Chapter 36

103 0 0
                                    

    "Xabrina hija tapos na ba kayo mag impake?" tanong sa akin ni Mimi na nasa labas ng pintuan ng kwarto. Huhuhu buong akala ko ay nakalimutan na nila Dad ang tungkol sa kasalan na magaganap. At akala ko rin ay nag bibiro lamang yung poncio pilatong Jaimee na yun sa pagtira namin sa iisang bubong ngayong week. Pero my Ghadd! Akala ko lang pala lahat ng yun! Kasi naman e no pinaimpake na agad agad ako ni Dad ngayon. As in ngayon na raw kasi kami lilipat ni Ronnie sa bago naming titirahan. Ayaw na ba sa amin ni Dad? At talagang pinagtatabuyan nya na kami?

    "Tapos na po Mimi" mahinang sabi ko tsaka sya pinagbuksan ng pintuan. Nakita ko itong may kasamang tatlong lalaki na sa pagkakaalala ko ay mga tagapag bantay dito sa bahay.

    Pinapasok sila ni Mimi sa kwarto ko upang bitbitin pababa ang mga maleta namin ni Ronnie. Tatlong malalaki ang sa akin, samantalang isang maleta lang ang kay Ronnie. Kulang pa nga yung tatlong maleta na yun e kasi napakarami ko pang mga damit na maiiwan. At dahil hindi ko naman masyadong kinakareer ang paglilipat namin na ito ni Ronnie ay yun lang ang inimpake ko.

    Like duh, umaasa pa rin ako na magbabago ang desisyon nila na ito. Hanggat hindi pa kami ikinakasal may pag asa pa ako para mapigilan ito. Kagaya ng unang plano hahanap ako ng paraan.

    "Naku hija pakatandaan mo ang lagi kong binibilin sayo. Huwag mo ring kakalimutan na bisitahin paminsan minsan itong si Dantes. Kahit laging sinasabi nyan na hindi ka namimiss ay kabaliktaran naman ang ginagawa ng katawan at inaakto" pag bibigay payo sa akin ni Mimi, natandaan ko tuloy ang pag-hire nito ng tao na magmamanman sa mga ginagawa ko noong nasa America pa ako, aysus! Si Daddy talaga.

    Nauna na bumaba sa akin si Mimi, aasikasuhin nya pa raw kasi ang mga niluluto nya sa kusina. Habang ako naman ay napapatitig na lang sa harap ng salamin. Nakabihis na rin ako, inaantay ko na lang na tawagin ako ni Daddy. Sasabay daw samin si Mr. Dastin na pumunta sa lilipatan namin na bahay. Syempre kagaya nung engagement party ay balita ko hindi rin nito kasama ngayon ang anak. Ito na raw kasi ang nag ma-manage ng Business nila kaya sobrang busy na raw. Wow ha pero balita ko rin na magaling raw yun na businessman. Kwento pa nung mga chismosang katulong dito sa bahay ay 19 years old pa lang daw yun ay nakapagpatayo na raw ito ng sariling negosyo. Ewan ko na lang kung totoo kasi mukhang hindi rin naman kapani-paniwala itong mga chismosang palaka na ito. Baka kung saan saan pa napulot ako pa ang dehado kung sakaling maipagsabi ko.

    Nang tinawag ako ni Daddy ay bumaba na rin ako ng hagdanan. Nadatnan ko si Mr. Dastin na bihis na bihis kagaya ni Daddy. Kasama rin nila ang baby kong si Ronnie na nakakapit na ngayon sa kamay ni Mr. Dastin. Oh em geee! How come?! At mukhang alam na rin ni Mr. Dastin ang tungkol dito ah. Did Dad already told Mistee Dastin about Ronnie's?

    "As expected napakaganda talaga ng anak mo Dan" manghang mangha na tugon ni Mr. Dastin kay Daddy ng makitang nakababa na ako. Ako pa ba? Syempre hindi ata kukupas ang ganda kong ito!

    "Good evening Mister Dastin" nahihiya kong bati, lumapit ito sa akin upang yakapin ako. Kahit papaano ay tinatablan pa rin ako ng kahihiyan kahit nag uumapaw ang confidence ko sa sarili ko.

    By the way, naka gown pala ako ngayon. Aattend daw kami ng Party para sa bagong CEO ng kumpanya nila Mr. Dastin which is ang kanyang anak na mapapangasawa ko. Kaya nga bonggang bongga ang pinasuot sa akin ngayon. Mga nagkikintaban na mga alahas. Sa totoo lang hindi ako ang pumili nitong gown. Kahapon kasi ay pinadala sa akin nung Jaimee ang isang napakaling kahon na laman ito, may maskara pa nga at heels. At ang mga alahas ay nakabukod pa sa isang medyo maliit na kahon. Syempre naman may note itong inilagay. Gamitin ko raw iyon ngayon sa pag attend ko raw ng party nya.

    Nakakapagtaka nga kung paano nya nalaman ang mga sizes ko. Hindi pa naman nya ako personal na nakikita, kaya how come? Ultimong size ng heels? My gash!

    Isa pa, Kahit isa akong sikat na artista sa New York ay hindi ko agad agad na ma-afford ang mga alahas na ito. Biruin mo ba namang binili pa sa Megan Jewelries! Na halos million million ang presyo ng isang maliit na hikaw na bato. What more pa kaya ang binigay nya diba? Ako ang nanghihinayang e! Kaya nga pagkatapos ng pagkatapos nitong party ay agad ko itong isasauli sa ponciong pilato na Jaimee na yun. Baka dahil dito ay kuyugin pa ako ng fans at media. Open pa naman raw ang party na ito sa mga piling reporters. Oh my gahd!  Ini-imagine ko pa lang na nasa newspaper or different articles ako bukas ay hindi ko na agad masikmura, siguro mga isang linggo rin ata ako hindi makakalabas ng bahay ng dahil dito. Kahit siguro anong gawin ko ay madadawit at madadawit pa rin ang pangalan ko sa Jaimee na yun.

    Nang makarating ang bonggang bongga na limousine ni Mister Dastin na kasing haba ata ng isang truck ay sumakay na kami agad. At kung ang panglabas nito ay sobrang nabongghan na ako, what more pa kaya rito sa loob? My gosh! Tuwing may mga bonggang event lang ako nakakasakay sa isang limousine na sya namang pagmamayari ni Philip. Pero kung tutuusin mas bongga itong limo ni Mister Dastin huhuhu akala mo isang Royalties ang nakasakay e. I have this feeling that I'm the Queen

    Sabi sa akin ni Mister Dastin, Diretso na raw kami sa pa-party ng bagong CEO. Mamaya na lang raw namin puntahan ang magiging bahay namin at baka raw malate kami pa-party dahil sa traffic.

    Syempre buong byahe ay tahimik ako. Paminsan minsan ay kinukulit ako ni Ronnie na pati ang laruan nyang si Spiderman ay dala dala nya pa. Tuwang tuwa naman sila Dad na nakikipag kulitan kay Ronnie. Minsan pa nga ay hindi mapigilan ng mga ito na mapatawa ng malakas dahil sa pagiging makulit ni Ronnie na sya namang ikinangiti ko.

    Wala pang twenty minutes ay nakarating na agad kami. Ewan ko nga ba at bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, siguro kinakabahan lang ako lalo na at wala si Philip ngayon. Dahil sa super kinakabahan ako ay pinauna ko na ang mga kasama ko na bumaba. Nakasuot na ang mga ito ng maskara, pati nga ang baby ko ay naka mask na rin. Kaya naman ay ibinaba ko na rin ang sa akin.

    Oh my gahdd heart! Pwede bang hinay hinay naman sa pagkabog at baka atakihin ako ng sobrang nerbyos dito? Huhuhu please naman oh. Makita ko pa lang kung gaano karami ang mga nag f-flash ng camera sa labas ay halos manlamig na ang buong katawan ko. Makakaya ko kaya ito ng mag isa lang? At ang nakakaloka iniwanan ako nila Daddy ng mag isa dito sa loob ng limo. Kasama nila si Ronnie!

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon