Chapter 20

126 2 0
                                    

    Halos hindi ako mapakali rito, panay ikot lang ako ng ikot.  Kung wala lang ang lamesang nasa gitna ay siguradong nalibot ko na ang kasulok sulukan ng cottage. Nag iisip ako kung paano ko maso-solusyunan ang problema kong ito. Kahit mataray ako syempre dadaanin ko ito in a good way. Para naman hindi na ulit ako sapilitang ipakasal ni Daddy.

    "Hey Ms. Sungit" biglang singit ng isang lalaki na naging dahilan kung bakit napatalon ako sa gulat at aksidenteng napatapilok, buti na lang at nahawakan nya ako sa braso. Kasi kung hindi ay bye bye beautiful face and hello to bukol from lamesa. Nang matitigan ko ang bagong dating ay halos manlaki ang dalawa kong mata at dali daling umayos ng tayo.

    Anong ginagawa ng isang ito dito? Huwag mong sabihin na kaya sya nandito ay para dagdagan nya ang mga problema kong ito? Tama na please huhuhu

    "Do I know you Mister? Tsaka Ano ang ginagawa mo rito? nasa kabila ang cottage nyo at hindi rito. Baka naliligaw ka at napag kamalan mong inyo ito. Pwes nag kakamali ka kaya, makakaalis ka na." pag tataboy ko dito. Imbes na mabadtrip sa akin ay ngumiti pa ito sa akin ng ubod ng tamis. Gash! Anong nakakatuwa sa mga sinabi ko? If ako ang trinato ng ganyan for sure halos mag usok na ang ilong ko sa sobrang galit at pag tataray dito. Pero ang isang ito, hanep! Tinalo pa ang nanalo sa lotto kung makangiti ng wagas sa akin. Sabihin nyo nga kung anong magandang pag trato ang sinabi ko sa kanya simula't sapul ng pagkikita namin? Diba wala?

    "Wala man lang bang thank you?" tanong nito sa akin habang naka nguso, pero tinaasan ko lang ito ng kilay at pinag halukipkip sa aking dibdib ang dalawa kong braso. At nag walang imik. Eww!

    "Silence means Yes" sabi nito tsaka unti-onting lumalapit sa kinatatayuan ko. Anong binabalak nya? Is he trying to kiss me? Na-alarma naman agad ako. Dahil sa panic ay dali dali akong umurong paatras para hindi sya tuluyan makalapit. Nang wala na akong maatrasan ay inilagay ko na ang aking dalawang palad sa harap ko tsaka sya pinatigil sa masama at hindi nakakatuwang binabalak nya.

    "Hep! Just stay there, bawal ka rito" pag babanta ko, buti na lang talaga at huminto ito sa paglapit sa akin.  Kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. But, he is still here. In front of me and he keep on starring at me.

    "Akalain mo nga naman Ms. Sungit oh, sa dinarami-raming cottage na meron dito sa Isla akalain mong sa iyo pa talaga ako naligaw" hirit nito, at panay taas baba pa ang kanyang kaliwang kilay habang nakatitig sa akin. Siguro kung isa akong kaladkarin nag titili na ako sa banat nyang bulok. Kaso hindi eh, ako ata si Xabrina. Isang babaeng ipinanganak na walang sinasantong banat.

    "Talaga lang ha? Sa sobrang malas ko nga dito sa mundo hindi ko lubos na maisip bakit sa dinarami raming mga tao sa islang ito ay ikaw pa talaga ang naligaw? Ayan tuloy tripleng kamalasan ang natatanggap ko ngayon" balik ko rito, and now his reaction is totally priceless, gusto ko sanang tawanan sya ng malakas kaso masisira ang momentum kaya nginisihan ko na lang ito habang ini-enjoy ang di makapaniwala nyang reaction. Kung hindi lang siguro sya tinawag ni Fourth ay paniguradong nakatunganga pa rin ito sa mga sinabi ko hanggang ngayon.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon