Chapter 46

84 2 0
                                    

    He hugged me in my back and I don't know what to feel and what to say. Kasi parang natameme ako dahil sa ginawa nya. His breath, I can feel his warm breath sa batok ko. Kinikilabutan ako! This is the first time na may someone na not that close to me na yumakap sa akin. Ahhhh! Parang bigla akong nakuryente the moment our body touched each other
   
    "Ito naman si Miss Sungit, nag j-joke lang naman ako kanina. Ang seryoso mo talaga lagi, Akin na nga yan. Matulog ka na" sabi nya bago ako binitawan at kinuha ang hawak hawak ko. Pinagmasdan ko ang likod nyang papaalis sa harap ko. Habang Naiwan naman akong nakatulala. What is that for?. Napahawak na lang ako sa dibdib ko, napapadalas ata 'to ah.  Teka nga! Ang bigat bigat talaga sa pakiramdam. Parang may gustong kumawala na ewan. Arrrrghhh!  Heart please be strong! Sana mali lang ang kutob ko na ito.
   
    Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin, kung magsisigaw ba ako at away awayin sya sa baba ay nag desisyon akong magtalukbong na lang ng kumot dito at magpanggap na tulog, syempre nakaharap ako sa kanan na hindi nya makikita kapag pumasok sya. Nakaharap ako sa bintana while the other side ay nakaharap naman sa pintuan.
   
    Hanggang sa maramdaman ko na nga ito na pumasok sa loob. Ewan ko ba parang kinikiliti ako ng katahimikan. Buong akala ko ay guguluhin ako nito pero hindi, dahil tahimik lang itong pumasok ng kwarto at nahiga sa tabi ko. After ng mga fifteen minutes ay narinig ko na lang ito na humihilik kaya napalingon ako dito. Tulog na nga, huhuhu buti pa sya!
   
    Kasi hindi ako makatulog! For sure kakaway ang mga eyebags ko nito bukas!
   
    Iniisip ko lang, Kahit sabihin na natin na inaasar asar ako ni Asungot like what Pet did to me ay parang iba ang dating sa akin. There is something na I can't actually explain and understand. Kasi Ibang iba ang kabog ng dibdib ko kaysa noong panahong obsessed na obssesed ako kay Rei. Noon kahit ang lapit lapit namin sa isa't isa ay hindi naman ganun kalala ang epekto. Well sometimes napapangiti ako at kinikilig pero hindi umaabot sa point na namumula ang pisnge ko.
   
    When he hold me or even hug me hindi naman ako natatameme sa harapan nya at kadalasan pa nga ako ang bumabanat dito at aasarin ko ito ng todo hanggang sa sya ang mamula dahil sa kilig. Also,  There is no awkward moment ng inamin nya sa akin na he love me back. When I realized naman that I love him, duon ako naging showy. I expressed my love to him.
   
    I hope this is just nothing, since we both don't want to continue this marriage. Isa pa, Rei is back again in my heart. Ayokong maging kumplikado ang lahat dahil dito sa kakaibang nararamdaman ng puso ko. I need to stick in my main plan. I will talk to Rei first, tommorrow.
   
    "Where is your Uncle Ronnie?" tanong ko, kakababa ko lang kasi mula sa kwarto at nadatnan ko itong mag isa at busying busy sa kakanuod ng cartoons sa tv. Spongebob ang pinapanood kaya ganyan yan. Hawak hawak nito ang remote habang hindi naman mapakali sa pagkakahiga. May juice din na nakapatong sa lamesa at may isang sandwich na hula ko ay gawa ni Manang Mina.
   
    "He left the house at seven o clock Mommy" sabi nito na syang ikinahinga ko ng maluwag. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sya pakikisamahan after ng ginawa nya sa akin. Nakakailang kaya! Halos hindi pa nga mag sink in sa akin lahat ng mga ginawa nya e. Tapos makikita ko syang umaaktong walang nangyari. Nakakainis kaya yun?! Kapag sa kanya hindi big deal pero sa akin super super?!
   
    Tumango ako dito bilang sagot tsaka dumiretso ng dinning at dahil dun ay nagulat ako sa daming naka hain na breakfast.
   
    Ginawa ito lahat ni Manang Mina? Ang dami naman  yata?, teka asan ba si Manang? Hindi ko kayang ubusin itong lahat ng isang upuan lang. Kailangan kumain din sya.
   
    "Manang Mina?" tawag ko sa kusina, pero walang sumagot sa akin. Pumunta naman ako ng likod-bahay pero wala rin sya dun. Maski sa may banyo dito sa baba ay di ko rin sya nakita. Sunod ay pumunta akong sala at tinanong si Ronnie. Baka alam nya diba? O di kaya namalengke si Manang kaya di mahagilap dito sa loob ng bahay.
   
    Actually kasi tuwing umaga lang nandito si Manang kasi may inaalagaan sya na Apo. Kaya hanggang 12 p.m lang ang duty nya. Pero syempre tumutulong rin kami ni Ronnie noh! Medyo matanda na rin si Manang kaya ayaw na rin namin na pahirapan pa ito, lalo na at pagkarating nya sa kanilang bahay ay mag aalaga pa sya ng apo. Sometimes pa day-offin ko naman si Manang in exchange of her sipag!
   
    "Hmm Manang Mina?" tanong nito pabalik tsaka sya nag isip ng malalim. Tinatanong ko kasi kay Ronnie kung nakita nya ba si Manang Mina.
   
    "Ronnie did not see Manang Mina today." sagot nito. So sino ang nagluto ng sang katutak na breakfast? Omg
   
    "Who prepare the breakfast in the table for today?" tanong ko dito na syang ikinatango tango nya.
   
    "Uncle and Me did that!. Uncle told me that Manang Mina will be not around today that is why he prepare the breakfast. Ronnie is waiting at you kanina pa. But Mommy wake up so late that is why Ronnie just watch the tv!" masaya na kwento sa akin. Umayos na ito sa pagkakahiga, nag k-kwento ito habang may pag kumpas pa ng kamay nya.
   
    "Ah, my baby is so sweet talaga" ang tanging nasabi ko tsaka lumapit sa kanya atbniyakap sya ng super mahigpit. Kiniliti ko pa nga ito para maglabing. Dahil dito ay napuno ang bahay ng hagikhik ni Ronnie. I miss this kulitan with my Baby. When we still at America we always play tuwing wala akong trabaho.
   
    Niyaya ko muna ito na sabayan ako kaso sabi nya tapos na raw syang kumain at manonuod pa raw sya ng 'Is-pan-ji bab'. Tawang tawa naman akong naglakad papunta ulit sa dining tsaka tinitigan ang mga nakahain sa lamesa. Paano ko naman uubusin ang lahat ng ito?
   
    Pero grabe, di ko akalain na marunong pala syang magluto. Hindi lang lima ang nandito kundi maraming putahe! Gustong gusto ata ako nun tumaba e. Paano ba naman naalala ko nung kumain kami sa isang chicken restaurant na malapit sa Island ay napakarami nya ring inorder tapos ang mas malala, ako pa ang balak nyang paubusin ng lahat ng yun. Ang ayos ayos talaga nun! Huhuhu nag d-diet nga ako for upcoming photoshoot ko na it-take sa isang beach dito sa Pilipinas e. Kaso wala pa ako natatanggap kung when and where yun gaganapin. Hays, siguro matatagalan pa yun lalo na at breaking news pa rin ako sa iba't ibang mass media.
   
    Yung iba nga ay gumagawa na ng mga kwento-kwento na mag ko-konekta kung paano ba kami nag kakilala ni Asungot and many many more! Halos itapon ko na nga rin ang cellphone ko dahil sa paulit ulit na news e. Hays ano ba itong pinasok mong gulo Xabrina!

A/N: Ingat always guys! :)

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon