Chapter 13

138 2 0
                                    

    One week na rin ang nakakalipas. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita sa bahay si Daniela. Minsan umuuwi raw ito ng hating gabi at umaalis din ng madaling araw. I'm kind of happy since hindi ako kakapusin sa oxygen ng dahil sa kaplastikan nyang dala dala kapag nandito sya sa bahay. I don't know nga lang kung bakit hindi sya napapagalitan ni Daddy sa pag uwi at pag alis nya ng ganung oras.
   
    About my wedding. Wala naman sa akin nababanggit si Daddy ng kung ano ano tungkol dun. Kaya medyo nakakalimutan ko na rin ang tungkol dun. At wala akong pinoproblema this past few days. Itinuon ko lang ang buong atensyon ko sa Baby kong si Ronnie.
   
    I'm currently packing some of my clothes and Ronnie's. We are heading into an Island where I planned to take my Vacation and sa kalapit na private Island ay ang pag gaganapan ng wedding ceremony ni Hani. Yep, Hani is getting married on the Day after Tomorrow. Actually this is also one of my reason, why I suddenly came back here in Philippines.
   
    Sa isang private Island ito gaganapin. Sa totoo lang ay may kutob na akong madami ang mga pupunta sa kasal nya. Knowing na medyo business related din ito. The theme of the wedding is somehow a combination of beach wedding and a garden wedding. I don't know what it will looks like but I hope it will look beautiful. And combined well together. I trust Pat and Gem's girl power here kaya medyo kampante na kami ni Petra.
   
    Sabay kaming pupunta ni Petra dun while Gem and Patricia are already there since sila nga ang mga nag aayos ng magiging flow ng kasal. From the gowns up to the design both of them manage those things for Hani. We all love Hani kaya we will make sure na she will look happy in her big day.
   
    "Oh my gosh, I'm so excited na talaga" nag titiling sabi ni Petra sa akin. Tinutulungan kasi ako ng baklita sa pag iimpake. Nandito sya para sunduin kami ni Ronnie. At dahil nga sa medyo madami dami pa ang aasikasuhin ko ay tinulungan na ako nito para raw mas mabilis at hindi kami ma-late sa flight namin. Sya ang nag aayos ng maleta ni Ronnie while inaayos ko naman ang sa akin.
   
    "Me too Pet! I wonder kung gaano kaganda ang dalawang Island na pupuntahan natin" sabi ko habang isinasara ang zipper ng maleta.
   
    "Ay korek ka jan Xabitch! We all know naman na hindi papayag si Hani na isang pipitsugiin na island lang ang pipiliin nya para pag dausan ng kasal." pag sasangayon nya sa akin. Itinayo na namin ang maleta ng matapos kami sa pag iimpake. Buti talaga at nandito ang baklang ito, kung hindi ay inabot na ako ng syam syam at aligagang nag iimpake ng mga dadalhin.
   
    "Mommy where are we going? Are we going back to our home?" tanong sa akin ni Ronnie ng makita nya ang dalawang maleta na hawak hawak namin ni Petra. Galing kasi ito sa baba kaya wala syang idea kung saan kami pupunta. Kaya siguro akala nya ay babalik na kaming America.
   
    "We are going to attend a wedding Baby." sabi ko dito na may ngiti sa labi.
   
    "Really Mommy? Together with Tito?" tanong ulit nito habang tinuturo si Petra na kasalukuyang nag papahinga. Bahagya naman akong natawa sa naging reaksyon ni Petra ng tawagin sya na Tito.
   
    "Ouch, Tinawag nya akong Tito Xabitch, masakit sa puso." ma-dramang sabi ni Petra na umakto pa na parang nasasaktan talaga. Kung si Patricia siguro ang tatawagin ni Ronnie na Tito ay siguro ay maawa ako sa kanya pero kung si Petra? Never mind na lang sa baklitang ito. Parang lalaki pa rin kasi kung pumorma. H'wag mo lang kakausapin kasi paniguradong malalaman mo na bumigay na pala ang isang 'yan.
   
    Pagkarating namin mamaya sa Island ay gaganapin ang bridal shower ni Hani. Kaya medyo 50-50 ang status namin nito lalo na at aabutin ng tatlong oras ang byahe namin ngayon.
   
    "Yes Baby, and you should not forget to bring your swim glasses." pag papaalala ko rito. Bigla naman nanlaki ang mga mata nito.
   
    "We are going to swim Mommy? In a beach or in the pool?" excited na tanong nito sa akin.
   
    "Of course in the beach baby. It's your wish right?" tumango tango ito sa akin habang may malawak pa rin na ngiti sa kanyang mga labi. Dali dali itong tumakbo sa cabinet at kinuha ang swimming glasses nya.
   
    "Ngayon lang ba makakapunta si bebe boy sa beach?" nag tatakang tanong sa akin ni Petra habang hindi nya pa rin iniaalis ang kanyang tingin kay Ronnie na abalang abala sa pag aayos ng kanyang mga laruan. Excited na excited din ito ngayon.
   
    "Yeah" tipid na sagot ko. Tinulungan ko naman na mailagay ni Ronnie sa bag nya ang mga gamit.
   
    "So exciting! Tuturuan ko sya kung paano mag hunting ng boys ay este ng girls in the beach" natatawang sabi ni Petra na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
   
    Nakatanggap naman agad ito ng isang hampas na nanggaling sa hawak hawak kong damit ni Ronnie na susuotin nya mamaya.
   
    "Joke lang naman Xabitch!" reklamo nito at hinimas himas ang braso. Baklang ito, tuturuan pa ng mali ang baby ko.
   
    Nag bihis na kaming parehas ni Ronnie, while Petra is waiting downstair. Ka-chikahan nya si Daddy na tuwang tuwa rin sa mabulaklak na bibig ni Petra. Paano ba naman, kanina ay narinig ko itong binobola bola si Daddy. Kesyo mukhang hindi raw sya tumatanda at mas lalong gumagwapo patagal ng patagal. Way nya lang yun para mang good vibes ng mga kagaya ni Daddy.
   
    After namin makapag bihis ay bumaba na kami. Nag paalam kami kay Daddy. Kasama namin ngayon si Mimi Ai Ai pero uuwi rin sila agad ni Ronnie after the wedding. Wala kasing mag babantay sa kanya duon kaya kailangan kong isama si Mimi Ai Ai.
   
    "Here we go!" sigaw ni Petra ng tuluyan na nga kaming makasakay sa kotse.
   
    This is it, my relaxing day will be starting right now! And I can't wait to feel the ambiance of the beach again. It's been a while kasi since I last visited a beach.
   
    When I'm in America ay hindi ko na naiisipan pang pumunta ng beach. Busying busy kasi ako sa pag aalaga kay Ronnie noon. Since malaki na sya ngayon ay pwede ko na syang isama sa mga vacation trip ko while taking care of him.
   
    This is our first time to be with each other in a vacation and an event like this. Well I'm very excited.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon