"Aray ko po ang ulo ko" daing ko habang sapo sapo ang ulo ko na nauntog sa pader ay hindi pala sa likod nitong Asungot na bigla bigla na lang tumitigil sa paglalakad.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong nito sa akin. Diba dapat ako mag tatanong nyan? Kasi kung hindi sya sana huminto sa paglalakad ay hindi ako mababangga sa likod nya diba?
"Nag lalakad? Ano sa tingin mo sa akin lumilipad?" pag tataray ko rito. At tinaasan ko ito ng kilay. Obvious naman itatanong pa.
"Lumulutang ang utak habang nag lalakad ang sabihin mo." pailing iling nitong sambit tsaka ako iniwanan na nakanganga at pumasok ito sa entrance ng Island ng mag isa. Bastos 'to ah! Ako ba ang sinasabihan nyang lumulutang habang nag lalakad? Ano ako walking dead? Huh! Lakas talaga ng tama ng isang yun. Sarap nyang tadtarin ng pinong pino. Grr!
Pero teka nga, nasa Island na agad kami? As far as I remember ay less than 15 minutes palang kami nag lalakad. Argghhh! Isa talaga syang dakilang Asungot!Nakakapanggigil talaga!
Edi sana umpisa pa lang sinabi nya na agad sa akin na malapit na kami sa Island. Edi sana, iniwanan ko na sya dun kasama yung maharot na Waitress na yun at hindi ko na sana pinilit pa ang sarili na kumain ng napakarami nyang order Arrrggh! Humanda ka talaga sa akin, nanggigil na talaga ako sa pangiinis mong bwiset ka! H'wag na h'wag kang magkakamali na mag pakita pa ulit.
—————————————————————
Jaimee Austin POV
Dumating ako sa Room ko na halos di mag kamayaw sa kakatawa. Ewan ko ba, sa simpleng ginawa nya ay napatawa nya agad ako ng ganito hahaha. Hindi ko kasi lubos maisip na maiisahan ko ulit ito ngayon. Sa sobrang talas ba naman ng dila nun ay bihira lang ako maka score. Kaya isang malaking VICTORY ang nangyari ngayon.
Hindi nya alam na yung restautant na pinuntahan namin kanina ay mga 100 meters lang ang layo dito sa Island. Kung mabilis ka mag lakad ay siguradong less than 10 minutes ay mararating mo na ito. Ang kaso nga lang dito kay Ms. Sungit ay sobrang bagal nyang maglakad. At ang mas malala pa ay lumulutang pa ang isip kaya hayun sapul ang noo nya sa likod ko.
Samantala yung kotse kong dala dala naman ay pina pick up ko na sa isa sa mga staff ng Island. Naisipan ko kasi na palakarin itong si Ms. Sungit, sa sobrang dami ba naman ng kinain baka masuka na ito kung uupo lang sya at baka sisihin nya pa ako mahirap na, nag mamagandang loob na nga ako eh. Sa totoo nyan nag bibiro lang naman ako na ubusin nya ang mga inorder ko. Sino ba naman na babae ang lalantakan ang 'sang katutak na pagkain sa lamesa na yun kanina?
Maski siguro ako ay hindi ko kayang ubusin yun ng mag isa pero nung nag umpisa na syang kumain ay napangiti na lang din ako. Mukha naman kasi na gutom na sya kaya hindi ko na din ito pinigilan pa na kumain at inantay na lamang ito na mag reklamo ulit. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto nyang kainin kaya inorder ko na lang lahat.
Nakakatuwa talaga sya, sa pagkakaalala ko Xab ang panglan nya? Yun kasi ang natatandaan kong tinatawag ng mga kaibigan nya sa kanya at ni Fourth. Pero mas bagay sa kanya ang Miss Sungit na pangalan. Ang gwapo ba naman ng tumatawag sa kanya nun.
"Uy! Dude! Wala ka man lang ba na dinalang pasalubong?" tanong sa akin ni Z na kasalukuyang nakahiga sa kama ko. Hay†p 'to ah nakahiga na naman sa kama ko.
"Ano sa tingin mo sa akin nag bakasyon? At saka Umalis ka nga jan sa kama ko Z dun ka kay Lio tumabi" sabi ko sabay turo kay Lio na prenteng prente na naghihilik sa kama ni Z. Mga loko loko talaga kahit kaylan. Maski ako ay nagtataka kung bakit ko mga naging kaibigan ang mga 'to.
"Ayoko nga Dude kita mo naman na nag lalaway na si Lio oh! Maawa ka naman sa akin, ayoko pang mahawaan ng Virus" pag papaawa nito sa akin habang nakakapit pa rin sa bed sheet para hindi ko sya tuluyang mahila pababa ng kama.
"Kung ayaw mo sa tabi ni Lio eh dun ka na lang sa kabilang kwarto na dapat sa kanya." pag su-suggest ko. Napaka gunggong naman kasi nitong si Lio, may sariling kwarto at kama naman sa kabila, dito pa talaga napiling matulog.
"Ayoko nga Dude, alam mo na I always want to be with you" sabi nito, nag boses babae pa ang loko habang sinasabi yung I always want to be with you. Mga dep†ungal talaga kahit kaylan.Bilang ganti ay binitawan ko ang pagkakahawak ko sa dalawa nyang binti kaya lumagapak ito sa sahig.
"Aray ko naman Dude, your love to me is to hard ah. Nga pala kamusta ang date nyo nung Xabrina?" tanong nito sa akin tsaka umupo sa dulo ng kama.
"Maayos naman" tipid kong sagot habang nag papalit ng damit.
"Hanep naman neto lakas ng galawan natin ah. Sinabi mo na ba na ikaw ang mapapangasawa nya?" tanong ulit nito na syang ikinatigil ko naman sa pagbibihis. Nakalimutan ko ang tungkol dun ah.Nung nakaraan kasi sinabi sa akin ng kumag na ito ang tungkol sa Fiancée ko. Hindi raw sya nag kakamali na yung babaeng nakilala ko sa Jollibee at ang Xabrina na kaibigan ni Fourth ay ang mapapangasawa ko. Sa umpisa ay hindi ako naniwala. Syempre hindi ba naman katiwa-tiwala ang pag mumukha ng kumag na 'to.
After the bridal Shower ay dumiretso agad ako sa tinutuluyan ni Dad. Kahit medyo tinatablan pa ng hiya dahil sa pinaggagawa namin sa bridal shower ay dire-diretso lang ako sa loob ng tinutuluyan nya. Gulat na gulat pa nga ito ng makita ako eh, kaya dali dali ko na hiningi ang number ng mapapangasawa ko, na ayon sa kanya ay galing kay Tito Dan.
Nagtataka pa nga ito na bakit bigla raw ako nag kainteresado dun. At dahil daw sa medyo nag kakainteresado na ako sa kasalan na magaganap ay pursigido na raw silang itali kami sa isa't isa. Hanggang sa umabot na nga kami sa punto na next week ay balak na nila kaming pagtirahin sa iisang bubong. Feeling ko mag ka-kaworld war IV sa bahay na yun kung si Miss Sungit nga ang mapapangasawa ko.
Pero kanina lang umaga ay duon ko lang na kumpirma, na sya nga ang mapapangasawa ko. Mismong sa bibig na mismo ng matanda nanggaling ang lahat.
"Hayaan mo sya ang makaalam." ngising ngisi na sabi ko at dumiretso na ng banyo. Kita ko naman na napailing na lang din sa akin si Z bago ako tuluyang makapasok sa loob. Gusto kong makita ang magiging reaksyon nya hahaha. Siguro uusok na naman ang ilong nun sa sobrang inis.
Xabrina, Xabrina akalain mo nga naman na tadhana na mismo ang naglalapit sa atin ngayon. Kahit anong gawin mo ay wala ka nang kawala pa sa akin.
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...