"Who told you na umagree ako na makipag date sayo?" lakas loob kong sabi. Sa wakas ay nagawa ko r,in. Inabot pa ako ng syam syam bago makasingit sa sobrang daldal ng waitress na kitang kita na bet na bet ang Asungot na ito. Kulang na lang ay mag tukaan silang dalawa sa harap ko, walang preno r,in ang ang bunganga ng waitress, Napatigil lang ito ng tinawag sya ng Manager nila ata iyon.
"Nag s-selos ka?" nakangising tanong nito. Anong connect? Super layo naman ng tanong ko sa sinagot nya ah. Tsaka ako? Mag se-selos? At mas malala sa isang waitress pa? Huh! Nahihibang na ba sya?
"Baka gusto mo matadyakan kita ngayon nang sa ganun ay bumalik yang katinuan mo?" pagbabanta ko akmang tatayo na sana ako upang tadyakan sya ay pinigilan na agad ako nito.
"Hey hey easy lang Miss Sungit, kalma lang muna sa pagtataray nag j-joke lang ako. Nag papasama lang naman ako sayo ngayon na kumain. Baka naman kasi nakakalimutan mong hindi pa ako kumakain mag simula ng matapos ang wedding ceremony." pagsusuko nito sa akin tsaka malawak na ngumiti sa akin. Sinamaan ko na lang ito ng tingin na syang ikinatawa nya.
"So kasalanan ko pa ngayon? Sino ba kasi ang nagpumilit na ihatid kami? Ako ba? Tsaka pakialam ko kung gutom ka?" sunod sunod kong sabi na naging dahilan kung bakit humaba ang bibig nito. Nang akmang sasagot na ito ay biglang dumating ang inorder nya. Syempre ang Waitress na nag ngangalang Hina ang nag hatid.
"Miss pwede paki bilisan lang? Nag mamadali kasi kami. Atsaka ganyan ba kayo mag serve sa customer nyo kailangan pa mag pa cute? Hindi ka naman siguro nag tatrabo para lumandi diba? At saka pakitiggnan naman ang ginagawa mo baka lang naman kasi matapon sa akin itong mainit na sabaw. Kung pwede lang din pakibilisan at baka tuluyan na akong mairita dyan sa pag mumukha mo" singit ko na naging dahilan kung bakit napataas ang kilay nito sa akin. Paano ba naman eh muntikan na ako matabunan ng inilalapag nyang pagkain sa lamesa at ng sabaw, nakatingin kasi sa Asungot kaya hindi nya nakikita ang ginagawa nya.
Samantala, Kitang kita ko naman ang biglaang pagbago ng ekspresyon ng Asungot. Ngising ngisi ito na parang aso na nakatingin sa akin. Grrrr!! Bagay na bagay talaga silang dalawa sa isa't isa.
Akmang sasagot na sana sa akin ang Waitress ng bigla itong mapatigil. Siguro naalala nya na customer pa rin ako. Customer is always right. And kapag nakipag sagutan sya sa akin ay siguradong tanggal sya sa trabaho nyang ito. Dahil sa inis ay padabog itong umalis sa harap namin. And this time sa ngising ngisi na asungot ko naman ipinukol ang matatalim kong mga tingin.
"At ikaw, mukhang gustong gusto mo naman ang ginagawa ng babaeng yun. Pwede mo naman akong ihatid muna sa Island at balikan sya rito." suggestion ko sa kanya. Nag umpisa na itong kumain. Gahd! Nahihibang na nga talaga siguro ang lalaking ito. Halos mapuno na ang lamesa dahil sa sobrang dami ng mga inorder nya. Ganyan ba talaga sya kagutom?
"At isa pa kung wala kang balak na umuwi ng maaga ay huwag mo akong idamay. Ang ayoko sa lahat ay ang lumabas pa ng ganitong oras. Tsaka Alam mo naman siguro na hinihintay ako ng mga kaibigan ko at- anue bwa!" bulyaw ko matapos nya akong salpakan ng ulam sa bibig. Paano na lang kung mabilaukan ako ng wala sa oras sa ginawa nya? Gahd!
"Alam mo Miss Sungit hindi ka lang pala mataray, madaldal ka rin. Oh heto tubig inumin mo. Gusto ko bago tayo umalis ay ubusin mo ang lahat ng ito." turo nya sa mga inorder nya na tantsa ko pwede na pang dalawang araw sa sobrang dami.
"Ano sa tingin mo sa akin baboy? At sino ba nag sabi sayo na orderin mo lahat ng yan? Nag sayang ka lang ng pera eh." sermon ko rito. Gusto nya talaga siguro akong ma empacho sa sobrang dami ng pinapakain nya sa akin.
"Akala ko ba gusto mo na bumalik ng Island? Kung mag dadaldal ka lang jan ay baka abutin pa tayo dito ng bukas. Ikaw din." ngising ngisi nitong sabi sa akin sabay abot ng kutsara at tinidor. Grrrr! Nakakainis! Blina-black mail nya ba ako ngayon? Gahd!
"Ayan ganyan nga" ngiting ngiti na sabi nya sa sakin ng simulan ko nang lantakan ang mga inorder nya. Hindi pa ito nakuntento sa pagtingin nito sa akin ng nakakaloko. Dinagdagan nya pa ang nasa plato ko ng iba't ibang ulam. Makakabawi rin ako sa kalokohan mo na itong Asungot ka! Kung meron lang sana na mag hahatid sa akin pabalik ay siguradong ikaw ang pauubusin ko ng mga ito.
Nang halos mangalahati na ako sa kinakain ko ay nag simula ulit akong mag reklamo rito.
"Pwede bang bumalik na tayo? Hindi ko na kayang kumain pa." pag mamakaawa ko dito. Syempre umaarte lang ako na parang nag papaawa para makabalik na kami. At mukhang effective naman since tumayo na ito at kinuha ang suit nya na naka sampay sa katabi nyang upuan kanina.
"Mas madami pa ang kinain mo sa ine-expect ko. Pero ayos na din pala yun." sabi pa nito tsaka nauna nang lumabas. Aba! Iwanan ba naman ako?
Matapos nya akong pakainin ng sobrang dami ay iiwanan nya ako rito? Sa sobrang busog ko ay hindi ako makagalaw ng maayos. At feeling ko anytime masusuka na ako.
Pagkalabas ko ng Restaurant ay nakita ko itong nag aabang sa may pintuan. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa pader. Ano akala nito nasa photoshoot sya? Onti na lang talaga mapagkakamalan ko na itong gangster kung hindi lang sya naka suot ng mamahaling suit.
Pero teka nga lang asan na yun?
" Asaan yung kotse mo? Di ba dito mo yun pinark? Bakit wala na?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Nanatili itong kalmado na parang okay lang sa kanya na wala ang kotse nya.
"Wag mo sabihing mag lalakad tayo pabalik?" tanong ko, lumapit ito sa akin tsaka ako hinila.
"Parang ganun na nga. Masarap naman mag lakad lakad ngayon lalo na't maganda ang view dito tuwing gabi." mahinahon nyang sabi tsaka binitawan ang pagkakahawak nya at inilagay ito sa kanyang bulsa.
"Lalakarin natin pabalik? Ako ba pinagloloko mo? Matapos mo akong pakainin ng sangkatutak na pagkain ngayon, gusto mo naman akong paglakarin ng pagkahaba-haba habang naka high heels?" naiinis kong sambit dito. Pero nag patuloy lang ito sa paglalakad at umaktong na parang walang narinig. Kakainis talaga ang lalaki na ito! Gahd!.
Kahit isa man lang na sasakyan na dumaan ay wala akong nakikita. Buti na lang talaga at medyo maliwanag ang daan kaya medyo hindi nakakatakot. Nasa likod lang nya ako, syempre ayoko naman na maiwanan lalo na at wala naman akong kaalam alam sa lugar na ito. Pero nakakainis pa rin sya.
Kapag kumalam ang tyan ko at nanakit ang paa ko hindi ko talaga sya sasantuhin.
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...