Chapter 23

114 2 0
                                    

    "Xabrina Iha, sigurado ka bang dito ang sakayan ng mga van papuntang airport?" tanong sa akin ni Mimi, kasalukuyan kasi kaming nakatayo sa may gilid ng kalsada. At ni isang Van ay wala pang dumadaan. Tanging tricyle at pedicab lang ang meron dito.
   
    "Opo Mimi, iyon po kasi sabi sa akin nila Pat. " sagot ko at nag patuloy lang ako sa pag aabang. Nag babakasakali na may dumating na ng van o kahit na anong transportasyon na maihahatid kami ng mabilis sa airport.
   
    "Naku iha, kung hindi pa tayo makakaalis ngayon. Siguradong hindi na natin maabutan pa ang flight." pangangambang tugon sa akin ni Mimi. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking sarili at tsaka hinaaplos ang buhok ni Ronnie na kasalukuyang nakaupo sa kanyang maleta.
   
    "Mommy look! There's a car!" turo nito sa isang itim na kotse na paparating. Nag katinginan naman kami ni Mimi at napa tango sa isa't isa. This time kakapalan ko na talaga ang pagmumukha ko. Ikinumpas ni aMimi ang kanyang kamay na parang nag papahinto ng sasakyan. Buti na lamang at tumigil ito.
   
    Lumapit ako rito tsaka kinatok ang bintana. Unti-onti naman na bumaba ang bintana at ng akmang ibubuka ko na ang aking bibig para humingi ng pabor ay bigla kong nasilayan sa loob ng magarbong itim na kotse na ito si Mr. Asungot na ngiting ngiti na nakatingin sa akin. Ewan ko pero tila biglang umurong ang dila ko.
   
    Nakatingin pa rin ito sa akin na tila ba parang nag iintay sa sasabihin ko. Kainis! Sa dinami daming mga tao bakit sya pa ulit? Gahd! I don't know what to do.
   
    "Mommy!" tawag sa akin ni Ronnie na naging dahilan kung bakit bumalik ako sa katinuan. Ano ba nangyayari sa akin? Usually kapag nasa ganito ako ng estado ng buhay ay babantaan ko pa ito ng masama. What happen now?
   
    "Hop in" sabi ng Asungot sa akin. Na naging dahilan kung bakit 'ha?' lang ang bukod tanging naging sagot ko.
   
    "I said ihahatid ko na kayo" ulit nito sa akin. Pero bago pa ako makatanggi ay nauna nang nag tatalon sa tuwa si Ronnie at binuksan ang  pintuan ng backseat para pumasok. Sumunod naman sa kanya si Mimi na todo pasalamat sa Asungot. Ano na naman trip ng isang ito?
   
    "Hindi ka pa ba sasakay Ms. Sungit?" tanong sa akin ng Asungot. Sinamaan ko ito ng tinggin at nag kibit balikat lamang ito sa akin. Akmang bubuksan ko na ang back seat ng mag salita si Ronnie na nag patigil sa akin.
   
    "Mommy! You should sit beside of Uncle." nakasimangot na tugon ni Ronnie.
   
    "Oo nga naman iha, ayaw mo naman siguro na mapagkamalan syang driver hindi ba? Kay gwapo gwapong lalaki ei. Ako na bahala dito kay Ronnie at umupo ka na jan sa harap ng makaalis na tayo." singit naman ni Mimi, wala na rin akong nagawa pa. Ayoko naman na suwayin ang inutos ni Mimi, lalo na't tama naman ang sinabi nito. Well except nalang sa pagiging gwapo ng asungot na ito  kasi super ekis sya sa akin.
   
    Ngiting ngiti na pinaandar ng asungot ang kanyang kotse tsaka binaybay ang daan papuntang airport.
   
    "Buti na lang iho at napadaan ka, kundi siguradong hindi na kami makakaabot sa flight" pasasalamat ni Mimi. Kahit papaano pala ay may tinatago din itong kagandahang loob. Akala ko puro pangaasar at pang b-bwiset lang alam nito sa buhay.
   
    "Tatlong beses lamang po sa isang araw dumadaan dito ang mga van. Paswertehan na lang talaga. At nag kataon na mag a-alas singko na ng hapon kaya siguradong wala na talaga kayong masasakyan na byaheng airport." pag papaliwanag nito. Kaya pala! Kahit isang Van man lang ay wala kami nakita dahil hindi na bumabyahe ang mga ito kapag ganitong oras. Ay naku, malilintikan talaga sa akin sila Patricia.
   
    Buong byahe ay nanahimik lang ako. Hanggang sa makasakay na nga ng eroplano sila Mimi.  Laking pasasalamat ko ngayon kasi first time na hindi umiyak si Ronnie. Kadalasan kasi kapag nalalayo ako sa kanya mag uumpisa na yan na mag tantrums. Noong pumunta ako rito sa Pilipinas inilihim ko kay Ronnie ang pag alis ko. Buong akala nya kasi noon ay papasok lang ako sa work ko kaya hindi pa sya umiiyak. Pero nang buong gabi syang nag intay sa akin, duon na nag simula ang pag wawala nito. Pero, tignan mo nga naman ngayon, Big boy na talaga ang baby ko.
   
    "Let's go?" tanong ng asungot sa akin. Oo nga pala nakalimutan ko ang isang ito, nandito pa pala. Tumango na lang ako rito, tsaka walang imik na dumiretso sa kotse nya.
   
    "Alam mo, Ms. Sungit nakakapanibago ka talaga. " sabi nito habang inaayos ang seatbelt nya. Nakataas naman ang kilay ko na tinignan sya. Ano ba problema ng isang ito?
   
    "Kung wala kang matinong sasabihin eh mag maneho ka na lang at ibalik ako sa Island." pag uutos ko rito pero ngumisi lang ito sa akin.
   
    "Mas gusto ko yang mukha na yan Ms. Sungit. Alam mo kasi kapag tahimik ka eh parang mas lalo kang nakakatakot. At least kahit bumubuga ka na ng apoy alam ko na naiinis ka na. Hindi gaya kapag tahimik ka kulang na lang patayin mo ako sa sobrang nerbyos." pag aamin nito sa akin. Feeling ko biglang lumaki ang tenga ko sa aking mga narinig.
   
    "Argghhh! What do you want to say now? Na mukha akong tigre? Pwes ibaba mo na ako ngayon din!" inis na inis na bulyaw ko dito.
   
    "Hey hey! Easy lang Ms. Sungit joke lang yun, ito naman di na mabiro." pailing iling na sabi nya sa akin habang ang mga mata nito ay naka pokus pa rin sa daan. Gahd! Isang malaking pagkakamali na sabihin na may tinatago itong kagandahang loob!
   
    "Well it ain't funny" tipid kong sagot tsaka ibinaling ang mata sa bintana. Mas lalo atang nadagdagan ang sakit ng ulo ko ng dahil sa kanya ei.
   
    "Bakit ka huminto?" tanong ko ng i-park nya ang sasakyan nya sa isang chicken restaurant na naka tayo sa may kalsada. Pinag buksan ako nito ng pinto. Kahit nagtataka ay bumaba na rin ako sa kotse.
   
    "Mag d-date tayo." halos lumuwa naman ang mga mata ko sa aking narinig. Nahihibang na ba ang lalaking ito?
   
    "Ano?" tanong ko ng hindi pa din mag sink in sa utak ko ang sinabi nya.
   
    Ako? Makikipag date sa Asungot? Gahd! In his dreams!
   
    "Kailangan pa talagang ulitin?. Kako mag d-date tayo ngayon kaya tara na" ulit nito tsaka tuluyan na ako nitong hinila. Kahit hindi makapag lakad ng maayos ay nagawa pa rin ako nitong madala sa loob.
   
    No way!

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon