Chapter 22

108 2 0
                                    

    Habang nagaganap ang seremonya ng kasal ay tila ba parang hindi ako mapakali sa aking kinauupuan?. It feels like someone is watching me from a far. Nang matapos ay diretso agad kami sa reception. Syempre nag picture picture muna ang lahat. Saving this kind of wonderful memory of Hani before going sa reception. My Baby Ronnie is now busy in making friends. Nakaupo kasi ito sa isang rounded table kasama ang mga kapwa nyang bata. I find it cute, kampante naman ako kasi inaalalayan naman sya ni Mimi Ai Ai.
   
    "Hay, I can't imagine na isa sa mga bitches ko ay nakatali na. Ako kaya, kailan ko kaya mahahanap si Mr. Right? Hihihi" kinikilig na sabi sa akin ni Gem. Katabi ko na kasi ito ngayon, nakaupo sa isa sa mga rounded table na naka reserved for us. Ewan ko nga bat super laki ng table eh apat lang naman kami rito.
   
    "Kapag hindi ka na busy" simple kong sagot dito. Dahil sa sinabi ko ay nakita ko naman itong sumimangot at yumakap sa braso ni Pat. Nag hahanap ng kakampi para sabay sabay nila akong mapatumba.
   
    "Mumsh oh ang harsh ni Mummy sa akin" nakangusong sumbong nya kay Patricia.
   
    "Ganyan talaga ang mga nakahanap na ng boylet." pagtataray naman sa akin ng bakla kaya napa rolyo na lang din ako ng mata sa kanila. Dina-dramahan na naman nila ako. Sanay na ako sa asaran namin na ito.
   
    "Speaking of boylet." nakangising singit ni Petra sa usapan habang nakatingin sa likuran ko. Of course, randomly guys na naman ang nakita nyan.
   
    "Guys here!" sigaw ni Petra habang kumakaway pa. Napataas naman ang kilay ko tsaka nilingon ang kung sino mang tinatawag nya. Actually umaabot lang sa silay silay lang ang mga baklang ito. Nakakapanibago lang at ina-approach na nila ngayon. Sobrang nakakapanibago talaga.
   
    Medyo familiar mukha nila. Saan ko nga ba yun nakita? Dalawang lalaki kasi ang kinakawayan nitong baklang si Petra. Mukhang naagaw naman nito ang atensyon nito kaya dumiretso ito sa table namin.
   
    "Here guys, dito ang reserved seats nyo!" this time si Patricia naman ang nagsalita.
   
    "What? Akala ko tayong apat lang ang nasa table na ito?" di makapaniwalang tanong ko.
   
    "Nope Mummy, yung dalawang bagong kasal ang nag arrange ng tables for us. Kaya maski kami ay nagulat na we will going to share the table with others. Pero it's fine naman na since super ga-gwapo ang ka-table natin ahhh!" tiling tili na bulong sa akin ni Gem.
   
    "Thank you for informing us girls" nakangiting sabi ng isa na may adams apple. Feeling ko may pagka playboy ang isang ito. Well feeling ko lang naman.
   
    "You are welcome faf- I mean Z hehe" pabebeng tugon naman ng baklang si Petra. May pag pilantik pa ang mga kamay nito. So arte talaga ng baklitang ito.
   
    "Nga pala where is J?" tanong naman ni Patricia. What?! May kasama pa silang isa? Eh for sure katabi ko yun. Isa na lang kasi ang vacant na seat at yun ang nasa kaliwa ko. Naalala ko na! They are the dude's of Fourth. Arggghh! And the J na they are talking about is no other than the asungot.
   
    "Psst, Gem palit tayo ng upuan?" bulong ko sa katabi ko. Ngunit tila nabasa nito ang pinaplano ko kaya napangisi ito sa akin. Kahit kaylan talaga.
   
    "A-yo-ko hahaha" mala dem†ny† nitong tugon sa akin kaya napasimangot na lang din ako.
   
    "Kinakausap sya ng Dad nya pero susunod naman din iyon." sabat naman ng isa na medyo curly ang hair. Sana huwag na sya sumunod.
   
    Nag simula nang i-introduce ang bagong kasal, syempre nag sipag tayuan kaming lahat at pumalakpak. Pagkatapos ay nag toss kami for them. After nun ay pinaupo na ulit kami. Mag c-cutting of cakes na raw kasi at syempre chibugan time na.
   
    "Oh, ayan na pala si Dude" sabi naman ng may adams apple na pagkakakilala ko ay si Z. Kumaway kaway pa ito kaya napatingin naman ang lahat. Well except for me na walang pakialam at Busy sa pag subo ng kinakain ko. Kailangan ko na bilisan sa pagkain, lalo na't kailangan ko pang ihatid sa airport sila Mimi at Ronnie.
   
    "Nandito rin pala si Ms. Sungit" sabi nito ng pagdating. Bahala sya jan.
   
    "Ay na dedma" rinig kong bulong sa kanya ni Z na katabi nya ngayon sa kaliwa.
   
    "Oh Xabitch san ka pupunta?" tanong sa akin ni Petra ng bigla akong tumayo.
   
    "Ihahatid ko sila Mimi, excuse me guys" ngiti kong sabi tumango naman sa akin yung tatlo. They already know na kasi na ngayon ang flight ng dalawa going back. Wala kasi kami nakuhang flight na medyo sasakto pagkatapos nitong reception. Kaya kailangan na namin gumora. Nakapag paalam na rin kami kay Hani and okay naman daw. Tumalikod na ako sa kanila. Pero bago muna iyon ay pinigilan ako ni Patricia.
   
    "Hep! Hep! Ihahatid mo sila sa Airport diba Fafa J?" ngising ngisi habang nakatingin sa Asungot.
   
    "Naku huwag n-" hindi ko pa tapos sasabihin ko ay pinutol na nito ang sasabihin ko. Grrr! Kahit kaylan talaga! For sure iba na naman ang iisipin ng mga ito.
   
    "Yes, I have a car outside" mabilis na tugon nito.
   
    "Ayun naman pala eh. Sige guys ingat kayo!" sabi ni Pat bago ako tuluyang hinila nitong asungot papalabas ng reception. Pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaso walang epekto. Ayoko naman na gumawa ng eksena, lalo na't hindi naman sa aking kasal ito.
   
    Nang tuluyan makalabas ay duon na ako nag protesta. At buong lakas na tinanggal ang pagkakahawak nya.
   
    "Alam mo Mr. Asungot hindi mo na kami kailangan ihatid kaya na namin mag commute. Kaya ikaw bumalik ka na sa loob at baka hanapin ka pa ni Fourth." pag tataboy ko dito. Mag sisimula na sana ito mag salita ng biglang sumigaw si Ronnie.
   
    "Mommy! " sabi nito tsaka patakbong lumapit sa akin. Yinakap ko naman ito tsaka hinalikan sa pisnge. Nakabihis na rin ito ng pang alis nya.
   
    "Let's go Mommy. I can't wait to see Lolo" sabi nito tsaka ako hinila papunta sa kinaroroonan ni Mimi. Iniwan naman namin yung Asungot na nakatulala at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Huh! Buti nga sayo. Knowing na Ronnie called me Mommy siguro naman ay titigilan nya na ang pangungulit nya sa akin diba? And It's pretty good kung mangyari yun.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon