Chapter 15

136 1 1
                                    

    "Huy lukaret gising gising na" paggigising sa akin ng kung sino mang hampas lupa na yun. Kita naman na natutulog pa yung tao eh. Istorbo.
   
    "Ay bakla, parang wala ata narinig oh." singit naman ng isa. Boses babae sya. Pero hayaan na gusto ko pa talagang matulog. Kaya humarap ako sa kabilang side at sinubukan na matulog. Maya maya rin ay wala na mga maiingay sa paligid. It means na pwedeng pwede na akong bumalik sa pagkakatulog ko. Kaonting kaonti na lang sana ay mararating ko na agad ang dreamland ng biglang...
   
    "Waaah! Umuulan!" bulalas ko ng may maramdaman akong tubig sa mukha ko. Kaya napa dilat ako ng wala sa oras at napabangon sa pagkakahiga. Nasa kama pa naman ako pero bakit parang may nagtapon ng tubig sa mukha ko? Hindi kaya...
   
    "Buti naman at gumising na ang sleeping beauty. Nakakalerky! Mukhang nabawasan pa ata ang ganda ko" bulalas ni Petra sa kanyang sarili. Kasama nya si Gem at Patricia na tuwang tuwa na nakatayo sa kanilang kinatatayuan. May mga hawak itong baso na paniguradong pinaglagyan ng tubig na binuhos nila sa mukha ko kanina. Mga bwiset!
   
    "Oopss bitches mukhang napadami ata ang nabuhos natin" kunyaring gulat na sabi ni Patricia tinitignan pa nito ang hawak hawak nya na walang laman na baso.
   
    "Anong madami? Mukhang kulang pa nga eh." sabat naman ni Gem. Tumango tango ang dalawa sa kanya. Kinuha ni Gem ang pitsel tsaka nya sinalinan ang hawak hawak nilang mga baso. Nang akmang itatapon nila ulit sa mukha ko ang tubig ay sinigawan ko na ang mga ito.
   
    "Mga hampaslupa! Mag silayas kayo sa pamamahay ko!" binato ko sa kanila ang unan na ginamit ko kanina. Tama na yung isang beses nilang pag buhos sa akin ng tubig. Ano akala nila sa akin? Hindi naliligo?
   
    "Hahahaha ayan sakto na pala, na delayed lang siguro yung epekto." tawang tawa na sabi ni Petra habang hawak hawak na ang kanyang tyan sa kakatawa. Sinamaan ko sila ng tingin at ang mga loka mas lalo pang nilakasan ang pag tawa. Makakaganti rin ako sa inyo.
   
    "Bakit ba kayo nandito? Maaga pa oh" tanong ko sa kanila at tinuro ang relo. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa cabinet na pinaglagyanan ni Mimi Ai Ai ng gamit namin ni Ronnie. Speaking of my Baby, asan na kaya yun? Ay Siguro nasa kusina kasama si Mimi.
   
    "Syempre kapag maaga ka mas madami kang maaani" simpleng sagot sa akin ni Patricia habang tiling tili naman sila ng isa pang baklita.
   
    "Hoy hoy! Tigil tigilan nyo na nga yan. At kayo Pat at Gem, tapos na ba yung gagawin nyo para sa susunod na araw?" pagpapatigil ko sa kaharutan nilang dalawa. Dinuro duro ko pa ang mga ito para lang magsitigil sa kakatili.
   
    "Of course Mummy! Kami pa ba? Diba Mamsh?" sabi naman ni Gem at siniko ang baklitang si Patricia.
   
    "Yah yah, Mamshi korek korek! Tinapos namin agad ang mga yun ng sa ganun ay makapag party kami ngayon." maarteng sabi nito tsaka sumayaw sayaw sa harap namin.
   
    "Paalala lang ha bridal shower yun ng bride at hindi ninyo" paninigurado ko sa kanila. Nag taasan naman ang mga kilay ng mga ito.
   
    "Dah we know that bitch. Kaya ikaw mag bihis ka na at nang maayusan ka na namin." pag tutulak sa akin ni Patricia at Petra papunta sa CR ng kwarto.
   
    "Hintayin ka namin sa labas Mummy ha" narinig kong pahabol ni Gem bago ko tuluyan isara ang pintuan ng banyo.
   
    Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako ng isang floral dress na tinernuhan ko nang isang 3 inch sandals. Sabi ng tatlo kasi ay summer ang theme ng bridal shower. Kaya naman ay ganito ang mga outfitan namin.
   
    Actually I don't know kung ano ang ginagawa sa isang bridal shower. Because this is my very first time na umattend sa mga ganito. If I'm not mistaken, it's an all girls night party where the groom is not allowed to enter in the said parameter. Well dipende pa rin iyon. And also I heard na medyo hindi pangkaraniwan ang mga ganitong event.
   
    Sa madaling salita minors are not allowed. Well sa iniisip pa lang nung dalawang baklita ay alam mo nang bawal sa mga bata ang mga ganito. Kaya naman ay iiwanan ko kay Mimi Ai Ai si Ronnie nang sa ganun ay hindi sya makakita ng mga ganun.
   
    "Oh em gee! Pak na pak talaga ang mga beauty natin mga bitches." rinig kong tili ni Patricia sa kabilang pinto ng kwarto. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mga busying busy sa pag aayos na mga loka. Nasulyapan ko naman si Ronnie na nakatingin lang sa mga pinaggagawa nila sa kanilang mga mukha.
   
    Lumapit ako sa kinaroroonan ni Ronnie at ito ay niyakap. Napatingin naman ito sa akin ng nakangiti.
   
    "Good evening Mommy" bati nito sa akin sabay halik sa pisnge. Piningot ko naman ang kanyang maliit na ilong na syang naging dahilan kung bakit napangiwi sya sa sakit.
   
    "Mommy why did you do that?. Poor Ronnie's nose" bulyaw nito sa sarili na syang ikinatawa ko.
   
    "Ang cute cute kasi ng baby ko" nanggigil kong sabi. Yumakap ito sa aking braso habang itinuturo ang ginagawa nila Pat, Pet at Gem.
   
    "Why they are putting lots of crayons in their face Mommy? And look, it looks beautiful. Mommy, Ronnie wants to put crayons in my face too and draw an airplane here" sabi nya sabay turo sa pisnge nya. Halos matawa naman yung tatlo dahil sa narinig.
   
    "It's not a crayon baby. It's called make up. Putting make up in kids face may cause to burn up the skin. So don't you dare put make up in your face okay?" tumango tango naman ito sa akin. Maya maya ay nag paalam ito na kakain lang sya ng koko crunch sa kusina. Andun naman si Mimi Ai Ai kaya hinayaan ko na lang itong magtatakbo papunta duon.
   
    "Mukha bang krayola itong make up?" di makapaniwalang tanong ni Petra sa amin. Natawa naman ako sa itsura nito.
   
    "Tongak bakla ito kasi oh mukhang pang kulay" pakita ni Gem ng mga pencils na nilalagay sa kilay.
   
    "Tumpak! Atsaka buti nga at hindi sinabi ni Baby boy na water color itong eye shadow kasi kung hindi ay naku baka magsasanib pwersa na ang apoy at tubig." natatawang tugon ni Patricia. Mga loka loka talaga mga ito.
   
    Sinimulan na akong lagyan ng light make up ng baklitang si Petra. Ayoko kasi ng masyadong makapal lalo na at gabi naman ngayon useless lang din ang pag lalagay ng super dami na make up. While Patricia is currently fixing my hair. Pinakulot nya ito ng ka-onti para raw bagay sa dress ko.
   
    "Leggo Bitches!!" tiling sigaw nung dalawang baklita ng matapos sila sa pag aayos sa akin.
   
    "Mag iingat kayo" sabi ni Mimi Ai Ai na nasa pintuan kasama si Baby Ronnie. Yumakap ako dito at hinalikan naman ang baby ko sa pisnge.
   
    "Mommy will be right back okay? You should sleep now baby and remember your promise that you would be a good boy kay Mimi" pag papaalala ko sa kanya. Tumango tango ito sa akin tsaka ako niyakap.
   
    Pagkatapos ng pag papaalam ko kila Mimi ay hinila na ako ng tatlo papunta sa pag gaganapan ng bridal shower ni Hani. Panay reklamo na nga ang mga ito kasi raw ang tagal tagal ko. Napapailing na lang ako habang nag lalakad kami papunta dun. Ano naman kaya ang mangyayari ngayon?

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon