Chapter 31

92 0 0
                                    

    Ayan na nga ang sinasabi ko, huhuhu. Trending na kami sa Twitter! With the hashtag of #XabJohnInPh oh diba alas sais pa lang ng umaga at isang oras pa lang ang nakakalipas ng makarating si Philip dito sa Island ay halos mag fiesta na ang mga fans sa twitter.

    "Oh my gash Mummy! Look! There's someone posted in twitter the exact location of this Island." tili ni Gem, habang lumalapit sa akin. Oh no! What should we do now? Any minute ay pwede kaming kuyugin dito ng media.

    "Call some help to protect Xab" giit naman ni Philip na halatang natataranta na rin.

    Dali dali namang nag dial sa cellphone si Gem habang ang dalawang bakla ay busying busy sa pagmamasid sa labas ng tinutuluyan namin.

    Ako naman ay inililigpit ko na ang mga gamit namin. Sabi kasi sa akin ni Philip, ay kailangan na naming umalis dito sa Island. Habang maaga pa, wala kaming body guard na kasama kaya naman humihingi pa kami ng tulong sa iba.

    Actually, ang dahilan talaga ni Philip kaya sya umuwi sa Pilipinas ay dahil sa gaganaping prescon ng bago naming movie. Nabigla ako syempre, lalo na at wala man lang akong kaalam alam na dito sa Pilipinas pala gaganapin yun. Ang buong akala ko ay sa New York gaganapin pati ang black screening, dahil duon namin iyon shinoot bago ako umuwi dito sa Pilipinas.

    "Oh em gee guys thank God at pinaunlakan nyo ang hiling ko." masayang sambit ni Gem sa mga bagong dating kaya tinignan ko ang mga ito. Kasalukuyan kasi itong nakatingin sa may pintuan kaya naman ay ibinaling ko na rin ang tingin ko duon.

    Z, Lio and The Asungot. Sila ang tinawagan ni Gem. What a great!

    "What's happening? Bakit kailangan nyo ng tulong?" tanong sa amin ni Z ng pagkadating nilang tatlo sa loob. Halos matameme naman kaming tatlo. Hindi siguro nila mamukhaan si Philip noh? O hindi lang talaga nila ito kilala?

    "Eh kasi kailangan na mailuwas agad si Xabitch at si Philip dito sa Island. At hindi namin magagawa iyon dahil wala kaming masasakyan. Pwede bang pasuyo kami? Please guys?" tanong ulit ni Gem sa mga ito. Tahimik lang kaming dalawa ni Philip sa tabi dahil ramdam na ramdam ko na mag dadagsaan ang mga tao ngayon. Kaya kinakabahan na talaga ako ng sobra.

    "Guys! We need to hurry!" sigaw ni Petra sa labas, halos di kami magkandamayaw at isinuot ang kanya kanyang disguise. Ah! Hindi ko lubos na maisip na hanggang dito ba naman sa Pilipinas ay kailangan kong isuot ito.

    "So ano guys? Makakaasa ba kami?" ulit ni Gem sa tanong nya. Tumango naman si Z sa amin kahit medyo naguguluhan.

    "Thank you guys! Later na lang namin i-explain."

    Lahat daw kasi sila ay may kotseng dala. Which is maganda para ma-confuse namin ang mga media kung saan ba talaga ang totoong sinasakyan namin ni Philip.

    Ang balak nila ay ang sasakyan daw ni Lio ang mauunang aarangkada. Lulan nun ay sina Philip, Patricia, at si Petra. Since ang sasakyan nya ay medyo malaki kaya kasya yung tatlo. At saka hindi raw kasi mabilis mahahalata kung ang kasama ni Philip ay marami.

    After daw ng 5 minutes ay susunod na sila Z na kasama si Gem. They will be wearing shades and outfits na sinusuot namin ni Philip. At sa ibang direksyon sila dadaan para mag hinala ang media na kami yun.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon