Chapter 12

149 2 1
                                    

    "Oh my gosh! Who's son is this?" bungad sa akin ni Petra ng makita nya si Ronnie. Pumunta kasi kami sa bahay nya ngayon at isinama ko si Ronnie. Since ayokong may makaalam pa tungkol kay Ronnie ay sa condo na lang ni Petra kami dumiretso. Ayoko naman na sa bahay tumambay at papuntahin si Petra dun lalo na at baka awayin lang ni Daniela ang baby ko at magkaroon pa ng digmaan.
   
    Buti na lang nga at wala sya kanina nung nag breakfast kami. Sabi ni Daddy ay nakila Rei daw natulog. Iba rin talaga kamandag ng malanding yun. Dapat sila ang mag pakasal! Nang sa ganun ay ma-delayed ng isang taon ang kasal ko sa taong di ko naman kilala at mahal. Baka kapag nangyari yun ay mag bago isip ni Daddy at ni Mr. Dastin.
   
    "Mahabang kwento Pet, hindi mo ba kami papatuluyin sa lungga mo muna?" pag tataray kong tanong dito. Paano ba naman nasa harapan pa din kami ng pinto ng condo nya at hindi pa nakakapasok sa loob ay inulanan na nya agad ako ng tanong.
   
    "Ay Oo nga pala pero grabe ka ha lungga talaga?, well Welcome to my Home!" masayang sabi nito tsaka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok naman kami sa Condo nya.
   
    "Wow, hindi naman siguro halatang baklita ka ano?" komento ko ng makita ko ng kabuuan ang condo nya. The room was filled of color pink! Ultimong lamesa, throw pillow, at sofa ay kulay pink. Buti na lang hindi hello kitty kasi sasapukin ko talaga 'tong bakla.
   
    "Dah, it's too beautiful kaya. And for me, this room is the perfect place to relax!" Sagot nito at umupo sa sofa tsaka sumandal dito. Umupo naman din kami ni Ronnie sa kabilang sofa na katabi lang ng kanya.
   
    "Mommy why all the stuff inside of this Room is pink?. One of my friend told me that the color of pink is for girls only And blue for boys. He is a boy right? The room should be blue like mine" inosenteng tanong sa akin ni Ronnie. Tumingala pa ito sa akin para makita nya ako. Napakagat labi naman ako tsaka tumingin kay Petra ng may nanlilisik na mga mata. Tila natauhan naman din sya tsaka nag salita.
   
    "Hay naku baby boy, pink is not only for girls. Pink can also be loved by boys like me. And also Blue is not only for Boys it can also for Girls. All the colors is for everyone. You should know that." kalmadong saad ni Petra kay Ronnie. Mukhang namangha naman sa sinabi nya ang bata kaya tumigil na ito sa pag tatanong.
   
    "He's smart Xabitch, akalain mo ba namang i-hot seat ako? " biglang sabi ni Petra habang tinitignan naming dalawa si Ronnie na abalang abala sa pag hahalungkat ng shelf ni Petra.
   
    "Yeah, Mana sya sa Mommy nya sa pagiging matalino. Ewan ko na lang sa pang h-hot seat." malungkot na saad ko ng maalala ko na naman ang nangyari.
   
    "Makes some kwento naman oh. Nang sa ganun ay madamayan kita sa pag da-drama jan." natatawang sabi ni Petra sa akin. Yun naman talaga ang ipinunta ko dito eh. Ang i-kwento ang tungkol kay Ronnie.
   
    "Actually, Ronnie is my bff's son Beatrice, na nakilala ko in America na isang pinay din. She was smart and beautiful kaya nakapag asawa ng Amerikano. Naisipan na nila na mag pakasal 3 years ago kasi buntis na si Beatrice. After nyang mailabas sa sinapupunan si Ronnie ay naging maayos naman ang lahat. Lumipas ang pitong buwan ay pumutok ang balita na may nag crashed na Airplane papuntang Hongkong. Na kung saan lulan-lulan ang mag asawa na sina Beatrice.
   
    Bago kasi sila umalis at mangyari ang trahedya na iyon ay ibinilin nila sa akin si Ronnie. They told me na they will go to hongkong to celebrate their wedding anniversary. Pumayag naman ako na mag baby sit for three days. Pero after ng ilang hours ay may tumawag naman sa akin na staff ng Airlines at binabalita ang nangyari sa bff ko. That time ayokong maniwala. Knowing na may anak pa silang naiwan. But suddenly when I saw their names personally mas lalo akong nanghina.
   
    Noong panahon na iyon ay di ko talaga matanggap na wala na silang dalawa pero wala na rin akong magagawa pa. Isa pa it's too hard for the child to live alone and to grow without the guide of the parents. Kaya naman ilang buwan din ang ginugol ko para hanapin ang mga magulang ng mag asawa. Kaso halos madismaya naman ako dahil sa mga sinabi nila sa akin.
   
    They refuse. Ayaw nilang alagaan at palakihin si Ronnie." kwento ko rito.
   
    "Both of the family ba ayaw?" tanong ni Petra sa akin. Kaya tumango ako rito.
   
    "Yung parents kasi ng napangasawa ni Beatrice ay patay na. They don't have any close relatives na pwedeng maging guardian ng bata. While the family of Beatrice, they refused hindi na raw nila kayang suportahan at sustentuhan ang pag papalaki rito lalo na at matatanda na ang mga ito. Isa pa solong anak lang si Beatrice at mailap ang pamilya nila sa iba pa nilang kapamilya. " sagot ko naman dito.
   
    "Poor little boy but now, you are the Guardian of Ronnie. He will not feel alone anymore" masayang saad sa akin ni Petra.
   
    "Yeah, I adopted him. Idinaan namin ito sa korte with the parents of Beatrice para wala na maging conflict once I started to take care of him officialy." matigas kong sabi. Niyakap naman ako ni Petra. Kaya niyakap ko rin ito pabalik.
   
    "Oh, Xabitch! That was so heart warming! Alam na ba ni Tito ang tungkol dito?" tanong nya sa akin. Si Daddy ang tinutukoy nya.
   
    "Yeah, he knows it from the start." daing ko ng maalala ang mga pag babantay sa akin ni Daddy noong nasa America pa lang ako.
   
    "Well, Tito is so protective lang sa inyo. Alam mo napapaisip lang ako kung ano magiging reaksyon ng tatay ng fiancé mo kapag nalaman nya ang tungkol kay Ronnie." sabi ni Petra habang may mapangloko na ngiti sa mga labi. I forgot about that!
   
    Oo nga noh? Ano kaya magiging reaksyon nila? Dalawa lang ang posibleng mangyari. It's either babawiin na nila ang engagement or ito ang magiging way para ituloy ang kasal namin. Isa lang sa dalawa na yan ang posibleng mangayari. Kaya right now, I'm hoping na yung number one ang mangyari and not the other one.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon