Chapter 16

135 3 0
                                    

    Nakarating kami sa pag darausan ng Bridal Shower ni Hani. At as usual ang mga baklita ay nag sisimula na maging aligaga. Umupo kami sa medyo tagong part. Ayos na rin ito at least hindi kami nagiging agaw atensyon sa lahat. Panay reklamo pa nga sa akin ang dalawang bakla. Kesyo daw bakit sa pinakatagong part kami umupo at bakit daw hindi sa malapit sa spotlight. Ang tanging sagot ko lang sa kanila ay,
   
    "Kasi dito ko gusto umupo" Ang balak ko lang talaga kasi ngayon ay panuorin silang lahat at kapag natapos na ang party o di kaya kapag feeling ko ay hindi ko na trip ang atmosphere sa loob ay lalabas na lang ako. Hani already know na hindi ako sumasali o pumupunta sa mga ganitong event, kaya siguro ayos lang naman sa kanya kung dito lang ako uupo.
   
    "At ano na ang silbi sa pag papaganda namin sa iyo kung hindi naman pala mapapakinabangan?" dismayadong tugon ni Petra sa akin. Kumuha ito ng apat na maiinom. Syempre knowing na for adults ang party kaya asahan mo na puro alcoholic beverages ang mga inumin dito.
   
    "Tumpak ka jan bakla!" sangayon ni Patricia tsaka nilagok ang laman ng baso nya. Napailing iling naman kaming tatlo dahil sa inakto ng baklita. Mukhang may mabigat na pinagdadaanan na naman ang isang ito.
   
    "Huy Mumsh, dahan dahan lang muna. Hindi pa nag sisimula ang party oh." pag pipigil ni Gem sa kanya.
   
    "I'm fine Mumshi light lang naman yun." pag didipensa nito. Buti na lang at hindi na sya umulit ulit kasi kung hindi ay makakatikim ito sa akin ng high kick. Ako na naman kasi ang mag bubuhat sa mga yan kapag na lasing. Sabihin na natin na sexy ako pero hindi ko naman kaya buhatin ang tatlong ito kapag nalasing. At ang mas malala dalawa pa ang lalaki kaya paniguradong mabigat ang mga yan. Pumunta ang dalawang bakla sa harap at kinuha ang Mic. Kaya kaming dalawa na lang ni Gem ang natira sa lamesa. MC kasi silang dalawa. Ewan ko nga kung bakit panay reklamo pa mga yan kanina eh. Hindi naman sila uupo ng matagal dito.
   
    "Good evening ladies!" bati ni Patricia sa lahat. Dahil dun ay nakuha nila ang atensyon ng mga tao at tumigil ang mga ito sa pagk-kwentuhan.
   
    "Welcome to the Bridal Shower of our beloved wife-to-be Hani Perez! Let's welcome her with an around of applause!" pagkatapos yun sabihin ni Petra ay pumasok sa entrance si Hani. Naka white gown ito at may head dress na parang maliit na belo  sa kanyang ulo. Palakpakan naman ang lahat ng mga taong nandirito.
   
    Nag simulang mag salita si Hani. Panay pasalamat ito sa mga pumunta. At hindi rin maiwasan na maiyak ito dahil hindi pa rin daw sya makapaniwala na ikakasal na sya kay Fourth. Syempre dahil MC ang dalawang baklita ay hindi rin namin maiwasan na tumawa sa mga jokes nito. Pagkatapos ng pagsasalita ni Hani ay inumpisahan na nitong buksan ang mga regalo. Nakakatuwa kasi nakikita mong nag kakasiyahan ang lahat kahit medyo nahahaluan na ng kalokohan.
   
    Sa gitna ng pag bubukas ng regalo ni Hani ay biglang nag v-vibrate ang phone ko. Pagkatingin ko sa cellphone ko ay tumatawag si Daddy. Minsan lang ito tumawag sa akin, it means importante ang sasabihin nya. Kaya naman ay nag paalam muna ako sandali kay Gem at itinuro ko ang cellphone ko. Nung nakita nya na si Daddy ang tumatawag ay dali dali ako nitong pinalabas. Maingay kasi dito sa loob at paniguradong hindi kami mag kakarinigan nito.
   
    "Hello Daddy?" bati ko ng pagkasagot ko sa tawag nya. Pumunta ako sa isang bench dito sa entrance. Nasa ilalim ito ng puno ng mangga at katabi ng pangatlong street light magsimula sa entrance ng event.
   
    "Xabrina Anak, kamusta naman ang Bridal Shower ni Hani?" tanong nito sa akin. Napangiti naman ako tsaka sya sinagot.
   
    "Okay lang naman Daddy nag kakatuwaan po ang lahat. Bakit nga po pala kayo napatawag?" diretsang tanong ko dito.
   
    "Gusto ko lang sana sabihin sayo na nanjaan si Dastin at ang fiancé mo. Aattend din sila ng kasal ni Hani." dire-diretsong tugon ni Daddy. Tila parang binuhusan naman ang katawan ko ng malamig na tubig ng marinig ang sinabi ni Daddy sa akin ngayon ngayon lang.
   
    "P-po? Andito sila?" kinakabahan kong tanong. Sana naman mali ang narinig ko.
   
    "Oo Anak nabanggit kasi sa akin kahapon ni Dastin na kakilala nya pala itong si Hani kaya aattend sila ng kasal nito. Hindi ko naman akalain na ang Hani na kaibigan mo pala ang tinutukoy nito." natatawang sabi ni Daddy sa kabilang linya. Oh no, katapusan ko na.
   
    Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa mga naririnig ko kay Daddy. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Isa pa nandito si Ronnie hindi pwedeng makita ni Mr. Dastin si Ronnie. Iniisip ko pa lang ang magiging resulta kapag nakilala ni Mr. Dastin si Ronnie ay halos di na mag kamayaw ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Huhuhu ano na ang gagawin ko?
   
    "Pero nabanggit din sa akin ni Dastin na babalik lang din daw sya kaagad at hindi mag tatagal jan. Kaya siguradong hindi mo din sya makakausap" dismayadong sabi nito na naging dahilan kung bakit biglang nabuhay ang katawang lupa ko.
   
    "Talaga Daddy?" di makapaniwalang tanong ko dito. Hindi ko na nga mapigilan na hindi mapangiti dahil dun. Hindi lang ngiti kung hindi magdiwang sa tuwa.
   
    "Yes Xabrina Anak. Well yun lang naman ang sasabihin ko sayo. Pakisabi na lang sa kaibigan mo na congratulation. Yung gift nya ay on the way na, nakalimutan ko kasing ipadala sa inyo kanina nawala na sa isip ko." tawang tawa na sabi ni Daddy sa kabilang linya.
   
    "How's the little boy? Is he with you right now?" tanong nito sa akin. Mukhang natutuwa na si Daddy kay Ronnie ah. Hindi na rin nakakapagtaka kung isang araw pilitin kami nitong magka-anak na.
   
    "No Dad, I left him to Mimi Ai Ai " sabi ko at Nag paalam na rin ako sa kanya kasi kailangan ko nang bumalik sa loob at baka hinahanap na rin ako. Habang nag lalakad pabalik ay hindi ko maiwasan na mapangiti.
   
    Parang kanina problemado ako kay Mr. Dastin, pero ngayon para na akong sinapian sa pagkakangiti ng wagas. Buti naman at umayon na ang lahat.
   
    Pagkabukas ko ng pintuan ay halos lahat ng guest ay nakatingin sa akin. As in lahat!
   
    Anong nagawa ko?
   
    At bakit may apat na lalaki na tanging boxer lang ang suot sa taas ng stage? Wag mo sabihing...
   
    Ngiting ngiti na lumapit sa akin si Petra at Patricia. Kaya ang spotlight ay naka tutok na sa akin ngayon. Wait lang ano nangyayari? Hinila ako nung dalawang baklita papunta sa harap. Pero bago muna yun ay bumulong muna si Patricia sa akin.
   
    "Bitch this is your night. It's pay back time!" ngising ngisi na bulong ni Patricia sa akin. Halos kilabutan naman ako dahil sa sinabi nya. The way ng pag kakangiti ng dalawang baklita ay alam mo nang may binabalak sa akin ng masama. Napalunok na lang ako habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nila sa magkabilang braso ko. Kahit anong pagpupumiglas ata ang gawin ko ay hindi nila bibitawan ang pagkakahawak nila sa akin.
   
    Tinignan ko naman si Hani, nag babakasakali na tutulungan nya ako. Pero ang loka ngumiti lang din sa akin ng nakakaloko. Pati rin si Gem na kasalukuyang nasa likod ng bride umaalay. Arghhhh!
   
    I hate you bitches! Pagbabayaran nyo ang gagawin nyo sa akin ngayon!

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon