Chapter 51

82 0 0
                                    

"Roda! Paano nya nalaman ang bago kong number?" walang tigil kong tanong kay Roda. Kanina pa sila nakarating ni Ronnie at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali matapos ko maka-receive ng call.

"Ma'am Faye kung ako talaga tatanungin nyo, hindi ko rin po alam. Nakakasiguro ho akong wala ni kung sino man ang nakakaalam nyan bukod sa akin, kay Philip kay ... Ser at... Sa mga kaibigan nyo ho" nanlaki naman ang mga mata ko ng maalala ko Si Daddy at sila Pet. Posible kaya na ibinigay nila 'yun sa kanya?

Huhuhu mukhang hindi ata ako makakatulog ngayong gabi kakaisip kung paano nya nalaman ang number ko. Actually, kampante pa rin ako na hindi nya ako mapupuntahan dito sa NYC kaya lang through my number I don't know.

"Ma'am Faye, may tawag kayo galing kay Philip." namumula nitong tugon sa akin habang hawak hawak ang cellphone nya. Alas diyes na rin ng gabi kaya napakunot na lang ang noo ko ng sabihin ni Roda na tumatawag si Philip.

What's wrong with Philip? May phone naman ako bakit si Roda pa ginagambala nya? Hating gabi na ah. Nakuu malalagot talaga 'to sa akin.

Matapos maibigay sa akin ni Roda ay lumabas na ito ng kwarto ko. Tawagin ko na lang daw sya kapag tapos na ang paguusap namin ni Philip.

"Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit kailangan gambalain pa si Roda ng ganitong oras? My gahd Philip, did you forget na rin ba na I have phone too?" sermon ko dito at kinaway kaway sa kanya ang phone kong hawak hawak, nakita ko naman itong tumatawa sa kabilang linya dahilan kung bakit napa-irap na lang ako.

"Easy Xabrina Faye hindi pa naman natutulog si Roda kaya sigurado akong hindi ko sya nagagambala. I know you have phone, but I hate calling you starting right now." natatawa pa rin nitong sabi sa akin.

"Mabuti naman kung ganun, makakatulog ako ng maayos at matiwasay" pangaasar ko habang dinidiin ang salitang maayos at matiwasay sa kanya. Eh pano kahit hindi naman importante ay tumatawag ito. Kaya nga nung umuwi ako ng Pilipinas nagpalit ako ng number at hindi 'yun pinaalam sa kanya.

"Nah ah, sa lagay mo ngayon? I guess its a no. Nabanggit na rin sa akin ni Roda na tumawag sya sayo kanina?" napatango tango ako sa kanya nang maalala ko na naman kung sino ang tumawag.

"So ano na gagawin mo ngayon?" tanong ulit nito. Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi nya.

"Akala ko you will help me kaya kinakausap mo ako ngayon" sabi ko at tumawa ito. Napapailing ito dahil sa sinabi ko. Huhuhu

"Of course no! Sinisigurado ko lang na buhay ka pa" this time halakhak na. Nakakabwiset! Kung hindi lang sana ito cellphone ni Roda, panigurado itinapon ko na ito ngayon sa pader dahil sa inis.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon