Naalimpungatan ako dahil sa biglang pagtunog ng alarm clock, pero dahil sa antok na antok pa rin ako ay nanatili akong naka pikit. Kahit na hindi naman ganuon ang tunog ng alarm clock ko ay binaliwala ko na lang. Wala naman kasi akong gagawin ngayong araw kaya hindi ko kailangan bumangon ng maaga.
Maya-maya din ay nakaramdam ako na parang gumalaw ang kama, na parang may bumangon sa pagkakahiga rito. Siguro si Ronnie lang yun. Maaga kasi nagigising ang baby ko and as usual humalik ito sa noo ko. At tanging pagsarado na lang ng pinto ang bukod tanging narinig ko pagkatapos.
—————————————————————
Jaimee Austin POV
Maaga akong nagising ngayon. May pasok pa kasi ako sa opisina at may kailangan pa akong tapusin na pinapagawa sa akin nung matanda. Ewan ko ba, makita ko lang sya na payapang natutulog katabi ni Ronnie ay tila buo na ang araw ko. Siguro kung wala lang akong pasok ngayon, pinagtripan ko na ito. Pero dahil sa medyo tinatablan pa ako ng hiya dahil sa mga kinilos ko kagabi kaya wag na lang pala.
Nakakapanginit naman kasi ng dugo yung lokong yun. Rei ata pangalan nun kung hindi ako nag kakamali at sya rin ang gustong gusto ni Dani. Bukod sa niloko nya na nga itong si Miss Sungit balak nya pang saktan si Dani ngayon. Akala mo hindi tunay na lalaki dahil sa ginagawa nya e. Mamangka ba naman sa dalawang ilog?
"Uncle why are you so early?" bungad sa akin ni Ronnie habang kinukusot kusot ang mata. Bagong gising pa lang ito at nakapajama pa rin. Siguro tulog pa rin si Miss Sungit. Hindi nya kasi ito kasamang bumaba.
"I will go to work, you should take care to your Mommy. While I'm not around." sabi ko ng makalapit na ito ng tuluyan sa akin. Nag b-breakfast pa kasi ako.
"Don't worry Ronnie will protect Mommy. Uncle, just don't forget to bring Cookies when you got home. Don't mention to Mommy about this. Promise me!" pangungulit pa nito. Ginulo ko ang buhok nya tsaka napangiti ng bahagya.
"I promise little boy." sabi ko bago ako umalis sa harap nya. Sinundan pa nga ako nito ng tingin hanggang sa makarating ako ng kotse. Nakatayo lamang ito ngayon sa may pintuan habang kumakaway ito sa akin. It's nice that there is someone waving at me before I head off to work.
I remember the last time Mom did this to me before I go to School and Dad into his office. Mom is smiling sweetly, she even cooked breakfast so early that Day and she is excitedly told us about their get together of Tita. The late mother of Xab and Dani. All those things are now a memories. A memories that will never fade in my heart.
After some minutes ay nakarating na rin ako sa Office. Pagkapasok ko ay sinalubong kaagad ako ng mga nakayukong empleyado. Kung hindi ako nag iisang anak nung matanda na yun siguro wala ako ngayon dito. Bukod sa nakakabagot ay kailangan mo laging humarap sa monitor, mga kontrata, at iba pang mga papeles na hindi ko maintindihan. Mabuti na lang at may awa pa sa akin yung matanda dahil may Assistant at Secretary akong nag tuturo sa mga bagay na hindi ko alam. Kahit papaano may natutulong pala -_-
"Sir this is all your schedule for today. Pfft!" sabi ni Lio na Secretary ko. Oo sa dinamiraming iha-hire ang kumag pa yan ang binigay. Nanadya ata yun e, kaasar!
"Mag resign ka na nga" sagot ko habang inagaw sa kanya ang hawak hawak na schedule. Tinignan ko naman ito at mukhang kaonti lang ang trabaho ko ngayon.
"Sus! Alam mo Dude kapag nag resign ako rito, suguradong iiyak ka!" natatawa nitong sabi sa akin. Dahil sa asar ay binato ko ito ng notebook na nakalagay dito sa desk ko.
"Uy ito naman, hindi ba masaya umaga mo?" tanong nito na syang ikanakunot ng kilay ko.
"Bakit naman?" balik kong tanong.
"Eh kasi Dude may kasama kang isang Dyosa na asawa mo sa iisang bahay. Hindi ba nakaka good mood ng umaga?" curious na tanong nito. Normal lang naman sa feeling pero parang wala naman pinagbago.
"Wala" tsaka itinutok ang atensyon sa mga papel dito sa desk.
"Ang boring mo talaga Dude." sabi pa nito tsaka humilata sa sofa. Oo secretary ko yang lokong na yan. Sakit sa ulo.
"Hey Guys Good morning!" bati naman sa amin ni Z na kakarating lang sa opisina. Late na naman ang ASSISTANT ko. Hindi ba dapat sila ang nauunang pumasok? Ang pa-panget talaga ng mga in-appoint ng matanda na yun. Hindi man lang nag effort at naawa sa akin.
Itinaas ko na lamang ang kamay ko habang ganun din ang ginawa ni Lio na ngayon ay may throw pillow na sa mukha. Aba loko 'to ah dito pa balak matulog sa opisina ko.
"May maganda akong balita sa'yo Dude. Sabihin mo lang na curious ka, willing naman akong i-chismis sayo" sabi nito habang may ubod na laki na ngiti.
"G†go kung ayaw mong sabihin umalis ka na lang" bagot kong sabi sa kanya habang nakatuon pa rin sa binabasa ko. Maya-maya din ay may inilapag ito sa desk ko. Isang dyaryo. Nag tataka naman akong tinignan sya.
"Open it Dude" sabi nito. Dahil sa sinabi ay napabangon sa pagkakahiga si Lio at pumunta sa amin para maki usisa.
Kagaya nga ng sabi ni Z ay binuksan ko ito, subukan nya akong pagtripan makakatikim 'to sa akin.
Breaking News
The famous Filipina actress in New York Faye is now engaged! And there is some people who proved that Faye is engaged since last month. [Picture during the birthday party of Mr. Lim]
Faye has been seen together with this mask man during the party of the New CEO of Shizi Co. And the said mask man who escorted Faye is no other than the new CEO Jaimee Austin Hilton who is wearing the same suit that time.
From the report of different media who saw them, Faye is wearing a luxurious jewelries and a fabulous gown designed by the famous designer Stevan! There is a rumored that it was from the CEO. It was worth Millions!
The New CEO and the actress Faye has been seen by some people together in the parking lot and ride the car owned by the CEO.
"A literally breaking news! Dude sikat ka na!" Pangangatyaw sa akin in Lio. Hindi ko alam na isa pala syang sikat na artista, bakit hindi ko alam?. Akala ko ay yung Philip lang yung Artista at hindi sya kasama.
"Kaya pala ang ganda ni Xab kasi Artista sa ibang bansa, napaka swerte mo Dude marami ang nangangarap jan sa pwesto mo ngayon" sabi sa akin ni Z habang tinatapik ang balikat ko. F†ck! I don't know what to react.
Delikado kung lalabas sya ngayon ng bahay. I should text her now and inform her about this news. But then, I remember who bring her in this situation. I need to shut up and instead disregard the news for now. Kailangan ko pa muna mag trabaho.
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...