Chapter 7

160 3 1
                                    

    I can't believe this! How can they do this to me? I follow all they want since  I'm still a kid and even until now. Then they want me to do this for them? So unfair!
   
    Rinig na rinig ko na rin ang bulong bulungan ng mga dumalo. Ang iba ay naririnig ko pang pumapalakpak. Nang makita ang pangalan ko at nung lalaki sa monitor ay halos magtago na ako. Buti na lang at walang picture. Pero pwede pa rin silang magkamali malay natin si Daniela pala ang dapat na nandirito sa pwesto ko ngayon.
   
    “Congratulation Mr. Dan, I'm happy na matutuloy ang plinano nyong engagement, sa wakas at natuloy din hahaha” bati ni Mr. Lim kay Daddy habang napapatawa. Sinuklian lang ito ni Dad ng isang ngiti. Nanginginig na talaga ako sa kinatatayuan ko ngayon.
   
    “And also to my bud! Dast congratulation Man. I'm so happy na pumayag kayo na ipagsabay ang engagement ng anak nyo sa birthday ko” at nag Man hug silang dalawa ni Mr. Dastin. This is not a good idea. Totally a mess. Binigay ni Mr. Lim ang mic kay Mr. Dastin para makapag salita ito.
   
    “In front of you all, I'm excitedly announce that Ms. Xabrina Faye Mordaleto will soon to be part of our Family. And she will be getting married to my one and only son. Jaimee Austin Hilton.” sabi ni Mr. Dastin na ikinatigil ng mundo ko bigla. Napatayo ang lahat at saka pumalakpak
   
    I'm getting married to a man that I don't even know? And the worst thing is that I don't even love?
   
    “Dad what's this?” halos maiyak kong tanong kay Daddy pabulong lang yun kaya hindi nakakaagaw pansin.
   
    “this is for your own sake Xabrina Anak” Sabi pa nito sa akin bago ako dinala ng tuluyan sa harap.
   

    I hate you Dad...

   
    “It will be blissful if my son is here. But sadly hindi na naman sya sumipot” rinig kong daing ni Mr. Dastin. Hindi naman nakatapat ang mic sa bibig nito kaya hindi sya narinig ng lahat. Tinapik lang sya sa balikat ni Dad at naki sabay na rin sila sa pagpalakpak. It seems like the son is also against with this marriage.
   
    Why all of this happenings na I don't even want to happen ay mas lalong pinagsisiksikan ang mga sarili nila sa akin?

Can I just live peacefully? Just mind your own business problems and live me alone! Argh!
   
    Habang inis na inis naman ako ay nahagip ko ang kinaroroonan ng Plastic kong kapatid. Buhay pa pala ang isang ito?. Habang tumitingin ito sa akin ay kitang kita naman ng dalawang mata ko ang ngisi ni Daniela.

Nakayakap sya ngayon kay Rei. This bitch! I know na sya ang may pakana ng lahat ng ito. Hindi naman agad na mapapayag si Dad na makipag arrange marriage ang anak nya kung hindi dahil sa bruhang yan!
   
    Nang mahalatang nakatingin ako sa kanila ay isinandal niya ang kanyang ulo sa braso nito na naging dahilan kung bakit mas lalo akong nagalit sa kanya.
   
    I can see in Rei's eyes na gulat na gulat din ito sa narinig kanina. Sino ba naman ang hindi diba? Also Seeing him with Daniela makes me realize na I'm still the loser sa aming tatlo. Na kahit anong gawin ko ako pa rin talaga ang talo.
   
    Kinuha ko ang mic tsaka nag salita. Pilit na inaagaw sa akin ni Dad yung mic pero sorry sya mabilis atang humablot ang anak nya. I need to say this to lessen the pain that I'm feeling right now. I don't want to cry in front of this people especially in front of Daniela and Rei but deep inside, my heart already shattered into pieces. I know it will takes another time to build it again like before. But duh! Nakasalalay ata ang ego ko dito kaya kailangan kong maging matapang kahit ngayon lang. Kahit alam kong dadagdag lang ito sa problema ko.
   
    “Good evening ladies and gentlemen. I'm happy and thankful to Mr. Dastin for wanting me to be part of his family and also to Mr. Lim who are celebrating his birthday today and for allowing us to announce our marriage in his birthday party. Thank you so much Mr. Lim. I'm Xabrina Faye Mordaleto will soon to be married to Jaimee Austin, (A/N: Jey-mi Aw-stin ang basa jan oke? Hindi Hay-mee Os-tin) Hilton” sabi ko, bago bumaba ng stage. Sinalubong pa ako ng mga nag co-congratulate sa akin. Pero Nginitian ko lang ang mga ito at tumakbo papalabas at sumakay sa taxi na pinara ko.
   
    Bago ako makasakay narinig ko muli ang boses nya. Parang kahapon lang halos ma-adik ako sa boses na yan. Pero ngayon, mukhang kamumuhian ko na ata.
   
    “Xab...” banggit ni Rei sa pangalan ko. Hinarap ko ito tsaka ngumiti ng peke. Nasa likod nito si Daniela na nakasukbit pa rin ang braso kay Rei.
   
    “Long time no see Rei. I'm happy to see both of you being together tonight. I'm so sorry to cut this but I badly need to go. It's nice seeing you again” buong tapang na sabi ko tsaka sumakay sa taxi na kanina pa nag aabang na sakyan ko.
   
    Tinakasan ko na naman sila. Hanggang kaylan kaya ako tatakbo? O must I say na kaylan ba ako mapapagod?
   

    —————————————————————
 

 
    Jaimee Austin POV
   
    “Hey dude where are you right now?” tanong sa akin ni Z (A/N: Zey po ang bigkas nyan). Tinawagan kasi ako nito.
   
    “In my Condo, why?” balik na tanong ko rito. Alam nya naman siguro na nasa condo ako bat nag tatanong pa ang kumag na 'to?
   
    “Bakit di ka sumipot sa engagement mo?” tanong nito sa akin. Speaking of that engagement f†ck! Kaya nga ako nandito sa condo kasi ayoko sa de p†ngal na engagement na yan.
   
    “Subukan mo mag pakita sa akin gunggong ka at makakatikim ka talaga sa akin” pagbabanta ko dito tsaka bumalik sa pag kakahiga. Istorbo sa tulog ko eh.
   
    “easy man, easy. Di ka ba curious kung sino o ano itsura ng mapapangasawa mo?” Nangaasar na tanong ulit nito.
   
    “Kung gusto ko malaman kung sino man yun edi sana pumunta ako jan at hindi nag tatago rito sa condo ko diba?.” naasar na sagot ko dito. Bakit ba kasi na imbento yang arrange marriage na yan edi sana malaya akong nakikipag party ngayon at hindi nag pa-party na mag isa.
   
    “Grabe ka talaga dude, ikaw bahala. Pero alam mo bang ang ganda nya at sexy witwiw! Sige na nga matulog ka na ulit hahaha good night dude, I Love You” mapangasar nitong sabi.

Mukhang napilitan pang magpaalam ah. Ang lakas pang sumipol kakaimbyerna talaga ng gungong na 'to.
   
    “Kadiri ka Gag*!” sigaw ko rito sabay baba ng tawag. Napasabunot na lang ako ng buhok ko tsaka tinitigan ang kisame.
   
    Sino naman kaya yung malas na babaeng mapapangasawa ko? Huh! Good luck na lang sa kanya.


A/N: Hi-Ho! Semestral break na namin !!! Wala lang share ko lang hahaha so ayun, enjoy and thank you for reading!

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon