Pagkagaling ko sa kusina ay dumiretso naman agad ako sa garden ng bahay. Kagabi ko pa ito gustong puntahan lalo na at mas nahuhumaling ako dito tuwing gabi. Walang tao dito kaya minabuti kong mag libot libot.
Actually, bago ako umalis ng Pinas natayo na itong garden. Si Mommy talaga ang nag suggest nito kay Dad since she loves flowers very much too. Sa kanya ko ata namana itong pagkahumaling ko sa mga bulaklak.
Habang abalang abala ako sa pag pitas ay dumating naman ang higad kong kapatid at prenteng umupo sa harap ng mesa. Matutulis na tingin ang ipinupukol nito sa aking direksyon. Kahit ata naka talikod ako mahahalata ko pa din na sya ang dumating paano ba naman umaalingasaw ang kabahuan na taglay.
Humarap ako dito ng may nakakalokong ngiti na naging dahilan kung bakit napasinghap ito sa pag kainis. Inggit na inggit na naman yan sa ganda ko for sure. Lumapit ako dito habang hawak hawak ang rosas na pinitas ko kanina. Ipinakita ko ito sa kanyang harapan at inilapit ang aking mukha. Kitang kita ngayon ng dalawa kong mga mata ang nag aalab nitong pagmumukha siguro kapag hinawakan ko ito ay sasabog na ito at unti-onti akong susugurin.
“bakit naman ata ganyan ang titig ng MABAIT kong kapatid huh?” sabi ko dito habang pinagdidiinan sa mukha nya ang mabait, nginisihan ko ito kaya mas lalong tumalim ang titig nito sa akin. Yan ilabas mo pa ang totoo mong pagkatao my sister.
“alisin mo sa harap ko ang rosas na yan XABRINA" tugon nito habang galit na galit na giit sa pangalan ko.
“bakit ko naman aalisin? hmm? Eh mas gugustuhin ko pa ngang makita ang rosas na ito kesa sa pag mumukha mo e." sabi ko rito. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagkuyom nito ng kamao. Mas lalo tuloy akong ginaganahan na mangasar.
“How dare you-" galit nitong sabi, syempre ako ata si Xabrina, ang pinaka ayoko sa lahat ay yung mga sumasagot sa akin pabalik kahit hindi pa ako tapos sa sinasabi ko. Kaya naman pinutol ko na agad ang sasabihin nya tsaka ibinuga sa kanyang harapan ang pang award winning kong linyahan.
“Buti pa ang rosas, maganda na nga kaya pang ipag sigawan sa lahat na DANGEROUS sya. At least Aware ang lahat na pwede silang matusok sa tinik nito kung hindi sila magiingat sa paghawak. Ikaw kaya? Kaylan mo balak ilabas ang natatago mong pagkatao DANIELA? Siguro sapat na yung mga nabiktima mo diba? Have sone mercy on us" nakangisi kong sabi tsaka nag lakad papalabas ng Garden. Rinig ko pa itong nag sisigaw duon kaya aligaga naman na pinuntahan sya ng mga katulong upang patigilin sa pagwawala. Gising na pala ang mga ito? Kailangan ko na umalis sa bahay na ito. Ayokong suminghot ng mga polusyon lalong lalo na't kakauwi ko lang.
Since wala naman na akong pakialam ay nag Grand Exit na lang ako. Nag sisimula na kasing mag drama yung best actress at umaakting na parang sya ang biktima. Sus I'm so sick in her fake dramas.
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...