Chapter 35

101 0 0
                                    

    It's been two days since natapos ang press con, and I can now say na super successful nito here and internationaly!. Kaya napagdesisyunan namin ni Philip na mag-celebrate, together with our friends. Hindi naman lahat ng friends namin, Only those who are super close friends sa amin, since masyado pa rin kaming mailap sa mga reporters na pakalat kalat. At syempre dapat andun din ang mga taong tumulong para mabuo ang movie namin na iyon.
   
    Dahil duon ay napagdesisyunan namin na sa isang ware house na lang ni Auntie Emilyn, Mommy ni Philip ganapin. Well, it's kind of near naman kaya pumayag na rin ako. Atsaka kaonti lang naman daw ang makakaattend sa mga nakatrabaho namin, ang iba kasi ay bumalik na agad ng New York para sa kanilang new projects.
   
    "Mommy are you sure you would be fine there?" tanong sa akin ni Ronnie na sya namang mangiyak ngiyak dahil gustong sumama sa akin.
   
    "Don't worry baby I would be fine. Magpakabait ka kay Mimi okay? Wag masyadong magpapasaway." sabi ko dito sabay halik sa noo nito.
   
    "Does Uncle coming with you?" Tanong sa akin ni Ronnie.
   
    "Of course baby, your Uncle Philip will come too." sagot ko rito na ikinailing nya na sya namang ikinataka ko.
   
    "No Mommy not Uncle Philip, he is the Uncle who play with Ronnie last last last day!" pagtatama nito sa akin. Inaalala ko lahat ng mga pumunta dito sa bahay nung nakaraan, at isa lang ang sumagi sa isip ko na syang tutugma sa sinasabi ng baby ko. Si Asungot. Wala na kasing iba pang bumisita sa bahay na lalaki bukod sa kanya e.
   
    "I think it's a No baby" simpleng sagot ko habang inaayos ko ang buhok nito. Kakagising lang kasi nito kani-kanina kaya medyo magulo ang itim na buhok.
   
    "But why Mommy? Uncle is Spiderman! He will protect you. If Uncle will not come who will protect to Mommy?" malungkot nitong saad sa akin. Kaya napaupo ako upang tapatan ang mukha nya at saka ngumiti ng kay tamis.
   
    "Don't worry baby, Mommy is strong enough to protect herself okay?" sabi ko dito na naging dahilan kung bakit inakap ako nito. I will always treasure my little baby.
   
    Mabuti na lang at matalino ang Baby ko at tumigil na rin sa kakakulit sa akin.
   
    "Ingat ikaw Mommy!" sigaw ni Ronnie sa akin ng sumakay ako sa kotse. Masaya ako kasi kahit papaano ay nakakaintindi na sya ng tagalog at nakakapagsalita na rin kahit paisa-isa lang. Paano ba naman ay tinuturuan pala sya ni Daddy na magtagalog nitong mga nakaraang mga araw. Sabi pa nga sa akin Mimi ay enjoy na enjoy pa nga raw ang mga ito. Nakakatuwang isipin na hindi na ngayon nagiisa sa bahay si Daddy kasama nya na rin si Ronnie, at this days napapansin ko rin na medyo umaaliwalas ang awra ni Dad. Totoo nga talaga ang sabi-sabi, kapag may bata sa loob ng bahay ay nakakatanggal talaga ng stress sa buhay.
   
    Isinuot ko ang shades ko tsaka pinaandar ang sasakyan. Hindi naman talaga mainit ngayon ang kaso kasi yung mga media panay sunod pa rin sa amin. Kaya kailangan ko magsuot ng shades, Nag iingat lang din kasi ako at baka kuyugin nila ako. Wala pa naman si Philip o kung sino man ang pwedeng tulungan ako kung sakaling makita nga ako ng mga media at fans at dumugin.
   
    "Hello Philip?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong sagutin ang tawag. Buti na lang at dala ko ang ear pod ko kaya nakakapagmaneho pa rin ako habang may kausap sa cellphone.
   
    "Where are you Xabby? We are now here at the ware house." sabi nito at naririnig ko na rin mula sa kabilang linya ang boses ni Petra na kasing lalim ng karagatan na sya namang nakikipagharutan kay Patricia na kasing tinis ng palaka ang boses. Ang aaga naman ata ng mga baklang ito? Sabagay nag volunteer pala ang mga yan na tutulong na mag ayos ng pagdarausan ng party.
   
    "Andyan na rin ba si Gem?" tanong ko habang nililiko ang kotse pakaliwa.
   
    "Yes she is here, kasama nyang dumating dito sila Peter and Patricia."  masaya pang sabi nito. Oh noes, napapalibutan ang pinsan ko ng mga sirena! My ghadd
   
    "Okay! I'm almost there" sabi ko nang unti-onti ko nang matanaw ang entrance gate ng ware house. Medyo malayo pa naman ang ware house ni Auntie Emilyn mula dito sa entrance kaya mga 5 minutes pa bago ako makarating dun.
   
    Grabe, kasing ganda ko talaga ang lugar na ito!. Kahit kailan hindi kumukupas ang ganda. Buti na lang at naalagaan pa rin nila Auntie ang lugar na ito. Sa totoo lang third time ko pa lang makarating dito.
   
    Ang first time ko kasi ay nung first birthday ni Georgia, sya ang bunsong kapatid ni Philip. Siguro mga seven years old pa lang ata ako nun while Philip is already ten years old. Yup four years ahead sa akin si Philip mas matanda sya sa akin kahit hindi halata. Back then sobrang saya pa ng pamilya namin. Mommy is still alive at madalas si Philip talaga ang lagi kong nakakalaro ng mga panahon na yun.
   
    At ang second time ko ay nung bago ako umalis dito sa Pilipinas. Natatandaan ko lang ay Wedding Anniversary ata iyon nila Auntie at Uncle, umuulan pa nga nun kaya nauwi sa Raining Party ang celebration namin. Dahil sa nagpaulan kaming lahat ay sabay sabay rin kaming tinamaan ng lagnat kinaumagahan.
   
    Nakakamiss pala ang mga iyon. Dahil sa sobrang na preoccupied ang brainy ko ay Hindi ko tuloy namalayan na nai-park ko na pala ang sasakyan ko sa harap ng ware house. And as usual the place is still the same. Kahit dalawang beses palang ako nakakapunta dito at na puno ko na agad ito ng mga ala-alang ayokong kalimutan.
   
    Sinalubong naman ako ni Auntie Emilyn nang makababa ako ng sasakyan. Sobrang laki ng ngiti nito sa akin habang kumakaway pa.
   
    "Oh my Xabrina anak! Masaya akong makita ka" bati nito sa akin tsaka ako niyakap. Napangiti na lang din ako atsaka niyakap sya pabalik. Matagal ko na rin hindi nakikita si Auntie. Hindi naman kasi ito lumuluwas ng bansa upang bisitahin si Philip sa America. Ayaw na ayaw kasi nito na iwanan itong ware house lalo na at napakarami raw ditong mga alaala ng pamilya. Kahit nga isang araw lang na umalis ay ayaw nitong pumayag, kaya sa tuwing uuwi si Philip ay sabik na sabik talaga itong makita sya agad.
   
    "At ang gandang ganda na ng pamangkin ko walang duda na sa akin ka talaga nagmana" pagbibiro pa nito sa akin kaya natawa na lang din ako sa kanya. Niyaya nya na ako papunta sa loob. At habang pumapasok kami sa loob ay walang humpay ito sa kakakwento sa akin ng mga buhay nya. Karamihan sa kwento nya ay tungkol kay Georgia at Philip.
   
    "Oh Xabby nandito ka na pala. Teka akala ko po ba Mama nasa kusina kayo?" nag tatakang tanong ni Philip kay Auntie na ngayon ay nakasukbit na ang braso sa akin. Nginitian sya ni Auntie bilang ganti.
   
    "Nako naman kasi Philip narinig ko kasi sayo kanina na malapit na itong si Xabrina hija kaya inabangan ko sa labas upang salubingin." masayang tugon naman ni Auntie Emilyn sa anak na syang dahilan kung bakit napakamot naman ito sa kanyang batok. Kahit saang anggulo ay magkahiwig talaga silang dalawa ni Auntie Emilyn. Nag kaiba lang sa mata, mapupungay kasi ang kay Philip samantalang smiley eyes naman ang kay Auntie.
   
    Hanggang sa makarating nga kami sa loob ay hindi ako tinigilan ni Auntie Emilyn, buti na lang at naalala nyang may niluluto pa sya sa kusina kaya tinantanan nya na rin ako.
   
    "Pagpasensyahan mo na si Mama, alam mo naman na may pagka madaldal talaga yan lalo na at matagal na rin kayong hindi nagkikita." naiiling na sabi sa akin ni Philip sabay abot ng cookies na siguradong gawa ni Auntie kaya dumampot na ako ng isa. Syempre naging paborito ko ata ang cookies na gawa ni Auntie. Naaalala ko pa tuwing bumibisita sila sa bahay lagi silang may dala-dalang cookies na sya namang pinagaawayan namin ni Daniela.
   
    "Sanay naman na ako kay Auntie, teka tapos na ba ang pagaayos ng pagdarausan ng party?" tanong ko na syang ikinatango naman nito. Aba! Ang bibilis naman ata nilang gumawa?. Hindi man lang ako pinatulong.
   
    "Talaga? Hindi ba't apat lang kayong nag aayos?" tanong ko pa sa kanya. Napakunot ang noo nito tsaka napalitan naman agad ng ngiti.
   
    "There are some friends na tumulong sa amin para matapos agad. Halika na at hinihintay ka na nila sa taas" turo nya sa hagdanan. Sa taas kasi ang venue. Mas malawak dun kaya okay lang na mag invite kami ng marami.
   
    "Aba ayos yun ah." tanging nasabi ko bago kami umakyat. Kahit sa hagdanan hindi nila tinantanan may mga design pa kasi ang mga ito.
   
    Pagkarating namin sa taas ay pinagbuksan ako ng pintuan ni Philip. Nagtataka ako kung bakit wala man lang ingay akong naririnig dito sa labas. Knowing naman dun sa tatlo kong kaibigan, tinalo pa ata ang granada sa sobrang ingay.
   
    "Teka bakit ang dilim naman dito?" tanong ko ng mabuksan nya na ang pinto, akala ko ba andito na sila Petra? Asan na yung mga bakla?.
   
    "Baka natutulog kaya pinatay muna ang ilaw" sagot naman sa akin ni Philip na halata ring nagtataka.
   
    "SURPRISE!!" nagulat naman ako dahil sa biglaang pagbukas ng ilaw at sigaw nilang lahat. Agaw pansin ang napakalaki at habang banner na may nakasulat na 'Congratulations!' nakakatouch naman. Napatingin naman ako kay Philip at pati sya ay nagulat din sa sorpresa nila. Siguro plinano ito ng mga bakla nung pinababa nila si Philip naku! Napangiti na lang din ako tsaka nila kami niyakap ni Philip.
   
    They are all sweet!

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon