Huwag mo nga ako yakapin Xabitch at baka mahawa ako sa mga germs mo." maarteng reklamo nito habang iniaalis ang pagkakayakap ko. Halos sumakit naman ang tyan ko kakatawa dahil sa itsura nito na nandidiri.
   
    "Ito naman, baka ako nga ang hawaan mo. Sige na at mamaya na ang chika! Chupe na" pag papaalis ko sa kanya. Tinulak tulak ko pa ito papunta sa harap ng pinto nila.
   
    "Fine fine huwag mo na ako itulak at baka mag sanib pwersa kami ng pintuan dahil sa kakatulak mo na yan. Basta later ha! Don't forget to wear a pak! Alam mo na" nginitian ako nito ng nakakaloko. Sya raw kasi ang mag aayos sa amin mamaya for the bridal shower and gusto nyang rumampa sa pa-party na iyon ni Hani.
   
    Knowing naman na puro kabaklaan ang mga kaibigan namin kaya siguradong sigurado na hindi mag papatalbog ang mga iyan. Kapag mga ganyan kasi ay siguradong sigurado na walang inaatrasan na labanan ang mga yan. Ultimong butas ng karayom ay pipilitin nilang pasukin makamit lang ang hinahanap nila. Kaya kapag naka party mode na sila Petra at Pat ay hindi na kami nakikialam pa. Sabi nga nilang dalawa 'We are born this way'. Hayaan na lang natin sila.
   
    "Okay okay, katukin nyo na lang kami sa room ha." huling sabi ko tsaka nag martsa papunta sa room namin. Mamaya ko na iisipin ang bridal shower ni Hani. Parang nag ka-jetlag ako sa ilang oras na byahe. Parang feeling ko tuloy isang araw akong hindi natulog sa sobrang bigat na ng tulikap ng mata ko.
   
    Maya maya rin ay dumating na sila Mimi kaya nakampante na ako na matulog sa napakalambot na kama ng resort.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon