Chapter 4

182 4 2
                                    

    It's already 2 o' clock in the afternoon. Kakatapos lang namin na kumain ng lunch here sa Mall. I'm with Petra, umalis na kasi yung tatlo kasi maaga daw kasi yung mga lakad nila kaya itong baklita na lang ang naiwan. Mga 3 o' clock pa daw sya gogora kaya sinamahan nya muna ako sa pag s-shopping ng isusuot kong damit later.
   
    “Pet! What do you think with this dress?” tanong ko kay Petra habang ipinapakita ang sinukat kong Dress. It's just a simple pink dress.
   
    “nah ah I don't like that dress sissy” pailing iling na sagot nito sa akin. What's wrong with this dress? It's simple kaya but super elegant. Nakakailang ulit na akong palit at ni-isa sa mga napili at nasukat ko kanina ay wala itong nagustuhan. I swear I'm soon to collapse here. Napaparolyo na lang ang mata ko sa kanya na ikinatawa nya lang. Alam nya kasi na naiinis na ako. Pumunta ito sa kumpol-kumpol na mga damit at masusing namili.
   
    “how about this one Xabitch? You know naman na you need to break the leg of that party!” sabi nya habang ipinapakita sa akin ang isang black cocktail dress.
   
    “Seriously Petra? It's too daring kaya” sabi ko, baka palabasin ako ng party sa lagay na yan. Backless kasi yung dress. I mean hindi naman talaga sya totally na backless kasi may parang lace sa likod nito. Para syang adjustment. Tapos spaghetti pa sya kaya sure akong kita ang cleavage ko nito. Hindi naman club pupuntahan ko ei.
   
    “tumpak! You should wear this one. I know na maraming Fafas ang dadagsa nyan mamaya. Kaya you need to wear that.” napapailing na lang din ako sa sinasabi nito habang tinuturo ang cocktail dress na hawak hawak ko na ngayon.
   
    “bakit kasi hindi ka na lang sumama sa akin? ” pag tatanong ko habang napipilitan na kunin ang dress na sinasabi nya
   
    Wala na akong nagawa pa kundi kunin ang cocktail dress na yun kasama yung pink dress na sinukat ko. Baka dada lang ang maabot ng beauty ko sa baklitang ito kapag hindi ko kinuha, mahirap na.
   
    Bakit ko nga ba kinuha yung pink dress? You know baka hindi ko kayanin sa kalagitnaan ng pagiisip ko na suotin pa rin ang cocktail dress na yun. For emergency lang yun para may pwede akong ipamalit.
   
    Pagkatapos namin mag shopping ay nag paalam na sa akin si Petra. May lakad din daw sya tonight. Sus if I know mag c-clubbing lang ito.
   
    “Hey Xabitch don't ever failed not to wear that dress. My eyes are watching you carefully” pagbabanta pa nito kaya tinawanan ko na lang ito tsaka pinagtabuyan papalayo ang mukha nya. Binelatan muna ako nito bago tumalikod at lumayas sa harap ko.
   
    Gahd I'm alone na naman ngayon. Dahil nakaramdam ako ng gutom ay Pumasok muna ako ng Jollibee at nag order ng makakain. Buti na lang at may nakita agad akong upuan na good for two kaya dali dali akong dumiretso duon. Punuan kasi ngayon kaya napakaraming tao pero dahil I'm so blessed ay may naupuan pa ako.
   
    Habang abalang abala ako sa pagsubo ng fries ay may kung sino man ang umupo sa harap ko. Abay bastos ah! Kita naman na may nakaupo na eh.
   
    “Do I know you Mister?" mataray kong tanong dito. Pero parang walang narinig ang mokong at nag simula na kumain ng inorder nyang chicken joy.
   
    “bingi ka ba o hindi ka lang makaintindi?” tanong ko ritmto habang may naiinis na boses. Syempre hininaan ko lang ang boses ko, ayoko naman atang mag iskandalo lalo na kapag mag isa lang ako.
   
    “Alam mo Miss Beautiful na mataray, nakikiupo lang ako. Wala na kasing available na seats dito bukod sa inuupuan ko ngayon at isa pa Miss gutom na gutom na ako. Kaya kung pwede lang sana ay hayaan mo na lang akong makakain at kanina pa nag a-alburoto dahil sa gutom ang tyan ko.” sabi nito habang punong puno ang kanyang bibig ng kanin. How disgusting this man is! Gulat na gulat ko syang tinitigan at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Dahil I don't like to seat with strangers ay tumayo na ako at iniwan ang kinakain ko. Nawalan ako ng gana bigla. Parang kasalanan ko pang nawalan sya ng mauupuan at gutom sya. Sorry ha! Ako na mag a-adjust
   
    “huy Miss Beautiful bakit mo naman ako iiwanan? Hindi mo pa kaya tapos kinakain mo” sabi nya sabay turo ng large fries na halos kalahati pa lang nababawas at sa sundae ice cream na nangalahati na rin.
   
    “edi ubusin mo” pag tataray ko ulit dito tsaka gumora papaalis ng Jollibee. Kakabadtrip! Nasisira mood ko ng dahil lang sa kanya.
   
    Ako pa talaga ang nag adjust para sa kanya ha, nakakahiya ng sobra di man lang nakonsensya.
   
    Makalipas ng ilang minuto ay narinig kong tinatawag ulit ako nito. What?! Sinusundan nya ba ako?
   
    “Uy Miss Taray wait lang” paghahabol nito sa akin. Iniinis talaga ako ng isang ito. Galit na galit ko itong liningon at kunot noong tinitigan.
   
    “easy lang, heto naman nakiupo lang ako kanina sorry na. Tsaka Salamat pala sa Fries at sundae mo mas lalo ata ako nabusog” dahil sa sinabi nya halos lumuwa naman ang aking mga mata. Did I hear it correctly?
   
    “You eat my fries and Sundae?” di makapaniwalang tanong ko rito. Kahit naguluhan ata sya sa tanong ko ay tumango ito sa akin.
   
    “bakit kakainin mo pa ba sana yun?” pabalik na tanong nito sa akin. Mas lalong nag init ang mukha ko dahil sa walang kwenta nyang sagot.
   
    “gosh! Get lost in front of me” bulyaw ko rito. Kaya napakamot ito sa kanyang batok.
   
    “Miss Taray Sorry na sabi mo kasi ubusin ko kaya inubos ko kasi sayang naman halos kalahati palang nababawas. Bibilhan na lang kita ng bago-” di ko na pinatapos pa ang sasabihin nya at iniwanan na lang itong nag dada mag isa. Bakit nya sineryoso yun? Gahd puputi ata buhok ko sa kanya ng wala sa oras e.
   
    Siguro pulang pula na mukha ko ngayon. Pinag titinginan na kasi ako ng mga taong nakakasalubong ko. And I don't like the way they stare at me. Gash! Ngayon lang ako nahiya sa tanan ng buhay ko. At dahil yun sa mokong na yun.
   
    “Miss Taray!” rinig na rinig ko pa ang pagsigaw nito para makuha lang ang atensyon ko. Hindi ko na ito liningon pa ulit at kumaripas na palabas ng mall at dumiretso ng parking lot sabay sakay sa kotse.
   
    It's Crazy to think that I do blush because of that freaking stranger. Argghhhh I will never go inside of that Jollibee lalo na kapag punuan. I swear!

A/N: yieeee hehehe! Support ko lang sarili kong kwento. Go go girl! HAHAHA XD

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon