Chapter 40

108 1 0
                                    

    Nanatili sya ng limang minuto sa labas ng sasakyan habang kabadong kabado naman akong naghihintay dito sa loob. Isang maling galaw ko lang dito ay pwede ako nitong masuntok. Mukha pa namang sobrang lakas nyang sumuntok paano ba naman knock out kanina si Rei e. What more pa kaya sa akin diba?
   
    Nagmaneho lang ito ng tahimik. At hindi ako pinapansin. At dahil sa hindi ko na ito matagalan ay kinausap ko na ito.
   
    "Can you please stop the car? This is not the way to my home" Siguro sa bahay muna ako ni Dad tutuloy ngayon. Ayoko naman na harapin yung Jaimee na yun lalo na't hindi ko maintindihan sarili ko. At baka magka world peace ng wala sa oras.
   
    "Dito ang daan papuntang bahay." tipid nitong sabi sa akin. What? Eh hindi nga familiar itong daan sa akin ei kaya sure akong hindi ito papunta sa bahay. Ay baka papunta sa kanila? Pero ano naman ang gagawin ko sa bahay nila?. For sure Ronnie is waiting for me now.
   
    "No, stop the car. I need to go home, Ronnie is waiting." pagpupumilit ko sa kanya. Pero parang wala itong narinig at nanatiling nakatuan ang atensyon sa kalsada.
   
    "I know" tipid ulit na sagot nito. My gahd! Sasagarin nya ba talaga ako? Plus that poker face of him? Hindi ako sanay!
   
    "Then stop the car now if you know Ronnie is waiting for me." at dahil sa sinabi ko ay huminto nga ito at tumitig sa akin kaya napataas naman ang kilay ko.  Of course I was confused and yet thankful kasi inihinto nya nga ang sasakyan. Pero kasi ipinasok nya ang sasakyan sa loob ng isang malaking gate. That's why I'm confused! Siguro may labasan naman yan.
   
    Ay bahala na, may taxi naman sigurong dumadaan dito pagkalasbas ng gate. Pero mukhang mahihirapan din ako, kasi napansin ko kanina na nasa kaloob looban ang lugar na ito at wala rin gaanong dumadaan na mga sasakyan. Gabing gabi na rin. Yan kasi Xab e! You are so super daldal kaya hayan bahala ka magkanda ligaw ligaw ngayon.
   
    "Tha-" sasabihin ko sana kaso pinutol nya agad ito. Aba bastos to ah! Hindi porket tinatarayan ko sya ay gagantihan nya na ako nyan?
   
    "We are home" simpleng sabi nito tsaka lumabas ng kotse. Kaya naman ay lumabas na rin ako. Bakit kasi ang tipid nitong sumagot ngayon? Edi sana diba hindi ako mukhang tangengot na gulong gulo sa mundo.
   
    "Wait what do you mean 'we are home' this is not even my house baka 'I'm home' ang sabihin mo" nagtatakang tanong ko habang litong lito na nakatingin sa sobrang laki na bahay. Ang laki naman ng bahay nila.
   
    "This is not just my house it also yours that is why WE are Home"  huling sabi nito bago ako iniwanan na mag isa sa labas. What?! He mean this is OUR HOUSE? kaylan pa naging malaki ang bahay namin?. Wait OUR? sa aming dalawa talaga? Bahay namin ito? Ha?! E wala nga akong matandaan na nakapag pundar ako ng bahay na ganito kalaki.
   
    "Mommy!" rinig kong sigaw ng isang batang lalaki, familiar ang boses nya ah. At nakita ko na nga ang tumatakbong si Ronnie na galing sa kaliwang gilid ng bahay. Oh my baby ko! Namiss ko ito.
   
    Dali-dali ko naman itong inakap. Makita ko lang si Ronnie tila napawi lahat ng pagod ko ngayong gabi. Feeling ko sumabak ako sa gera dahil sa sobrang dami ng nangyari.
   
    "What are you doing here? And Why are you here?" nagtatakang tanong ko. I'm so happy na masaya ang baby ko ngayon. Pero bakit nandito sya ngayon?
   
    "Mommy did you already forgot? This is now our home! Lolo bring me here and he told Ronnie that starting tonight, this is our new home together with Uncle." masayang sabi pa nito at tinuro si Asungot na nakatayo sa may pintuan habang may mansanas sa kanang kamay na nakamasid lang sa amin. This time kalmado na ang aura nito hindi kagaya kanina na halos gusto na akong kainin ng buhay dahil sa umaapaw na galit.
   
    Teka nga,
   
    Oh my gahd! Asungot and Jaimee is the same? So it means I will marry him? How come?, I mean it's super unbeliveable
   
    "Let's go inside Mommy! I will show you my room! Lolo is the one who design it for me." masayang sabi pa nito. Dahil sa sobrang gulat na gulat pa ako ay nagpahila na lang ako kay Ronnie hanggang sa makaakyat nga kami ng Second floor. Hindi ko na rin alam kung saan nagpunta yung Asungot na Jaimme na yun.
   
    "Baby, Mommy is tired now. I want to get some rest." mahinahon kong sabi dito. Tila biglang nag iba ang ekspresyon nito. Dahilan kung bakit naging malungkot ang mukha.
   
    "Okay then Mommy, Ronnie will lead you to your room." sabi pa nito tsaka ako hinila pa kaliwa. Nakarating kami sa isang napakalaking pinto. At pagkabukas nun ay bumungad sa akin ang napaka gandang kwarto na may king sized bed. Wow ang ganda naman.
   
    "This is your room and Uncle's" sabi pa nito na naging dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko. We are not yet married kaya may karapatan pa akong umangal. Daddy!
   
    "I want to sleep with you Baby. Let's go to your room" pagyaya ko sa kanya. Pero umiling lang ito sa akin. Na syang ikinataka ko
   
    "No Mommy, Lolo said that if Mommy lay beside me in my bed there is a high possibility that Ronnie's bed will collapsed. And Ronnie doesn't want that to happen, because that bed is a gift from Lolo." page-explain nito sa akin. Naku! Ang baby ko talaga. Ewan ko ba at bakit super talino nito. Biruin mo mag t-three pa lang sya this coming saturday pero, ang dami na agad nalalaman. Tapos mukhang pagkakaisahan pa nila ako ni Dad!.
   
    "Then is there another room for Mommy?" tanong ko kay Ronnie na syang ikinatango nya. Dahil duon ay napatalon ako dahl sa tuwa. Oh my gahd! Problem solved!
   
    "But, the door of those room has been locked, even Uncle doesn't have any key to open it." sabi nito na syang ikinadismaya ko. Oh my gahd daddy! Of course kagagawan nya yan at ni Mr. Dastin. I can't even imagine sleeping beside of that Asungot after what he did to Rei?
   
    "Then can my baby sleep with me tonight here? Please baby just this week before you turned three this saturday?" pag pupumilit ko dito. Malaki naman itong kama kaya for sure kakasya kami. Uy! Wag kayo ganyan ha syempre ayoko naman na makatabi yung Asungot na yun sa iisang higaan. Kaso kasi napagaalamanan ko na wala na pala ibang mahihigaan dito kasi kahit isang sofa bed lang o isang ordinaryong sofa ay wala kang makikita dito. Kaya no choice talaga kundi ang magtabi kami. That's why I invited Ronnie para naman hindi lang kaming dalawa. Arrrghhh!
   
    Sa baba ay may sofa naman kaso ang mga uri ng sofa duon ay good for one tapos may arm ito sa dalawang gilid. At wala rin akong nahagilap na kahit sapin lang na pwedeng ipanglagay sa lapag upang gawing higaan. Kahit banig na lang, wala talaga. Kung nakikita ko lang si Dad ngayon, siguro tuwang tuwa na yun. Ganito ba talaga nya ako kagusto na ipakasal sa Asungot na yun? Huh!
   
    "Okay Mommy! Ronnie will just get Pilo in my room!" masayang sabi nito bago kumaripas ng takbo papuntang kabilang kwarto. Pilo ang pangalan ng peyborit nyang unan na may naka print na Spiderman. Hindi nakakatulog yun kapag wala ang favorite nyang unan na yun.
   
    Habang nag hihintay kay Ronnie ay humiga muna ako sa napakalambot na kama. Ewan ko ba at pagod na pagod ako ngayon. Sinubukan kong idilat pa rin ang pumupungay kong mga mata ang kaso wala e pilit nang bumibigay. Plus this so comfortable na bed. Hanggang sa hindi ko na nga namalayan pa na nakatulog na pala ako.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon