Biruin mo nga naman, nagising na lang ako na nasa bahay na pala kami. Paano ba naman alas dose ako natulog tapos gigising ng alas kwatro ng madaling araw? Sino hindi aantukin sa lagay na yun?
Actually hindi ko rin alam kung paano nya nalaman kung saan ako nakatira O di kaya habang natutulog ako ay baka tinawagan nya sila Petra at itinanong dito kung saan ang bahay namin.
Actually may kabaitan din palang tinataglay itong si Asungot. Akalain mo ba namang hinayaan lang akong matulog ng halos limang oras? At ang mas malala habang nakaupo?
Hindi na rin nakakapagtataka kung halos putulin ko na likod ko dahil sa pagmamanhid nito kaninang paggising ko.
Well, hindi rin naman ako masamang tao para hindi sya alukin pumasok sa loob ng bahay. Nakakahiya naman diba? Ako na rin naman ang nakisuyo na ihatid ako sa bahay ei tapos hindi ko pa aalukin na kumain man lang bilang kapalit?.
"Mommy!" salubong sa akin ni Ronnie ng makapasok kami sa loob ng bahay habang lumalambitin sa binti ko. Naku, namiss ko ang bulilit na ito.
Hinalikan ko sya sa noo at umupo kapantay nya.
"How's my baby hmm? Nagpasaway ka ba kila Mimi at Lolo?" tanong ko dito pero hindi ako nito kinikibo dahil nakatingin sya sa likod ko which is sa Asungot. Inisnob ang beauty ko ha.
"Mommy is that Uncle?" tanong nito sa akin ng pabulong, ay pasaway na bata ah. Isnobin ba naman tanong ko?
"Ah yes, he's Kuya J. friend ni Mommy remember him?. " sagot ko dito. Tumingin naman ako sa Asungot na nakakunot lang ang noo na nakatingin kay Ronnie. Hanggang ngayon pala hindi nya pa rin alam kung sino ba talaga si Ronnie sa buhay ko.
"Hi Uncle, my name is Ronnie po pala! Do you remember me?." tumango naman ang Asungot at ngumiti dito "Would you play with Ronnie?" pagyaya nito dito matapos na bumitiw sa pagkakahawak ko at patakbong pumunta sa kanya habang dala dala ang spiderman nitong laruan.
"Sure Ronnie" hindi kagaya ng kanina ay ngiting ngiti na ito ngayon. Iginaya sya ng bata papuntang sofa at nag umpisang makipaglaro duon.
Dumiretso akong kusina upang utusan ang mga katulong na ipaghain kami ng makakain. Mabuti na lang at si Mimi Ai Ai ang nadatnan ko at hindi kung sino man.
"Oh iha? Napaaga ata ang uwi mo?" tanong nito sa akin.
"Ah opo Mimi, may emergency lang kanina kaya napaaga. Oo nga po pala Mimi, pwede po bang hainan nyo ng pagkain sa lamesa? May bisita po kasi ako na kasama. Magbibihis lang po ako saglit sa taas." pag hihingi ng pabor ko rito.
"O sige iha, buti na lang at nakapagluto na kami." wika nito bago naging abala sa pagsasalin ng pagkain sa lalagyan.
Dumiretso naman ako sa kwarto at dali daling nag bihis ng pang bahay.
Pagkababa ko ay sumalubong naman si Daddy sa akin. Mukhang kakagaling lang nito sa garden.
"Hello Daddy" bati ko, sabay halik sa pisnge.
"How's it?" tanong nito sa akin. Habang nag lalakad kami papuntang sala. He is talking about the wedding.
"It's fine naman Dad, medyo nag ka-emergency lang kaya napaaga ang uwi." sagot ko. Na dahilan kung bakit tumango tango ito sa akin.
"I see" ayoko na munang banggitin sa kanya ang tungkol sa pagkikita namin ni Mr. Dastin sa wedding ni Hani.
Pagkarating namin sa sala ay tila biglang nagulat ito dahil sa bisita na si Asungot, na ngayon ay nakikipaglaro kay Ronnie. Handang handa na sana akong magpaliwanag ng bigla itong napangiti at lumapit dito. Mukhang napansin na rin ng Asungot ang pagdating namin kaya tumayo ito at ngumiti sa gawi ni Daddy.
Do they know each other?
"Oh hijo, I'm so happy to see you here. Mabuti naman at napabisita ka?" tanong ni Daddy habang kinakamayan nya ang Asungot. I think they really know each other.
"It's good to see you din po Tito, Inihatid ko lang po si Xabrina dito sa inyo." sagot nito sa kalmadong boses. Wow ha? Ang bait bait naman pala, bakit kapag ako kaharap nito eh halos buhusan na ako ng malamig na tubig dahil sa pangungulit nito sa akin?
"Mabuti naman. Dahil sa nandito ka na rin ay samahan mo na kaming mananghalian." pagyaya ni Daddy at iginaya na nga nito ito sa hapag habang nakabuntot naman sa kanila si Ronnie na tumitingala sa dalawang nag uusap.
Habang ako? Heto naiwan mag isa habang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Do I miss something here?
Dali-dali na akong sumunod sa kanila at bubuhatin ko na sana para makaupo sa upuan si Ronnie ng naunahan agad ako ng Asungot at pagkatapos ay umupo sa katabi rin nito.
Seeing my Daddy's smile? It gives me shiver all over my deadly body. Ngayon ko lang kasi ito nakitang nakangiti ng sobrang laki. And ang mas malala ay sa Asungot pa!.
Panay ang kwetuhan ng mga ito tungkol sa mga buhay buhay nila. And I can't even understand what they are talking about. Wala rin naman ako pakealam eh.
Naputol lang ang pinaguusapan nila ng biglang dumating ang bruhildang si Daniela na awrang awra kasi may pagsuot pa ito ng sunglasses kahit na wala namang araw sa labas. Makulimlim kaya huh!
Ano pa ba ang dapat i-expect sa mga kagaya nya? Edi wala!
"Oh my! Is that really you J?" gulat na gulat na tanong nito sa Asungot na kasalukuyang nakangiti rin sa kanya. Yes, obvious naman na magkakilala sila diba? Ako lang talaga dito ang walang kaalam alam sa nangyayari sa paligid ko. Pati nga ata si Mimi ay kilala siguro sya. Sino ba talaga ang artista sa aming dalawa? Ako ba o Sya?
"It's good to see you too Dani" sagot naman ng Asungot dahilan kung bakit napairap ako ng wala sa oras. Dani my face! And there's nothing good in seeing her here! Tumayo ito sa kanyang upuan ng lumapit ang bruha kong kapatid upang halikan ito sa pisnge. Wow lang ha! Hindi ako aware na close pala talaga silang lahat?. At himala rin at hindi ako nito pinagiinitan ng ulo ngayon, mukhang hindi nga rin ata ako nito napansin.
This Asungot is kinda something! Who is he ba talaga?
"common Daniela join us here." pagyaya ni Daddy, tinanggal nito ang sunglasses nya at umupo sa katabing upuan ng Asungot. Well if I know, the snake is starting to make it's move now to catch the prey.
"I can't believe you were here, it's been a while." simula nito habang pilit na iniipit ang boses. Dahil sa nakakainis ito ay binilisan ko na ang pagkain at itinutok ang buong atensyon sa pagpapakain sa Baby ko.
Natapos ang kwentuhan nila na wala man lang akong naintindihan kahit isa man lang. Syempre buong oras na yun ay tahimik lang ako. Bukod kasi sa pagod ako ay marami na akong pinoproblema pa kaya ayoko na rin na dagdagan nila.
Nanatili pa ng ilang oras ang Asungot sa bahay, buong akala ko nga ay uuwi na ito. Akala ko lang pala yun, dahil napasarap ata ang kwentuhan ng mga ito.
Nagpaalam ako sa kanila dahil kailangan kong palitan ng damit si Ronnie dahil bigla nitong natapon sa damit nya ang kinakain.
Pilit sanang nag v-volunteer si Mimi na sya na lang daw ang magpapalit ng damit kay Ronnie dahil kailangan samahan ko raw dapat ang BISITA KO sa sala. Buti na lang at sumuko na ito sa pagpupumilit kaya ako pa rin ang mag papalit dito. Pabor naman kasi ito sa akin lalo na at ayoko rin naman kaharapan si Daniela sa sala. Kung makatitig sa Asungot akala mo walang jowa ei.
Grrr! Nakakainis sila!
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Fiksi RemajaCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...