Chapter 33

97 0 0
                                    

Gem POV

    "What?! Is that effin true Z?" gulat na gulat na tanong ni Petra kay Z na nakaupo sa harapan namin. Ikinuwento kasi kahapon sa akin ni Z ang tungkol kila Mummy Xab at J. Yes, kagaya ng reaksyon ni Petra ngayon ay ganyan na ganyan din ang unang nasabi ng bunganga ko kahapon.

    And until now ay hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko na ang lalaking ipapakasal kay Mummy ay si J! Half of me is happy kasi kahit papaano we already know na ang mapapangasawa ni Mummy, and the other half? Medyo alanganin kasi eh, lalo na at halos isumpa na ni Mummy ang mapapangasawa nya na dapat sa kapatid nya.

    As a friend, hindi namin alam kung kami ba ang magsasabi kay Xab tungkol dito. Ito naman kasing si Z eh! Sinabi pa sa akin kahapon kaya tuloy kagabi ay halos hindi ako mapakali at makatulog. Kaninang umaga plano ko na talagang sabihin kila Pet ang tungkol sa nalaman ko. Kaya kami nandito ngayon.

    "It's true, Ina-annouce nila Tito Dastin at ang Daddy ni Xab noong Birthday ni Mr. Lim. Maski kaming dalawa ni Leo ay nagulat dahil tinanggap naman iyon ni Xab while J? Hindi sya umattend at mas pinili na magkulong sa condo nya noong gabing yun. Pero knowing J, hindi sya papayag sa kasalan na yan na wala syang magandang dahilan." pagpapaliwanag sa amin ni Z. He is right, pwedeng gusto talaga ni J na magpakasal kay Mummy or he has other reasons in his mind. I will compare it to the situation of Mummy right now. She told us na kaya lang naman sya napapayag dahil it's a last will of Tita, her Mother. And there is no other reason para pumayag sya sa kasalan bukod dun.

    "But what if, hayaan na lang natin sila? There is a high chance na magkagustuhan yung dalawa eh. Tsaka wala naman humahadlang sa bawat isa kaya may pagasang magkagustuhan sila" sagot naman ni Pat na ngayon ay humihigop na ng kanyang frappe.

    "Possible!" segunda ko naman.

    "What do you mean Possible? If I know gusto pa rin ni Xabitch si Rei masyado lang indenial ang loka." pagsasalungat naman sa akin ni Pet na syang ikinasimangot ko. Oo nga pala I forgot about that d†mn a††hole! Ewan ko ba at hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin ito ni Mummy. Oh yes, she always told us na 'I don't love him anymore' but the heck! We are not dumb, blind and what so ever para hindi malaman ang mga sinisigaw ng mga mata nya.

    "Who is that?" tanong naman ni Leo. Oh yes, he's here too. Nagpupumilit ngang sumama si Philip kaso hindi pwede lalo na't napaka wild ng mga fans nila ngayon.

    "Xabitch oh so freaking Ex-boyfriend na ipinagpalit sya sa kapatid nyang bruha." sagot naman ni Pet na syang ikinatawa ni Pat.

    "Do you mean Daniela?" tanong naman ni Z na tila gulat na gulat.

    "Yas, yas that bitch ruin my Xabitch's beautiful life." Dagdag pa ni Petra. Kung si Mummy ay galit na galit din kay Daniela, mas lalo pa itong si Mumsh!

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon