Chapter 50

81 0 0
                                    

Kagabi, halos lunurin ko na ang sarili ko sa alak. Ano pa ang saysay ng mga pinaghirapan ko kung iiwanan naman ako nito?.

Nabalitaan ko rin kay Z na mismong si Ms. Sungit- I mean si Xabrina and tumawag kay Tanda at umayaw sa kasal. Tinanong ko sya kagabi kung nasaan ngayon ang mag-ina pero wala itong alam dahil nabalitaan nya lang din ito kay Gem na syang kaibigan nga ni Xabrina.

Kahit tinatablan pa rin ng hangover ay dali dali kong inabot ang tumutunog kong cellphone na gumising sa akin. Sinagot ko ang tawag.

"Hello" malumbay na bati ko dito habang hinihilot pa rin ang sintidong panay kirot pa rin.

"T†ngin† mo Jaimee! Asaan ka ba ngayon?" galit na galit na bungad sa akin ni Fourth na syang ikinakunot ng noo ko. Ano na naman ba ang atraso ko sa isang ito?

"Nasa bahay. Bakit ba minumura mo akong h†yop ka! Ang aga aga" parang mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko  kay Fourth.

"Kagabi ka pa namin tinatawagan, nasaan ka ba kagabi at hindi mo sinasagot mga tawag namin?" sabi naman ni Z. Bakas na bakas sa mga boses nito ang galit. Kaya naman chineck ko ang call history ko at tama nga sila ang dami nilang tawag, mga hating gabi.

"Ano ba meron at tumatawag kayo? Panira kayo ng umaga ei" sabi ko tsaka tumayo para magsuot ng tsinelas at dumiretso sa kusina para makakain.

"T†ngin† mo J! Sila Xabrina! Bumalik na ng America, kagabi pa sila umalis" sagot sa akin ni Z. Ilang beses ko pa itong narinig na minumura ako pero mas importante si Xabrina ngayon. Ibinaba ko na ang tawag tsaka patakbong pumanhik ulit sa itaas ng kwarto para makapag bihis.

Bakit ba naglasing pa ako kagabi? P†tangina mo Jaimee! Edi sana naabutan mo sila sa Airport at napigilan. Malamang anduon na ang mga yun ngayon sa America dahil alas dies na ng umaga.

Dali-dali akong nagbihis at kinuha ang susi at wallet na nakapatong lang sa side table.

Patakbo akong bumaba ng hagdanan at mabilis na sumakay sa kotse. Kumaway muna ako kay Manang Mina na kakatapos pa lang mamalengke. Siguro ito ang nag ayos sa mga kalat na naiwan ko kagabi sa sala. Hindi ko na ito naayos pa dahil sa sobrang kalasingan.

Dahil linggo naman ngayon ay mabilis lang din ako nakarating sa bahay nila Xabrina. Dahil nakilala naman ako ng guard nila ay binuksan na agad nito ang gate.

"Oh hijo naparito ka?" bungad sa akin ni Nay Ai na mayordoma dito sa bahay nila Xabrina.

"Nanjaan ho ba si Dani?" tanong ko dito na syang ikinagulat nya. Nang mahimasmasan ay tumango ito sa akin.

"Teka lang hijo ha at tatawagin ko" iginaya ako nito sa sala para maupo muna at makapag kape.

Habang humihigop ng kape para matanggal ng ka-onti ang hangover ay nagpalinga linga ako sa buong bahay. Ngayon ko lang kasi ito napagmasdan ng maiigi. Hindi kagaya ng huli kong punta rito ay maingay ito dahil sa kakulitan ni Ronnie na panay takbo sa sala hanggang sa kusina kaya siguro hindi napapadapo ang mata ko sa kagandahan ng bahay nila.

Nang mapagawi sa katabing lamesa ay nakita ko ang mga larawan nila Dani at Xabrina noong bata pa sila. Mukhang close naman sila noon ah? Ano kaya ang nangyari?.

"Good morning J!" ngiting ngiti na bati sa akin ni Dani. Bihis na bihis ito at mukhang may lakad.

"Walang maganda sa umaga Dani." simple kong bati dito na syang ikinatawa nya.

"I know right?. Oh? Ano pang ginagawa mo jan? Tara na!" masayang sabi nito na ikinataka ko.

"Saan tayo pupunta Dani? Kailangan ko ng tulong mo ngayon saka mo na ako yayain mag mall kapag naayos ko na ang problema kong ito."  pagsesermon ko dito. Humagalpak ito ng tawa na rinig na rinig naman sa buong bahay nila.

"Hay nako J! Napaka slow mo talaga kahit kaylan. Hello? Alam ko na ang tulong na sinasabi mo. Actually, expected ko na pupunta ka ngayon kaya tada! Bihis na bihis na ako. Ano tutulungan pa ba kita o hindi na? " pangaasar nitong tanong ulit sa akin habang ipinapakita ang damit nya. Kaya dali-dali na akong tumayo at niyaya na sya sa kotse. Panay asar pa nga ito sa akin pero binaliwala ko na lang ito. Kasi mas importante ang gagawin ko ngayon. Habang maaga pa ay mag-iipon muna ako ng lakas ng loob para may maiharap naman ako sa kanya.

Just wait for me Ms. Sungit magiging akin ka ulit. You'll marry me, we will be married  Mark my words.




—————————————————————

  Xabrina Faye POV

"Oh my gosh! Faye is already here Kyaaahh!"

Rinig kong sigaw ng isang babae na may hawak hawak na banner na welcome back Faye. Syempre hindi lang sya ang nag-iisa dahil bigla na lang dumami ang nagsulputan sa harap ko.

Flashes of cameras

Noisy Fans

Big banners

Body Guards all by my side....

I miss this feeling. Maybe, I'm really back to my normal life.

Where there is no

Daniela in my house

No arrange marriage

And no Asungot

Pagkarating ko sa harap ng limo ay sumalubong sa akin si John Philip na pormang porma sa polo shirt nya na white at jeans.

Halos mapunit na ang tenga ko ng biglang mas lumakas ang hiyawan ng mga fans. Iba talaga ang kamandag ng pinsan kong 'to!

"You are late" bati nito sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

"Blame those assistant of yours" bulong ko na syang ikinatawa nya. Oh well yes, Philip is the one who arrange our flights back here in New York. And buti na lang at may nakuha sya, natagalan nga lang sa proseso.

Pinagbuksan ako nito ng pintuan ng sasakyan at inalalayan para makaupo. Sumunod naman sya at umupo sa harap ko.

"Where is Ronnie?" tanong nito ng mapansin hindi ko kasama sila Roda. Kinuha nito ang wine glass na sinalinan nya kanina at iniabot sa akin. Malugod ko naman itong tinanggap at ininom.

"Nakahiwalay sila sa akin, alam mo naman kung gaano ka-active ang mga fans dito sa New York kaysa sa Pilipinas." napapailing kong sagot dito. Totoo yun, mas marami kasing nakakakilala sa akin dito kaysa sa Pilipinas. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung ni isang tao ay walang kumaway sa akin noong pagkarating ko duon sa airport.

"How's life?" tanong ulit nito na syang pinandilatan ko naman. Tinaas nito ang dalawang kamay sa akin, patunay na nasindak ko sya.

"Easy! Nagtatanong lang naman ako" natatawa nitong sabi sa akin na syang ikina rolyo ng mata ko. This man is getting into my nerves! Acting like As if! He don't know. Si Philip pa ba? Hindi nya ako ia-arrange ng flight going back here sa NYC kung wala syang alam. I mean- duh? I'm not a dumb para hindi malaman na alam nya na.

Mga ilang minuto pa ay narating na namin ang bahay ko. Nagpaalam na rin ito sa akin matapos akong maihatid sa loob ng bahay. Ewan ko ba at nagmamadali ang isang 'yun. Wala tuloy akong kasama dito. Mamaya pa kasi sila Roda dadating.

A ring from my phone stopped me. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at ng makita ko na hindi sya naka-save sa phonebook ko ay nagtataka kong sinagot ito.

"Hello?" bati ko dito. I don't care if I sound like happy or sad, but one thing clear from me I'm so nervous right now and tired. Why I'm feeling nervous? Kasi baka prank calls.

"You left without consulting me!" bulyaw nito sa akin na syang nagpakabog sa puso ko. I know this voice! Oh no. Dali-dali kong ibinaba ang linya at tinurn-off ang phone. No way high way! Paano nya nalaman ang bago kong number?! Arrghhh

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon