"Omg Omg I'm super excited na talaga!" rinig kong tili ni Patricia. Ano ang ginagawa ng mga bruhang ito sa room ko?
Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang tatlo na pwerteng pwerte na nakahiga. Si Gem ay inukupa ang isang sofa ang dalawang bakla naman ay nag tabi sa sofa bed habang nakatutok sa tv ang mga mata. May mga chips, at pizza na nakapatong sa lamesa.
Aba! Aba! Ang sasarap naman ata ng mga buhay ng mga ito. Hindi ba nila ako inaalala? Maski pag pasok ko sa Room ay di man lang nila napansin? Naku! Namumuro na talaga ang mga ito sa akin. Nag kakalat pa talaga sila rito at ang mas malala, sa room ko pa! Mga trespasser! Kailangan ko makaisip ng pambawi.
"AAAAAAAAAHHH!!" sigaw ko ng sobrang lakas na sya namang ikinahulog nila sa kanilang mga higaan. Buti nga sa inyo! Hahaha
"Aray ko ha, bat ka ba nag sisigaw jan babae ka?" tanong sa akin ni Petra habang sapo-sapo ang kanyang likod na nag pagulong gulong sa sahig kanina dahil sa pagkagulat.
"Oo nga naman Mummy, balak mo ba kami patayin sa sobrang gulat?" pailing iling naman na segunda ni Gem na sya namang napatayo bigla kanina.
Well, hindi ko sila masisi kasi hindi biro yung pagkakasigaw ko. Sobrang lakas kaya nun, feeling ko nga rinig sa kabilang room eh. Hehehe pasensya na lang sa kanila.
"Ah eh kasi may ipis kanina. Alam nyo naman takot ako dun" mahina kong tugon. Alam nilang takot ako sa ipis kaya for sure na maniniwala ang mga yan hahaha.
Naglakad ako papunta sa isang maliit na sofa at duon umupo. At tinitigan ang mga pagkain na nasa lamesa.
"Hoy bitchies! Akala ko ba nag da-diet kayong tatlo? Ano mga ito ha? At isa pa huwag nyo sabihin na uubusin nyo itong lahat?" tanong ko, sabay turo sa mga chips at pizza. Okay lang sana kung isa o dalawang pack lang eh kaso may anim na malalaking piraso ng iba't ibang brand ng chips tas may apat na box ng peperroni pizza na good for 8.
"Ah-huh! Since nandito ka na ei makakagora na tayo. Magpalit ka na Xabitch, oh!" sabi sa akin ni Petra sabay tapon sa mukha ko ng isang dress. Sa dinamiraming pagtatapunan nya ng damit sa mukha ko pa? Ayos din talaga mga 'to
"Para san naman 'to? Saan ba kayo pupunta gabi na ah." tanong ko ulit habang pinapakita sa kanila ang dress na tinapon sa akin ni Petra. Mga hampaslupa hindi ba sila napagod sa mga nangyari? Kasi ako Oo eh.
"Syempre we will be having a barkada night out right now!" tiling tili na sabi ni Patricia. Most of the time kapag may barkada night out kami hindi naman sila ganun ka-excited. I wonder why super excited sila tonight?
"Ha? As in now na? Eh wala nga si Hani ei, akala ko ba bawal mag barkada night out kapag kulang kahit isa?" ito kasi ang rules sa amin. Everytime na kailangan mag barkada night out ay dapat present ang lahat.
Our Barkada Night out means Walwal time charr! Drinking alcoholic beverages, or pwedeng usap usap lang together! Yap as in kami-kami lang sa isang table without interruption ng cellphones or kung ano pang distraction.
"Syempre sasama sya sa atin Mummy" sagot naman sa akin ni Gem.
"Ano ba naman kayo, start na ngayon ng honeymoon nila we should give them privacy" sermon ko sa mga ito, ewan ko kung bakit naisipan nila mag Barkada night out ngayon ei alam naman nila na kakatapos lang ng kasal nila Hani.
"Alam mo Xabitch 'wag na masyadong matanong okey? Hala mag bihis ka na at ng makagora na tayo ng bonggang bongga." tulak ni Petra sa akin papasok sa banyo ko. Wala na rin ako nagawa pa kundi ang sumunod sa pinapagawa nila. Kung magmamatigas pa kasi ako ay for sure they will not stop sa pangungulit sa akin.
Maganda naman ang binigay nilang dress, not too revealing. Ang kaso, masyadong fitted kaya super bakat ang mala-hour glass kong katawan hohoho.
Pagkatapos kong ilugay ang kaninang nakatirintas na buhok ay dinagdagan ko ang make up ko ng medyo dark na eyeshadow and viola! Ang ganda ganda ko pa rin talaga.
Pagkalabas ko ng kwarto ay parang walang dumaan na bagyo sa room ko.
"Wow! May himala!" sabat ko in sarcastic tone, ni isa kasing kalat ay wala akong nakita. Kakaiba! Ano kaya mga nakain ng mga ito at nagligpit? Usually kasi iniiwan lang nila na binagyo ang buong kwarto ko.
"Nang matuwa tuwa ka naman sa amin, hala sya! Tara na nga mga bitches! We are super late na" maarteng sabi naman ni Pat at nauna na nag lakad papalabas habang bitbit bitbit nito ang isang bag na puro chichirya ang laman. Sa sobrang dami nilang dala na pagkain, wala naman siguro silang balak na matulog dun diba? Subukan lang nila at makakatikim talaga sila sa akin.
Pero teka nga lang, sa pagkakaalam ko eh walang bar sa Island na ito? Saan ba balak pumunta ng mga ito?
"Teka nga lang saan ba talaga tayo pupunta? Hindi ba pwedeng dun na lang sa Room ko? Si Hani lang naman ang kulang ah" basag ko sa katahimikan nila. Kumapit sa braso ko si Gem tsaka ako sinagot nito.
"Malapit na tayo Mummy don't worry, tsaka hayaan mo na lang na tayo ang mag adjust. Alam mo na? Pabigyan natin ang bagong kasal." nginitian ko ito ng pilit at tumango tango. Nga naman, may point sila. I feel like rude naman dahil sa sinabi ko kanina.
Right! I know na why they want to have a barkada night out tonight. To have a quality time with Hani before syang sarilinin ni Fourth. You know, most of married couples na I know ay hindi na masyadong nag sasaya for themselves kasi they live with each other na and they already have plans for their future. For sure na they don't want it to be ruined in just a snap.
At the end ay sinabi naman din nila sa akin kung saan ang napili nilang lugar. Mag b-bonfire daw kami ngayon with matching laklakan hahaha. Well if you guys don't know, shot-shot lang naman po ako. At ang mga kagaya kong shot-shot lang ay hindi na kaya pang makipag sabayan kila Petra, Patrcia at Gem na halos gawin ng tubig ang alak. Kadalasang puntirya ko lang jan ay ang mga pagkain. Pulutan is life.
Since alam ko naman din kung saan nila balak mag bonfire ay nag paalam muna ako sa mga ito. Tumatawag kasi sa akin si Roda. You know kapag si Roda ang tumatawag kailangan kong sagutin yun kaagad. It's just like Roda means urgent for me.
"Hello Ma'am Faye?" rinig ko sa kabilang linya.
"Oh Roda anong problema at napatawag ka ngayon?" tanong ko rito. Ewan ko ba, sa tuwing tumatawag sa akin si Roda ay lagi akong kinakabahan or is just me lang talaga?
"Eh Ma'am Faye kasi nabalitaan ko na papunta na po jan sa Pilipinas si Sir Philip." napakagat naman ako sa ibaba kong labi ng marinig ang pangalan ni Philip.
"Gash, He's out of his mind, Did you stop him going here?" tanong ko sa kanya. No way high way! Hindi pwedeng pumunta dito si Philip lalong lalo na at baka mag secrets revealed na ang beauty ko.
"Opo Ma'am Faye pinigilan ko ho si sir Philip kaso nag matigas po eh. Pasensya na po Ma'am Faye." pag hihingi ng tawad sa akin ni Roda sa kabilang linya.
"That's fine, wala naman na din tayong magagawa pa. Nasaan sya ngayon?" tanong ko ulit.
"He's currently taking the 9 p.m flight with his assistant."
d†mn it! I'm gonna kill you Philip! Grrrrrr! Bakit hindi mo na lang ako hinintay sa new york? Dagdag sakit ka lang sa ulo ko ngayon eh, kahit tawagan man lang ako para makapag ready man lang sa mga dadagsa.
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...