Chapter 19

119 2 0
                                    

    "Xabitch, bakit mo naman kami iniwan kanina?" tanong sa akin ni Petra. Kararating lang ng mga ito galing sa kabilang cottage. And swear! Halos mapunit na mga labi ng mga ito sa kakangiti ng dumating.

    "Oo nga edi sana nasilayan mo ang kagwapuhan nila Fafa Z" kinikilig naman na tugon ni Gem sa akin. May pahampas hampas pa ito sa katabi nyang dalawang baklita. Kaya hayun rambulan silang lahat.

    "Bigla kasi ako nagutom kaya bumalik ako, at saka andito ang Baby ko ayoko naman na iwanan kay Mimi lalo na at sobrang kulit ng isang ito." pag papaliwanag ko. Nag taasan naman ang mga kilay ng mga ito tsaka sabay sabay na nag sabi ng

    "Sabi mo eh" ewan ko lang kung naniwala ang mga ito. Pero mukhang Oo naman kasi nag si upuan na sila sa kanilang mga upuan tsaka nag simula na mag chikahan tungkol sa mga lalaking nasa kabilang cottage.

    Hays salamat naman at hindi na nila ako inusisa pa. Pero kasi naman, bakit ba nandito yung mokong na yun? Hindi pa ba sapat yung fries, sundae at even yung kwintas na butterfly? And Oh, I forgot to mention yung seat na inukupa nya nung kumakain ako sa Jollibee? Sobrang dami ko nang isunurrender for him ha. At ang kalayaan ko na mag liwaliw dito sa Island eh mukhang nabawasan pa.

    Is he following me all around?. I don't know lang ha pero 3 times ko na sya accidentally nakakaharap and I swear I don't like it. Isa pa, Knowing na sa sobrang laki ba naman ng earth bakit feeling ko napaka liit na nito? It's super creepy!

    "Mommy, and Tita's can we swim now? " tanong sa amin ni Ronnie, kakatapos lang kasi nitong kumain ng ibinigay na koko crunch ni Mimi.

    "Oh sya mga Anak samahan nyo na itong bata, at ako na bahala sa pag babantay nitong cottage." pag papaalis sa amin ni Mimi Ai Ai

    "Sige po Nay Ai, halika na baby boy" pag yaya ni Patricia kay Ronnie. Tumugon naman ang bata tsaka hinawakan sya nito sa kamay.

    "Oh my gash mga mamsh mukhang gusto ko na rin ng isang baby" kunyaring umiiyak na sabi ni Pat na syang ikinatawa naman namin.

    "Naku mamsh jowa muna ang hanapin bago baby ha" pag sesermon naman sa kanya ni Gem na naging dahilan kung bakit napasimangot ang bakla.

    "Wag mo naman ipangalandakan na waley me jowakis. Hanapan mo ako kaya" pag tataray naman nito kay Gem.

    "Jan ka pa nag patulong eh isa rin yang walang jowa" pag sisingit naman ni Petra. Bago pa lumalim ang mga asaran ng mga ito ay sumingit na ako. Ayoko naman na mag ka world war IV dito ngayon.

    "Pare-parehas lang naman tayo na walang jowa dito eh" simple kong sabi sa mga ito. Habang isunusuot kay Ronnie ang super cute nyang salbabida.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon