Special Chapter

145 5 0
                                    


"Jaimee Austin will you take Xabrina Faye-" hindi na pinatapos ni Hun ang sinasabi ng pari dahil agad-agad itong nagwika ng I DO. uh? Hindi naman siguro sya ganun ka-excited diba?.

"Xabrina Faye, Will you take Jaimee Austin as your husband...?" tanong ng pari sa akin. Tumingin muna ako kay Hun na ngayon ay ngising ngisi. Tinaasan ko muna ito ng kilay bago hinarap ang pari. Nagtitigan muna kami ni father. Nagtataka na rin ang lahat kung bakit hindi pa ako sumasagot na syang ikinangisi ko. Kanina pa ako kinakalabit ni hun pero binabatuhan ko lang ng tingin si father na 'wag mo sya pansinin. Nang makuha nito ang nais kong sabihin ay napatahimik muna ito saglit. Matapos ang isa pang minuto ay nagsalita na rin ako.

"I do" ramdam na ramdam ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak ni hun. Nang lingunin ko ito ay ngiting ngiti ito na parang naiiyak.

"Napano ka?" bulong ko dito. Sinenyasan ko pa talaga si father na saglit lang para tanungin iyon sa kanya.

"Wala wala masaya lang ako, akala ko kasi ay mas gusto mong pakasalan si father kesa sa akin, kasi grabe kung tumitig ka kanina sa kanya." naiiyak nitong tugon sa akin. Halos magsi-ikutan naman ang mata ko. Hindi na rin mapigilan ni Father na mapahalakhak ganun din ang mga taong dumalo. Naka-open pala ang mic kaya rinig na rinig ng lahat ang pinag-uusapan namin. Oh gosh!

Pinalo ko ito sa kaniyang braso. Na mas lalong ikinatawa ng lahat.

"Oh sya sya tama na yan." pagpapatigil ni father sa amin. Napaayos naman ako ng tayo. "I now pronounced you both as husband and wife, Jaimee you may now kiss your bride" nakangiting tugon ni Father kay hun na kumalma na rin. Pero bago muna iyon ay humirit si Father bago ako halikan ni hun "Gusto lang ni Xabrina na pakabahin ka"

Unti-unti akong iniharap ni hun sa kaniya at nasilayan ko ang nakasimangot nitong mukha pero mabilis naman iyon napawi ng sabihin ni Father na "go kiss her" gusto ko sana tumawa ng malakas kaso baka isipin nila na nababaliw na ako. And this time I don't know what to do. So I just closed my eyes and let his lips touch mine. It was smooth, soft and sweet. Naputol lang iyon dahil sa palakpakan at sigawan ng lahat.

Everyone special in my life are all present in my wedding. Manang Mina and Mimi Ai Ai are sitting beside with each other si Mimi ang nagtayong Mommy ko while si Manang Mina naman kay Hun.

Peter is happily clapping his hands while wiping his eye. Uh? Is he really that affected? Lol

Halos matawa naman ako ng bigla kong mahagip ng mata sila Gem and Patricia na todo ang pagsigaw, halos sapukin na rin sila ni Hani na ngayon ay karga-karga si Audry na anak nila ni Fourth, nagpapatulog siguro iyon ng bata ang dalawa. Walang tigil kasi sa kakaiyak nun kanina.

Those guys naman ay hindi rin nagpahuli dahil pagkatapos namin makababa ng hagdanan ay dali-dali itong mga dumampa kay hun dahilan kung bakit napahiga ang mga ito sa sahig. Mabuti na lang at hindi na ako hawak ni hun nung mga oras na yun kasi kung hindi ay siguradong napabulagta na rin ako.  Hindi ko mapigilan na matawa habang pinagmamasdan sila.

"Hey beautiful lady in white, congratulation!" bati sa akin ni Daniela bago ako niyakap ng mahigpit. Napangiti naman ako ng malawak at inakap sya ng mahigpit. Naalala ko tuloy ang pag-abot nito sa akin ng bulaklak nya nung kasal. Sure na sure na raw kasi na ako ang susunod kaya iniabot nya na lang iyon sa akin. Well, I'll gonna do the same thing later.

"Thank you! Pero wait naiipit si Yasmin!" sabi ko dito. Oh yes, she's two months pregnant! Hindi pa naman ganun kahalata pero mararamdaman mo na ang umbok nito. Napabitaw naman ito sa akin at ngumiti.

"Congratulation Xab!" bati naman sa akin ni Rei na ngayon ay inaalalayan ang asawa. Napangiti naman ako dito.

"Thank you Rei. Please do take care of my niece and my sister." sabi ko na syang ikinatango nya naman. Actually kahit hindi ko na sabihin kay Rei yun ay for sure he will take care and love my sister and Yasmin very much!

Biglang sumingit naman sa harap ko si Dad na bitbit ang halos maubos na laman ng tissue box. Kanina kasi bago pa mag-umpisa ang seremonya ay panay singhot na rin ito. Kesyo raw iiwanan ko na rin daw sya and such. Eh ang lapit lapit lang naman ng bahay namin ni hun sa kanya eh hindi gaya nila Daniela at Rei na sa kabilang City pa. Si Daddy talaga. Inakap nya ako at tinapik tapik bago dumiretso kay hun na ngayon ay nakatayo na rin pala mula sa pagkakabagsak kanina.

"Mommy!" rinig kong sigaw ng baby Ronnie ko. Napaupo naman ako bago sya niyakap. Hinalikan ko ito sa pisnge at tumingin sa kasama nya.

"Gladly you two are here." nakangiti kong sabi. At tumayo ng tuwid at hinawakan ang kamay ng Baby Ronnie ko. Ramdam ko naman ang biglang pagpulupot ng braso ni hun sa bewang ko kaya dali-daling lumapit sa kanya si Ronnie at nagpakarga rito.

"Oo naman po Ma'am Faye! Malakas ka yata sa amin" makwelang tugon ni Roda sa akin. Napatawa na lang din si Philip na sumasaludo kay hun. Magkasundo na kasi 'yang dalawa na 'yan.

"I know, by the way here" nakangisi kong sabi habang iniaabot kay Roda ang bulaklak na hawak-hawak ko. Kagaya ng naging reaksyon ko ay halos mangamatis naman ang mukha ni Roda at Philip.

"Ma'am Faye hindi ba't dapat hinahagis 'yan?" nagtataka nitong tanong sa akin. Napatawa naman kami ni hun at sapilitang inilagay iyon sa kamay ni Roda.

"Duon naman iyon mapupunta Roda, diba bro?" Tugon ni hun. At halos hindi rin makatingin kay Roda si Philip. Ang bagal-bagal naman kasi nitong pinsan ko! Yayain lang maging girlfriend si Roda ay hindi pa rin nagagawa? Hindi na ako magtataka kung ma-awardan silang dalawa na torpe of the year!. Well, dipende na lang kung kasalan agad ang nais! Mas maayos yun!

Naputol naman ang pang-aasar namin ng lumapit ang photographer. Picture picture raw! Pumwesto naman ang lahat.

Me and hun with Ronnie are in the middle while in my right ay sila Daddy, Daniela, Rei, Roda and Philip. Nasa left naman ni Hun ay si Mr. Dustin na ngayon ay tinatawag ko na rin na Dad, si Mimi Ai Ai at Manang Mina na parehong bihis na bihis. While in our front ay ang makikwela naming barkada. From left to right. Z and Gem na nagkakaigihan na rin, si Leo na napapagitnaan ni Patricia at Petra dahil no choice sya, then si Hani and Fourth with Baby Audry!.

Our family is getting bigger. And I'm really happy now!. I can't described the overflowing happiness lingering all over my body. It feels amazing and wonderful at the same time.

Like what I've said awhile ago, this is just the start of everything. I need to look froward for more chapters with my hun beside me.

I will not promise anything, since hindi natin alam ang magiging takbo ng buhay. But I will do everything as his wife and Mother of our children. I will love them until the universe collapsed.

I don't know what would our life be. How many problems and struggles we will face as being married?

Marrying the man I love is beyond my dream!. Maybe, I will let the universe decide for it.

Since your Mataray Queen is now Married, I think I need to start writing for the next Chapter of my married life, what do you guys all think?

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon