"Mommy! Come here look at this turtle. Ronnie found a turtle!" sigaw na tawag sa akin ni Ronnie na kasalukuyang tinititigan ang isang pawikan na kakaahon lang siguro kanina sa tubig. Nandito kami sa kabilang Island, hindi gaya dun sa Island na nirentahan ni Hani ay wala masyadong tao dito kaya naman malaya kang makakapag lakad lakad. Napagtripan kasi ng mga bakla na mag swimming kaya kami nandito ngayon.
"Ronnie don't touch the turtle" pagpipigil ko rito. Hinahaplos kasi nito ang pawikan gamit ang index finger nya. Dahil ayaw mag paawat nito ay hinawakan ko na ang dalawa nyang kamay tsaka inilayo sya sa pawikan.
"Mommy, Ronnie want to watch the turtle a little bit more" pag pupumilit nito sa akin habang nag lalakad ako pabalik sa cottage. Karga karga ko na kasi ito ngayon kaya wala na syang kawala pa.
"You should not disturb the Mother Turtle baby. Do you know why the turtle is there?" tanong ko dito na syang ikinailing nya sa akin.
"Because she will be laying some eggs" nakangiti kong tuloy sa sinasabi ko. Mukhang namangha naman sya sa narinig dahil mas lalo itong nag pumilit na bumaba. Nag sisi tuloy akong sinabi ko yun sa kanya. Huhuhu
"Ronnie wants to watch the Mother Turtle while laying eggs!" makwelang tugon nito sa akin dahilan kung bakit tuluyan na itong nakababa sa pagkakarga ko. Buti na lang ay hawak hawak ko pa ang kanyang kamay kaya hindi sya tuluyang nakatakbo papunta sa pawikan.
"Baby, The Mother Turtle doesn't want to be touched or even watched by us, humans. If you still want to go there, the Mother Turtle will go back in the sea and never go back here again to lay some eggs. Does Ronnie want it to happen?" siguradong sigurado na akong bibenta na ito sa kanya. Nasilayan ko naman ang bahagyang pagkalungkot nito pero napalitan agad ito ng ngiti. That's right baby.
"Okay Mommy, Ronnie will stop now. I think Ronnie wants to eat hmmm" sabi nito sa akin sabay haplos ng kanyang tyan. Natawa naman ako tsaka umupo at tapatan ang mukha nya.
"My poor baby" nanggigil kong sabi sabay halik sa kanyang pisnge. Hinila na ako nito pabalik sa cottage. Gutom na gutom na raw sya.
"Ang bilis nyo naman ata nakabalik Anak?" tanong sa akin ni Mimi na nag aasikaso ng mga pagkain. Sya lang kasi ang mag isa na nandito. Asan kaya mga baklita na yun?
"Nagugutom daw ho Mimi si Ronnie eh." sabi ko tsaka pinaupo si Ronnie sa upuan. Binigyan naman sya ni Mimi Ai Ai ng Koko Crunch na paborito nya.
"Nga pala Mimi nasaan ang kabaklaan?" tanong ko rito. Hindi ko kasi sila makita, maski mga anino nila sa may dalampasigan ay wala sila duon.
"Ah yung mga kaibigan mo ba? Anduon oh, sinusundan ng tingin yung apat na kalalakihan." turo ni Mimi Ai Ai sa may tabi ng halamanan mga nakasilip ito sa kabilang cottage. Kahit kaylan talaga itong mga baklita na ito jusko.
"Puntahan ko lang sila Mimi at turuan ng leksyon. Nakakahiya naman sa umuukupa ng kabilang cottage." tumango naman sa akin si Mimi kaya dali dali na akong tumayo at dahan dahan na lumapit sa kinaroroonan ng tatlo.
Nang makalapit ay dali dali ko itong mga kinurot sa tagiliran dahilan kung bakit nag sisihiyaw ang mga ito sa sakit. At ang mas malala ay nakatawid sa kabilang cottage si Petra dahilan kung bakit napahagalpak ako ng tawa. Nakaganti rin ako sa wakas.
"Peter?" boses lalaki, hindi ko makita kung sino kasi nakaharang sa harap ko yung dalawang matangkad na si Gem at Patricia.
Akalain mo nga naman tinawag pa na Peter ang bakla. Sabagay, mukha naman syang lalaki sa suot suot nyang beach short at sando na white. Sa kaloob looban nito siguradong namumula na ito sa galit.
Nakita ko naman na tumawid ng kabilang cottage si Gem at ganun din si Patricia. Aangal na sana ako sa mga ito ng bigla nila akong hinila kasama nila. Halos isumpa ko na nga yung mga tanim na halos sirain na ang tapis na nakalagay sa bewang ko.
"Nandito rin pala kayong lahat." natatawang sabi ni Fourth. Oo si Fourth ang soon to be asawa ni Hani. Siguro ay nag lilibot na lang ito rito ngayon at sinusulit ang pagiging binata. Bawal kasi sila magkita ngayon ng bride. Syempre sumusunod lang sa tradition ng mga nakakatanda. Sa pagkakaalam ko kasi kaya yun ginagawa para magkaroon ng time ang bawat isa bago sila itali sa isa't isa. Pero syempre dipende pa rin iyon sa ikakasal kung susundin at paniniwalaan nila ang mga ganuong bagay.
"Oo nga pala, meet my friends" pag papakilala nya sa amin sa tatlo nya pang kasama na lalaki. Halos mapatalon naman ako sa gulat ng masilayan ang pagmumukha ng isa sa mga ito. Hindi ko na nga narinig pa ang mga sumunod na sinasabi ni Fourth dahil sa gulat. Ano ginagawa nito rito ngayon?
"Hi we meet again" ngiting ngiti na sabi nito sa akin. Sabay lahad ng kamay nya sa akin. Hindi ako nag kakamali, sya yun. Ahhhhh! Ngising ngisi itong nakatingin sa akin, yung tipong tuwang tuwa na nakita nya ako ngayon.
"Huy bakla, tanggapin mo naman ang kamay ni Pogi. Kanina ka pa tulala jan." bulong sa akin ni Patricia na naging dahilan kung bakit napabalik ako sa katinuan. Nakita ko ang bahagyang pagngiti nito sa akin ng magtama ang mga mata namin. Dahil sa asar na asar ako sa kanya ay tinaasan ko ito ng kilay at saka sya matalim na tinitigan ng masama. Who told you na I'm willing to be friend with you? Huh! Cursed that person
"Ako nga pala si Patricia, naku pasensya ka na jan kay Xab may pagka mataray talaga yan" sabi ni Patricia sa kaharap kong lalaki sabay kuha ng kamay na inilalahad nito sa akin. Aba siniraan pa ako ng bakla?
Tinapakan ko naman ang paa nung Asungot na yun. Hindi ko na kasi matantsa ang ngiting ngiti na pag mumukha nito kaya dali dali na akong tumalikod para bumalik sa cottage namin, syempre nag paalam ako kay Fourth na bukod tanging kakilala ko. Rinig na rinig ko pa nga ang pag daing nito dahil sa sakit ng pagkakatapak ng paa ko sa kanya. Pasalamat nga sya at nakatsinelas lang ako, kung nakatakong lang ako ngayon ay baka hindi na sya ulit makapaglakad pa. After nun ay dali dali na akong tumakbo at iniwanan sila dun.
"Xab! San ka pupunta?" rinig ko pang sigaw ni Patricia pero nag patuloy lang ako sa pagtakbo. Grrr! Ang bilis naman ng karma ko ngayon. Nakakainis, sana pala hindi ko na sila kinurot sa tagiliran kanina. Edi sana hindi ko na nakita ang pag mumukha ng asungot na yun!
Sa tuwing nakikita ko sya naalala ko lang yung nangyari noong una naming pagkikita. At swear! Halos isumpa ko na sya dahil sa ginawa nya na iyon.
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...