Chapter 9

142 3 1
                                    

    “Hello Roda? Bakit ka napatawag may problema ba?” tanong ko kay Roda. Nasa America kasi yun ngayon.
   
    “eh Ma'am Faye si Ronnie po kasi-” sabi nito. Bigla naman akong kinabahan sa boses ni Roda. Hindi kaya may nangyari kay Ronnie? Oh gash!
   
    “Roda, Roda what happen to Ronnie? At pwede kumalma ka rin muna. Mas lalo mo kasi akong pinapakaba eh.” pag papakalma ko rito. Rinig ko naman itong nag pakawala ng isang malaking buntong hininga.
   
    “Eh ma'am hinahanap ka na eh. Nagwawala na po sya rito. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko Ma'am. Paulit ulit nya pong sinasabi na gusto ka na raw nya pong makita.” after nyang sabihin yun ay may narinig akong mga kalampag ng pintuan. Si Ronnie ba yun? Oh no no my baby
   
    “Okay okay tell him na you and Ronnie will fly to go here in Philippines. And also mag pa-book ka na rin ng flight. I will fetch you both in the airport. And pakalmahin mo muna sya. Kapag kumalma naman ay mag patulong ka sa kanya sa pag impake para hindi na ulit mangulit sayo. Don't forget to update me. I'll hang up now” sabi ko pa rito bago sya nag paalam kasi mas lalong lumalakas ang pagkalampag ng pintuan. Ibinaba ko na ang cellphone ko tsaka humarap kay Petra na ngayon ay nakakunot ang noo.
   
    “Sino daw yun?” tanong nito sa akin. Hindi nya pa pala alam kung sino si Ronnie. Mabuti siguro kung bukas ko na lang din sa kanya ik-kwento para naman isang bagsakan na.
   
    “Si Roda nag ka-problema kasi. Pero okay na naman din.” pag papaliwanag ko sa kanya tsaka sumubo ng pancake na inorder ko kanina. Nasa mall ulit kasi kami ngayon at nilibre ko sya ng makakain hindi pa raw kasi yan kumakain ng umagahan kaya dito sya nag yaya.
   
    “Sino naman si Ronnie? Mukhang napaka importante nya sayo ah.” makahulugan na tanong nito. Ngumiti ako rito ng maalala ko na naman si Ronnie. I'm going to see him again.
   
    “He's my baby” simpleng sagot ko dito. Nakita ko naman na nagulat sya at halos mabulunan na dahil sa kakasubo nya pa lang na pancake. Buti na lang to the rescue agad ang tubig kaya nakahinga na ito ng maluwag.
   
    “a what? Baby? Hindi ba't nasa Arrange marriage ka? Tapos may baby ka?” mabilis na tanong nito sa akin. I remember the engagement na naman.
   
    “oh gash Pet don't ever bring out that topic again. Kaya nga ako nandito diba? To wind up, to forget about it.” nag tatampong sabi ko dito. Mukhang natauhan naman ito kaya nag pipilantik na naman ang bakla.
   
    “Okay okay fine, tara na nga at mag ikot ikot dito. I'm looking for a gift pala para sa pamangkin ko.” nagulantangan nitong sabi tsaka ako hinila papalabas.
   
    “a kiddo?” tanong ko dito. Umiling naman ito bilang sagot.
   
    “she's turning into 16 kaya I must say na Teenager na din yun. Alam mo naman when they start to reach the puberty stage mas nahihirapan ako na mamili ng pwedeng i-regalo sa kanila, kasi, baka hindi na magustuhan” sabagay tama nga naman sya. Buti na lang at wala pa akong mga pamangkin na mahirap regaluhan.
   
    “Bakit naman kasi you have already niece yan tuloy nai-stress yang beauty mo girl. Feeling ko tuloy ang tanda tanda mo na kasi may pamangkin ka na dalaga” pangaasar ko dito. Tinitigan naman ako nito ng masama sabay irap.
   
    “che! Isisi mo yan kay Ate maaga nagka anak. Tsaka alam mo buti na lang at kasama kita. Kasi you know naman na kahit super taray mo ay matutulungan mo ako sa pamimili kung ano ang pwede i-regalo kay pamangks.” kinikilig na tugon nito. Napataas naman bigla ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Ako? Makakatulong sa kanya? In what way? Pagtarayan at pagbantaan ang mga sales lady? Ganun ba ang gusto nyang tulong?
   
    “ikaw itong Tito I mean Tita kaya mas alam mo kung ano dapat iregalo sa pamangkin mo. Tsaka ano ba malay ko sa mga yan.” pag tatanggi ko dito.
   
    “ kasi you know Xabitch lalaki pa din ako-” sabi nito na dahilan kung bakit napatawa ako.
   
    “tumigil ka nga jan!” reklamo nito ng maputol sinasabi nya ng makita nyang tumatawa ako.
   
    “eh kasi naman buti at inamin mong lalaki ka” sagot ko rito. Sinamaan ako ulit nito ng tingin kaya napataas naman ako ng kamay para mag surrender.
   
    “okay back to what I'm saying na, I'm still a man kaya there's some things na I don't know in woman. Like how they feel in such a thing or how they will react in a situation. Did you get what I mean Xabitch?”  tanong nito sa akin. I got her point. Kaya tumango ako dito tsaka hinila papunta sa isang jewelry shop here sa mall.
   
    “hey wait why are we here?” nag tatakang tanong nito sa akin nginitian ko lang ito tsaka dumiretso sa mga jewelry na naka display tsaka nag hanap ng pwedeng ipang regalo ni Petra. Nang ituturo ko na sana yung pink butterfly na necklace sa nagbabantay ay may kung sino man ang nag turo din dito.

    Akala ko si Petra, kaso naalala kong medyo tan ang skin ng bakla. Maputi kasi ang kamay nito. Nang i-angat ko ang aking tingin ay halos mag sipag puntahan ang lahat ng dugo ko sa mukha.
   
    Bakit sya nandito?
   
    “Hey-” bati nito sa akin ng nakangiti. Pero dahil ayoko nga syang makita ay pinutol ko na agad ang sasabihin nya tsaka hinarap ang nag babantay.
    Geez. Ngiti nya pa lang nakakasuya na! Grrr!
   
    “Miss I'm going to buy this one.” mabilis ko na sabi dito sabay turo sa diamond pendant na necklace na katabi lang nun kanina. Mabilis nya naman na i-pack yun kaya nag bayad na ako tsaka hinila si Petra na busying busy sa pag tingin tingin ng mga earrings.

    Hindi ko na nilingon pa ulit yung nakita ko at mabilis na naglakad papalayo.
   
    “bakit ka ba nanghihila Xabitch? Naka pili ka na ba nung pinapahanap ko?” tanong nito. Nag patuloy lang ako sa paglakad ng masigurong malayo na kami sa Jewelry shop na yun ay tsaka ko ito hinarap ng hingal na hingal.
   
    “Oo at here na sya oh. Check mo kung okay na para sayo” abot ko sa kanya ng box. Binuksan nya naman iyon tsaka nag titili sa akin. Mas maganda sana yung isa eh, kung wala lang sana umepal. Grrr
   
    “Hindi talaga ako nag failed na ipagkatiwala ko ito sayo. Here bayad ko” sabi nito habang inaabot ang pera sa akin. Aangal na sana ako dito ng putulin nito ang sasabihin ko.
   
    “hep! It's for my pamangks gift and not mine kaya you need to accept this. It's not my gift kung ikaw mag babayad.” paliwanag nito sa akin. Tama nga naman sya kaya tinanggap ko na rin yun.
   
    Hanggang sa makauwi kami ay hindi pa rin maalis sa isipan ko yung nakita ko kanina sa Jewelry shop. Bakit pa ba sya nag pakita ulit? Argghh

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon