Chapter 3

200 7 1
                                    

    Pagbaba ko ng hagdanan lahat sila napapatingin sa akin.
   
    Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa alindog ko? Mismong kapatid ko nga naiinggit sa akin paano pa kaya ang ibang tao diba?
   
    Hinalikan ko si Daddy sa kanyang pisnge at nag paalam na aalis na ako. Nakita ko naman na tumahan na pala ang bruha kaya inirapan ko na lang ito tsaka Pumuntang parking lot at sumakay sa aking sasakyan na Ford.
   
    Tinawagan ko muna si Roda para kamustahin yung pinapagawa ko sa kanya. Buti naman at tapos na kaya wala na rin akong p-problemahin pa. Inayos ko muna ang sarili, nang makuntento sa aking itsura ay nag maneho na ako at umalis sa bahay.
   
    Hindi naman ako naipit sa traffic kaya  dumiretso na lang ako sa parking lot ng Café at iniwan ang kotse dun. Bago ako bumaba ay sinigurado ko munang maayos akong titignan. Nang makampante ay sinuot ko naman ang pastel shade ko.
   
    Rumarampa ako habang pumapasok sa Café, as usual pinag titinginan na naman ako ng mga tao sa loob. Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda? Sorry ha my fault.
   
    Nang masanay sa pinupukol nilang mga tingin ay Nag palinga linga muna ako ng kaonti sa mga taong nanduon bago tuluyan makita ang aking hinahanap.
   
    Nag tuloy tuloy ako sa paglalakad na tila ba isang Model na nasa Fashion Show. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapansin nung apat na patuloy pa rin sa pag k-kwentuhan. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin sila tinatablan ng alindog ko.
   
    “Can I join?” maarteng tanong ko sa kanila pagkarating ko sa kanilang lamesa. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang kinikilatis kung kakilala ba nila ako. Napataas naman ng kilay si Petra habang gulat na gulat naman na nakamasid yung tatlo. Dahil ayokong masabunutan ng wala sa oras ay tinanggal ko na ang aking shades tsaka ngumiti ng ubod ng tamis.
   
    “XABRINA!” sabay sabay na sigaw nilang apat kaya napa takip naman ako ng aking tenga. Gahd! Wala pa akong balak na mabingi ng dis oras. At ipangalandakan ba naman pangalan ko? Baka mas lalong dumami fans ko nyan ah.
   
    Isa isa nila akong niyakap at pinaupo sa tabi ni Patricia. Kakaloka ganun ba kalaki ang pinagbago ko at hindi nila ako makilala kanina? Sabagay mas lalo ata akong gumanda ngayon, hindi na rin nakakapagtaka at hindi ko rin sila masisisi dun.
   
    “Anong sabe naman ng shades ng bruha ano?” natatawang saad ni Petra habang maarteng hinahawi ang kanyang bangs sa gilid.
   
    “Ay korek ka jan bakla, makapunta nga rin sa ibang bansa at baka mas gumanda ako.” pangaasar din ni Hani sa akin. Habang di pa rin mawala ang ngiti nito sa labi.
   
    “Shut up bitches. I'm still the Xabrina that you all know. Mas gumanda nga lang” sabi ko sa mga ito. Syempre mga besties ko yan kaya asahan nyong sasalungat ang mga yan sa sinabi ko.
   
    “Asus Mummy gumanda daw oh” natatawang sabi ni Gem sa akin habang pinapalo si Baklang Patricia sa kanyang braso.
   
    “Ay ano pa nga ba Mamshi, parang wala naman atang pinagbago” at pinukulan nila ako ng ngisi. Ah ganun. Yan ang gusto nyo, panindigan nyo.
   
    “Meron kaya, mas dumarami nga ang mga pinapatay ko ngayon gusto nyo ba sumali?” nag katinginan naman silang apat sabay sabing.
   
    “ew! No thanks!” umi-iling pa ang mga ito. Hindi ko na napigilan pa at humalakhak na ako. Nakisabay din sila kasi gaya gaya sila kaya  ayan napapatingin na lang din ang iba pang customer sa gawi namin. Sundutin ko mga mata nyo eh. Bakit bawal ba humalakhak ang mga magaganda? Hmp!
   
    “Kabogera ka bakla ah in fairness napatawa mo ulit kami” maarteng sabi ni Patricia habang iniinom ang kanyang kape.
   
    “heh! So kamusta naman ang mga bitches? ” tanong ko sa mga ito.
   
    “Still the same baby... Party party!” Baklang 'to!
   
    “FYI, Mr. Peter, papabols lang hinahanap mo dun” pangaasar ni Gem kay Peter.
   
    “Yuck girl!, who's that Peter? If you don't know, My name is Patraria” pagtatama ni Petra dito. Natawa na lang din si Gem sa kanya at nag kibit balikat.
   
    “Patrerya che! Hirap naman bigkasin nun, Petra na lang kaya para mas madali” suggestion naman ni Hani kaya natawa ulit kaming apat. Naiwan namang naka nguso ang baklita.
   
    “fine! Call me Peter. Wag lang Petra” naiinis na pag susuko ni Petra sa amin. Umiling iling naman kaming apat sa sinabi nya at pakantang sinabi ang Petra~
   
    Kaya hayun ang bakla emosyonal hahaha.
   
    “So anong mga plano nyo later tonight?” pag iiba ni Petra sa usapan. Asar na asar na kasi ang bakla kaya ayaw nya na pagusapan pa ang tungkol sa pangalan nya.
   
    “going out with Fourth and prepairing for you know” kinikilig na sabi ni Hani. Aw, they are still together. I envy them gash! Why so strong?
   
    “gonna fly back to Cebu. My Fashion show kasing i-held dun kaya I need to go there” naka ngiwing saad ni Patrcia. Still the Patricia that I know, napaka workaholic talaga ng baklitang 'to. Patricia is a transgender woman now and I'm so happy for her kahit nuknukan din ito ng kaartehan sa katawan. I will always love this girl.
   
    “I'm going with Pat, you know I'm an event organizer at saktong same lang din ang pupuntahan namin kaya sasabay na sya sa akin papunta dun later.” aw, buti naman at she already doing what she love. To be an event organizer ang dream job ni Gem before. Actually, sya ang nag aasikaso lagi ng mga event nung high school pa lang kami. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung isang sikat na event organizer na sya ngayon. Her job is actually not easy. Parang lahat ng burden sa isang event ay ikaw mismo ang mag sasalo. It's a challenging job by the way, and I guess it's not for me.
   
    “how about our balik bayan Queen?” tanong sa akin ni Petra kaya napatingin naman sa akin ang lahat. Inaabangan nila isasagot ko.
   
    “gonna attend Mr. Lim's birthday party” bored na sagot ko. Ewan ko lang, hindi ko kasi sure if mag e-enjoy ako sa ganuong party.
   
    “with whom?” tanong naman ni Hani. Well Hani is also a business woman pero she prefer not to attend those kind of party stuff. Napaka formal daw kasi and hindi sya sanay sa mga ganun.
   
    “of course with my Dad and my bitch sister Daniela” napasinghap naman silang apat ng banggitin ko ang pangalan nito.
   
    “Make sure na hindi ka matatalbugan ng babaitang yun naku nanggigil talaga ako sa bruhang yun masyadong Atribida!” naiinis na sabi ni Petra.
   
    “Of course I won't, you know me naman diba? I don't like being defeated by that bitch.” Sagot ko rito at isang thumbs up lang ang binigay nilang apat sa akin.
   
    I already got my back ups in case na sugurin ako ng wala sa oras ng baliw na yun mamaya sa party.

A/N: May term paper pa akong tatapusin pero dahil ako ay tinatamad na gawin here na muna ang chapter 3! enjoy chinggus! ❤

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon