Chapter 28

107 2 0
                                    

    "Hey Xabitch bakit nakanguso ka lang jan?" tanong sa akin ni Petra na isinawalang bahala ko lamang. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa buhangin at wala sa sariling tinututok ang marshmallow na nasa barbeque stick sa apoy na nasa harapan ko.
   
    "Hay nako ikaw talaga, oh! ayan na pala sila Hani eh!" rinig kong sabi pa nito bago ako iniwanan. Napahalumbaba na lang ako sa tuhod ko habang walang emosyon na nakatingin sa nag aapoy na panggatong.
   
    Hays, kaylan kaya ako mawawalan ng problema sa buhay? Imbis na magliwaliw ay heto ako at nag iisip ng mga problema ko. Nagiging anxious na naman tuloy ako. Hay! Hindi ba pwedeng isa-isa lang muna? Kung baga kapag o-order ka sa isang fast food chain kailangan naka pila ka ng maayos para hindi maguluhan ang kumukuha ng order.
   
    At sa pag kakataon na maayos ang lahat ay makaksiguro ka na tama ang ibibigay sayo na pagkain. Ang kaso ang nangyari kasi ay may kung sino man ang nag paulan ng pera kaya hayan, nagkandagulo gulo na ang lahat sa pagkuha ng mga ito, lahat ay nawalan na ng kontrol sa sarili. Halos lahat din ay nagtamo ng mga galos sa katawan. Nag agaw-agawan ang lahat hanggang sa pera na mismo ang sumuko at napunit ito.
   
    "Hoy girl kanina ka pa julala jan! Ano ba problema?" tanong sa akin ni Petra. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ito ulit ngayon. Umiling iling ako rito.
   
    "Wala 'to" maikli kong sagot tsaka kinuha ang pizza na inaalok nya at isang buo na inilagay ito sa loob ng bunganga ko.
   
    "Ay grabe nakakahiya naman sa mga fafas natin oh" bulong sa akin ni Petra, kaya napatingin ako sa kanya bago ipinukol sa mga kalalakihan na nakaupo sa harapan namin.
   
    Kahit punong puno pa ng pizza ang bibig ko ay binigyan ko ito ng ngiti bago tinitigan ng masama si Petra na panay kibit balikat lang sa akin.
   
    Kainis naman! Nakakahiya naman ang ginawa ko. Pero Bakit sila nandito? Akala ko ba barkada's night out? Barkada na ba namin sila ngayon kaya nandito ang mga yan?
   
    At ang nakakainis pa ay ang mukha pa talaga ng Asungot ang unang bumugad sa akin. At ang mapangasar nitong ngiti na mas lalong nag painit ng ulo ko. Arrghh! Siguro kung nakatakong pa rin ako ay paniguradong pinukpok ko na ito sa ulo dahil sa sobrang inis.
   
    Huh! Matapos nya akong pakainin kanina ng sangkatutak na pagkain na halos mag paduwal sa akin at ang hindi nya kaagad na pagsabi sa akin na malapit lang pala ang Island sa Chicken Restaurant na yun ay sa tingin nya sino sya para ngiti-ngitian nya ako ng ganyan ngayon? Huh!
   
    Pero hayaan na nga! Kailangan kong mag liwaliw at huwag isipin ang mga pinoproblema ko ngayon. Dapat alisin ko ang lahat ng problema ko sa isipan ko at i-enjoy ang barkada night out namin kahit may mga trespass.
   
    "Hayan! Whooo!" sigaw naman ng lahat ng dumating ang isang bucket ng beer na dala dala ng isang waiter na sa pagkakaalam ko ay nag ta-trabaho dito sa Island. Sinalinan naman ni Patricia ang mga baso at iniabot ito sa amin isa-isa.
   
    "Cheers for the newly wed!" sabay sabay naming sabi. Bago marinig ang kalansingan ng mga baso.
   
    Pagkatapos nun ay agad agad ko naman itong linagok, kagaya ko ay ganun din ang ginawa ng lahat. Parang isang kidlat ang gumuhit sa lalamunan ko dahilan kung bakit napapikit ako ng mata. Argghh! Di ko akalain na super tapang nitong beer.
   
    Habang busying busy ang lahat sa pag uusap ay naisipan naman nitong katabi kong si Gem na mag laro ng spin of the bottle. Kahit medyo gasgas na ang laro na ito ay sobrang dami pa rin ang napapaamin at napaglalaruan nito. At syempre isa na ako dun.
   
    Ewan ko nga ba at lagi ako puntirya ng mga bote. Lagi na lang kasi ako ang na ha-hot seat. Kagaya na lang ngayon pangatlo ko na ata ito.
   
    "Truth or Dare?" tanong sa akin ni Z na kanina ay na hot seat ng mga ito.
   
    "Truth" walang emosyon kong sagot sabay salpak ng pizza sa bunganga. Naubos na kasi yung marshmallow eh kaya wala na akong choice kung hindi puntiryahin ang pizza.
   
    Ayokong mag lasing ngayon kasi kawawa naman ang mga ito kung walang mag hahatid. Kahit papaano ay may awa pa ako sa mga kaibigan ko na ito ngayon. At isa pa mas gusto kong kumain ngayon kesa lunurin ang sarili sa alak. Bukod sa walang magandang naidudulot ito sa akin ay iniiwasan ko din na may masabing hindi maganda lalo na't hindi lang ang mga besties ko ang nandirito. Pati ata ang mga kaibigan ni Fourth. Baka pagtripan kami ng mga ito mahirap na, mas maganda nang sigurado. Pero sa itsura ngayon ng mga kaibigan ko mukhang sa mga kaibigan pa ni Fourth ako maawa. Kakaiba pa naman ang mga yan malasing, hindi ka nyan titigilan na kulitin hanggang sa kusa na bumagsak ang mga yan ng tuluyan.
   
    "Hmm? Ano kaya pwede. Aha!" sabi nito na tila may naisip nang itatanong sa akin.
   
    "Ano ang pagkakakilala mo kay J?" tanong nito sa akin habang sini-siko ang katabi nya. Nasilayan ko pa ito na ngumisi sa katabi kaya napairap na lang ako sa sarili.
   
    "Gusto mo talagang malaman?" tanong ko. Nakita ko naman na umiiling iling si Hani at Gem sa kanya. They really know me talaga.
   
    Kunot noong tumango naman sa akin si Z.
   
    "Shortcut ba o full details?" tanong ko ulit. Siniko ni J si Z na patigilin ako pero nag matigas ito at sinabi ang shortcut.
   
    "Isa syang malaking Asungot" simple kong sagot dito, na dahilan kung bakit napatawa naman ito ng malakas. Hindi na rin napigilan pa ng lahat na tumawa dahil sa sinabi ko.
   
    "Ohhh! Asungot ka pala Dude eh hahaha!" sabat naman ng isa nilang kaibigan na si Lio.
   
    "Akala ko pa naman good impression na. Sa gwapo kong 'to? Asungot lang ang masasabi mo?" naiinis nitong sabi sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay.
   
    "Teka ano sabi mo? Gwapo? Saan bang banda sa mukha mo ang sinasabi mong gwapo? At isa pa totoo naman na Asungot ka ah. Medyo maganda pa nga sa tenga yun kesa sa mukhang paa. Pumili ka na lang kung ano ang gusto mo sa dalawa " pag mamatigas ko habang nakahalukipkip ang mga braso ko sa dibdib at nanatiling nakataas ang kanan kong kilay sa kanya.
   
    "Tss. Kahit tawagin mo man akong Asungot, sa mata ng lahat para akong anghel na bumaba sa langit. Kesa naman sayo na kulang na lang pigaan ng kalamansi yang ugali mo nang sa ganun maging maayos naman yang timpla ng pagiging mataray, mo." tugon nito. Aba! Ang kapal naman pala ng balat nito eh. Anghel? Mga bulag siguro mga yun kaya napagkakamalan itong anghel. Atsaka normal na sa akin magsungit at magtaray sa mga taong alam kong walang maidudulot ng maganda sa akin. Pero grrrr! Super nakakainis na talaga ang lalaki na ito
   
    "Hinulog mula sa langit pwede pa, hindi ka raw kasi nababagay duon eh" sagot ko ulit.
   
    "So kanino ako nababagay? Sayo?" bwelta nito na syang ikinapula ng mukha ko. Hindi dahil sa kilig kundi sa inis.
   
    Akmang sasagot na sana ako ng pigilan ako ni Petra sa pag sasalita.
   
    "Hep! Hep! Alam nyo para kayong toyo at suka. Bagay na bagay sa isa't isa!" nag titili nitong sabi na sya namang sinangayunan ng lahat. Hustisya naman oh? Kaibigan ko ba talaga kayo?
   
    "Xabitch, ano nga tawag mo kay J?" tanong nito sa akin matapos ng pangangatyaw ng lahat sa amin. Napakunot naman ang kilay ko tsaka sinabi ang  Mr. Asungot syempre diniin ko talaga ang Asungot para di nila makalimutan. Tumango tango ito sa akin, at this time kay Asungot naman sya tumingin.
   
    "At ikaw Fafa J, ano ang tawag mo kay Xabitch?" ngumiti ito sa kanya habang sinusulyapan ako ng nakakaloko. Grrr!
   
    "Ms. Sungit" simple nitong sagot na syang ikinatango ulit ng bakla.
   
    "Alright guys! Let's cheer for the Asungit couple!" sigaw ni Petra na dahilan kung bakit napatulala ako sa gulat.
   
    "Asungit hahaha" tawa nilang lahat habang paulit ulut na binabanggit ang Asungit. Grr!
   
    Arrghhhh! Petra! Makikita mo ang hinahanap mo
   
    "Cheerrrs tayo jan guys! Asungit couple for the win!"

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon