Chapter 26

109 2 0
                                    

Third POV

Pagkatapos maihatid nila Xabrina at Jaimee sila Manang Ai Ai at Ronnie ay sumakay na ang mga ito kaagad sa eroplano. Siksikan at napaka raming tao ngayon kaya todo kapit si Ronnie kay Manang Ai Ai. Ito kasi ang habilin ni Manang Ai Ai sa kasamang bata na hawakan nya ang kanyang laylayan nang sa ganun ay hindi sya mawala. Hindi na kasi magawa pang mahawakan ng Manang ang bata dahil sa daladala nitong dalawang bag sa magkabilaan nyang kamay. Habang papunta sila sa kanilang mauupuan ay hindi sinasadyang masagi ni Ronnie ang isang matandang lalaki. At ito ang naging dahilan kung bakit sya nahiwalay sa Manang na kasama.

Sa mga panahon na iyon ay prenteng prente naman na nakaupo si Mr. Dastin sa kanyang kinauupuan. Pagkatapos kasi ng seremonya ng kasal ay dumiretso na sya agad dito sa airport upang hindi mahuli sa kanyang flight. Pero bago muna iyon ay syempre pumunta muna sya ng reception ng kasal upang pormal na mag paalam sa bagong kasal. Naiintindihan naman ito ng dalawa kaya nag paalam na din ang mga ito sa kanya.

Kilala kasi si Mr. Dastin bilang pinaka abalang tao. Hindi pa kasi nito naipapasa ng tuluyan sa kaisa-isahang anak na lalaki ang kumpanya kaya sya pa rin ang nag aasikaso dito. Ang balak kasi nito ay ipakasal muna ito sa anak ng kanyang kumpare na si Daniel bago nito tuluyang hawakan ang kanilang kumpanya.

Hindi nya ito kasamang umuwi pabalik dahil nalaman nyang nandirito pa ang mapapangasawa nito, sa isip isip nya ay mabuti na iyon upang makilala nila ang isa't isa ng lubusan nang sa ganun ay hindi na sila mahirapan pa kapag kinasal na sila.

"Uwaaaaahh!!" nakarinig sila ng iyak ng bata. Nanggagaling ito sa kaharap nilang upuan kaya inutusan nya ang kasamang assistant upang tignan ito. Nang ito ay bumalik ay may karga karga na ito na batang lalaki. Umiiyak ito at tila may hinahanap.

"Sir, nakita ko po itong bata sa kaharap nating upuan. Nakasiksik sa may gilid ng upuan at panay iyak. Wala po syang kahit isang kasama kaya dinala ko na lamang dito upang hindi na umiyak pa." napatango na lamang sya sa kanyang assistant at inutusan ito na paupuin muna sa kanyang tabi. Nang mailapag sa kanyang tabi ay tinitigan sya nito dahilan kung bakit napangiti sya sa bata.

"Are you lost little boy?" tanong nito sa bata, bahagya itong napatango at nag umpisa na namang umiyak. Pinatahan ito ni Mr. Dastin at sinabihan sya na tutulungan sya nitong hanapin ang kasama nya. Napatahan naman din agad nya ito kaya napangiti sya sa kanyang sarili.

Naalala nya kasi sa batang katabi ang batang bersyon ni Jaimee, ang anak nya. Noon ay napakalapit ng loob nito sa kanya, lagi silang mag kasama kahit saan sila pumunta. Ang paborito pa nga nilang laruin kasama ang isa't isa ay ang basketball. Naglaho lang lahat ng iyon ng maging abala sya sa kanilang kumpanya, dahil duon ay hindi na sila gaanong lumalabas na mag kasama kaya bahagyang lumayo ang loob sa kanya ni Jaimee. Dahil din dun ay nakaramdam sya ng pagkalungkot sa kanyang sarili. Ngunit hindi alam ng kanyang anak na sa kabila ng kanyang mga ginagawa ay gusto lamang nito na mapabuti ang kanyang buhay kapag ito ay lumaki.

Mas lumala pa ang kanilang sitwasyon ng mawala ang kanyang asawa. Nag simula itong manirahan sa condo ng mag isa habang mag isa naman syang namamalagi sa kanilang tahanan. Buti na nga lang at medyo kinakausap na sya nito ngayon.

"What's your name?" tanong nito habang pinupunasan ng tissue ang mukha ng bata.

"My name is Ronnie" mabilis na sagot nito sa matanda.

"Will you really help Ronnie to find Mommy's Mimi?" tanong nito na ikinatango naman ni Mr. Dastin sa kanya. Kaya napangiti naman sa kanya ang bata.

"Here, you can eat this first while we are waiting for your Mommy's Mimi." abot ni Mr. Dastin ng isang sandwich na hiningi nya kanina sa flight attendant. Kinuha naman ito kaagad ng bata. Tinulungan nya itong alisin ang wrapper ng makitang hindi ito marunong magtanggal nito.

"How old are you little boy?" tanong ulit nito. Mukha pa kasi itong bata sa kanyang paningin, dahil siguro sa maliit pa lang ito kung titignan. Pero nagtataka lamang sya kung bakit napaka fluent nito sa salitang ingles siguro ay may lahi ito. Hindi kasi makikita sa mukha ng bata ang pagiging Amerikano nito. Siguro hindi gaano kalakas ang nakuha nyang dugo sa kanyang ama kaya hindi ito naging kamukha nya sa isip isip ni Mr. Dastin,

"Mommy told me I'm 2 years old but my birthday is on the 22nd of this month and Ronnie is already 3 years old that day!" tuwang tuwa na sagot ng bata sa kanya. Kaya hindi na rin mapigilan pa ng matanda na mapangiti at ginulo ang buhok nito.

"Since you are helping Ronnie to find Mommy's Mimi I will invite you in my Birthday, you can come in my Lolo's house. It's very big and we can play there all day!" dugtong nito sa sinasabi, napahalakhak na lamang ang matanda sa kanya. Hindi nya akalain na hindi ito natatakot na makipag usap sa mas nakakatanda sa kanya. Kadalasan kasi ng mga nakakasalamuha nyang mga bata ay tahimik lamang at laging nakakapit sa kanilang mga Ina at laging nagtatago. Ibang iba ang pakiramdam nya sa bata na kaharap ngayon. Siya ay nasisiyahan dito.

"Sure, where's your Lolo's House located?" tanong nya dito. Napakamot ito ng kanyang ulo tsaka tinignan ang matanda ng seryoso.

"Actually, Ronnie only know the color of the house and the color of the gate. Also Ronnie knows that there's a swimming pool in Lolo's house and Lolo have 3 dogs tied in the back of the house." seryoso nitong sabi habang nag iisip ng malalim. Napapailing na lamang si Mr. Dastin sa kanya. At di makapaniwala sa kanyang mga naririnig. Maya maya din ay dumating na ang kanyang assistant na may kasamang matanda na babae.

Hindi sya nag kakamali, mukhang pamilyar ito sa kanya. Sya ang katiwa-tiwalang katulong ng kaibigan nyang si Daniel. Sya si Ai Ai. Binati sya nito ng makita sya, kaya naman ay tumayo si Mr. Dastin at binati ito pabalik.

"Mommy's Mimi! I'm so sorry po" bati ni Ronnie ng makita ang kanyang kasama. Bigla na lamang kasi ito tumakbo papalapit dito at saka yumakap sa binti ng Manang.

"Naku bata ka talaga! Pasensya na po sa abala Mr. Dastin at maraming salamat po sa pag aalaga kay Ronnie." sabi naman ni Manang Ai Ai. Umiling iling si Mr. Dastin sa kanya tsaka nag wika.

"Walang ano man iyon, masayang kasama ang batang ito. Napaka bibo at napaka talino rin" pag pupuri nya sa bata. Maya maya rin ay nag paalam na sa kanya ang Manang. Isang kaway at yakap naman ang sinukli ni Ronnie tsaka nag pasalamat dito.

Umupo sa kanyang upuan si Mr. Dastin ng may ngiti sa kanyang labi. Hindi nya inaasahan na mawawala ang kanyang pagod dahil sa bata na iyon. Siguro dadalasan nya na ang pagdalaw sa bahay ng kaibigan upang tanggalin ang kanyang stress. Kung mabibiyayaan lang sana sya kaagad ng apo ni Jaimee ay meron na sana syang pagkakaabalahan sa panahon na hindi nya na inaasikaso pa ang kumpanya.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon