Chapter 34

108 0 0
                                    

    "Xabby! Hurry! Hurry we are gonna late." bulyaw sa akin ng Manager slash Director slash Pinsan kong si Philip. Kagaya nga ng sabi nya ay malalate na nga talaga kami sa Press con dahil we only have 15 minutes to travel at the venue. At heto ako nag susuot pa lang ng high heels at kakatapos lang sa pag po-pony at pag aayos ng buhok ko na halos isang oras ang ginugol ko para lang ma-achieve ang perfect bouncy ponytail ko ngayon. Of course bukod sa akin ay lahat ng mga nasa bahay ay aligagang aligaga na rin pati na rin si Mimi na tinulungan na ako sa pag aayos kanina ng mga susuotin ko.
   
    "Sige na iha, sa kotse mo na ayusin ang make up mo para hindi masayang ang oras nyo. Ako na ang bahala kay Ronnie kapag nagising." Sabi sa akin ni Mimi at dinala ang maliit na paper bag na puro make up kit ang laman sa kotse na gagamitin namin ni Philip. Wala pa kasi akong kamake-up make -up at kailangan matapos ko agad iyon bago pa kami makarating sa venue.
   
    "Thank you Mimi! Ba-bye po" pag papaalam ko at niyakap ko ito. Pagkatapos ay dali-dali na akong sumakay sa backseat. Buti na lang at nag hire ng driver itong si Philip kasi kung hindi ay baka nag uumpisa na ang prescon wala pa kami duon, ang kupad kupad pa naman magpatakbo ng pinsan ko na yan, lagi nyang katwiran sa akin ay nag iingat lang daw sya, sus!. Kumaway si Philip kay Mimi upang magpaalam dito, nauna kasi itong sumakay sa kotse at kasalukuyang nakaupo na sa shot gun seat kaya nga panay sermon ito sa akin kasi sya tapos na.
   
    "Pumunta ka lang dito sa Pilipinas mas lalo ka atang bumabagal sa pag aayos ng sarili." natatawang sabi ni Philip habang nakatingin sa akin gamit ang rear mirror ng kotse. Inirapan ko ito at sinipa ang inuupuan nya kaya medyo napabend ito, pasalamat sya at may seat belt sya. Kasi kung hindi tumaob na yan ngayon sa dashboard. Napaka talaga kasi kahit kaylan.
   
    "Heh! Nalate lang ako ng gising kaya ganyan." sabi ko habang nag lalagay ng kakaonting foundation sa mukha. Wala kasi si Roda dito, sya kasi ang make-up artist ko, hairstylist ko, at syempre stylist ko. Kaso busy sya kaya kailangang ako ang mag aayos sa sarili ko. Buti na lang talaga at nag aral ako kasi kung hindi mukha na akong luka luka ngayon.
   
    I am wearing a simple plain white top with matching a black skirt, one inch above my knee. There is also a little red ribbon in my head that helps me to look kind and pretty in my outfit! My heels that I'm wearing is only 3 inches high and it was color red.
   
    While Philip, is currently wearing the famous tuxedo designed by Miro. A Hollywood designer and also a friend of us na sobrang tanyag dahil sa mga breathtaking nyang mga designs, all around sya kaya nga idol namin yan . It was a pretty gray tuxedo, it was a high quality when it comes to fabric. His hair is kind of messy but still he looks so manly today. Medyo sumablay lang talaga sa pag uugali dahil sa walang sawang pang aasar nito sa akin lagi.
   
    "Get ready for the nonstop questions of different media and reporters" he said while patting my head, this jerk! Balak nya pa talagang guluhin buhok ko? Aba! Pasalamat talaga sya at sinuswerte sya ngayon. Ayoko naman na gumawa ng eksena ano. Kakarating lang kasi namin sa Venue and of course kailangan may pa red carpet muna.
   
    "Ano pa nga ba ang bago?" sarcastic kong sabi na syang ikinatawa nya. At bumaba na ng kotse. As expected tilian agad ang narinig ko ng pagkabukas nya ng pintuan ng kotse upang lumabas.
   
    Syempre dahil gentle dog ang pinsan ko ay pinag buksan ako ng pintuan at saka inilahad ang kamay sa akin upang tulungan ako sa pag baba.
   
    Guards are all lined up, all flashes of camera are already pointed at us. Of course! Sa ganda ba naman namin na magpinsan sino hindi mapapapicture? And of course sisipain ko ang mag sasalungat sa sinabi ko ng sa ganun hindi na sikatan pa ng araw.
   
    Pagkarating namin sa gitna ay todo awra naman kami ni Philip to showcase our simple but elegant outfits today. Medyo maingay dito lalo na at may mga fans kaming nag aabang sa amin sa may tabi at panay tili at sigaw ng mga pangalan namin. Since mabait ako sa mga fans ko ay kumaway ako sa mga ito, dahilan kung bakit lumakas ang tilian nila. Wrong move ata.
   
    Pagkatapos ng red carpet ay diretso kami sa Prescon, they ask some revelation about our movie. Some ay nag tatanong kung may naka line-up pa raw ba kaming mga movies together, and I answered them with yes. Because of that naghiyawan ang lahat sa tuwa.
   
    Ang mas nagpaintriga sa amin ay ang mga tanungan na ito:
   
    "Is this true, that you both go to the Island Yesterday? Are you guys having a liitle vacation there?" tanong ng isang reporter. Nagkatinginan naman kami ni Philip at tumango ito sa akin. Means sya na raw ang bahalang sumagot.
   
    "I just got there to pick her up, nothing more." he simply answer. Buti na lang at tumigil na sa topic na iyon at pinalitan na ito ng bago.
   
    "Is this your first time here Mister Philip in the Philippines? How Philippines so far?" tumikhim muna ito bago nagsalita.
   
    "Actually this is not my first time here. And Philippines is still the same. People keep on welcoming us with warm hearts. Also I really miss the food here like Adobo and bibingka." pagsasagot nito dahilan kung bakit napatango lamang ang nagtanong sa isinagot nya.
   
    "This question is for Miss Xabrina" pag uumpisa ng reporter kaya ibinigay sa akin ni Philip ang mic. Why I'm feeling nervous right now?. I have this kind of bad feelings.
   
    " Does Miss Xabrina already engaged? " tanong ng batang reporter na tantsa ko ay bago pa lang ito sa industriya. Buti na lang at nakahawak ako sa upuan ko kasi kung hindi siguro nahulog na ako dahil sa pamatay nyang tanong. Napahinto muna ako ng ilang segundo tsaka sya sinagot.
   
    "Actually..., I don't know where did you get that information, but I will keep my little privacy here. Sorry but I won't answer your question yet, Not unless you saw me wearing a ring here" at inilabas ko ang kaliwa kong kamay upang ipakita ang mga daliri ko na walang suot na singsing. Buti na lang at hindi ako nag suot ng kahit na anong mga alahas kagaya ng singsing, kung hindi ay kanina pa sana ako nagisa ng mga reporter na ito.
   
    Nakahinga ako ng maluwag ng wala na iba pang mga nagtanong kaya nag sipag tayuan ang lahat upang palakpakan kami. Syempre, nag bow kami sa kanilang lahat para mag pasalamat ng bukal sa puso namin.
   
    Pagkatapos nun ay dumiretso na ang lahat sa Cinema 1 for black screening. After ng black screening ay nag karoon pa ng kakaonting interview, mabilis lang naman iyon at pinag bigyan na rin namin, since minsan lang kami dito.
   
    Promote dito, promote doon
   
    Ngiti doon, ngiti dito.
   
    Wala kaming ibang ginawa ngayong araw kung hindi ang sagutin ang paulit ulit na tanong ng mga media. Kaya ng makauwi sa bahay ay agad agad akong humilata sa sofa sa sala, habang si Philip naman ay napag desisyunan na uuwi na rin sya sa kanila.

A/N: May pasok na kami kaya I'm so busy talaga, sorry guys for late updates. Focus muna tayo sa school :) hehehez pero here is another ud for today! Enjoy <3 Philip at multimedia! gwapo noh? Yesung!

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon