"Akalain mo yun nagawan nila agad tayo ng couple name. Hala ka Ms. Sungit baka mamaya malaman ko na lang na inlove ka na sa akin." pangungulit sa akin ng Asungot. Nandito kasi ako sa may dalampasigan ngayon. Medyo malayo sa pwesto namin kanina. May mga tama na rin kasi ang mga nanduon kaya medyo delikado na para sa akin. At isa pa, dahil sa medyo namo-mroblema rin ako ay minabuti kong mag lakad lakad mag isa hanggang sa napadpad na nga ako sa pwesto ko ngayon. Ang kaso imbis na makapag isip isip ng maayos eh hindi, mas lalo pang nagugulo ang utak ko ng dahil sa Asungot na katabi ko ngayon.
"Alam mo kaonti na lang talaga liliparin na ako dahil sa sobrang lakas ng hangin mo. Layo-layuan mo nga akong Asungot ka. Sino ba nagsabi sayo na sundan mo ako rito ha?" sabi ko habang dinuduro duro ko sya. Nakakainis kasi, feeling ko tuloy mag kaka-wrinckles ako agad-agad dahil sa lalaking ito. Sobrang nakakapanginit ng dugo.
"Easyhan mo lang Miss. Sungit. Tinataray-tarayan mo na naman ako, ikaw na nga itong sinasamahan ikaw pa itong nag tataray sa akin." sabi nito habang pailing iling sa akin. Bilang ganti ay nag make face lang ako dito tsaka ibinaling na lang ang mata sa dagat. Pero bago muna iyon syempre hindi mawawala ang nakangisi nitong mukha. Grr!
"Grabe Miss Sungit akalain mo yun may mas ipa-panget ka pa pala. Akala ko 'yang mukha na yan ang pinaka panget mong itsura, hindi pa pala." pangaasar nito sa akin. Walanjo na Asungot na 'to! Ang lakas lakas mangasar akala mo naman may ipagmamalaki na kagwapuhan.
"Ikaw ha, tigil tigilan mo nga ako jan sa pang iinsulto mo at hindi ka na nakakatuwa. Tsaka sino ka ba para sabihan ako nyan? Kagaya ng sabi ko kanina ay hindi ka po kagwapuhan Mister" pag didiinan ko sa kanya. Tumawa ito ng malakas, na halos rinig na rinig na ata ng mga taong nandirito rin sa may dalampasigan. Kakabwiset talaga ang lalaking ito!
"Hi, excuse me" sabi ng isang babae sa Asungot na ngayon ay tumigil na sa kakatawa. This girl looks so simple ang kaso may something sa kanya na I can't figure it out. Nakatingin ito sa Asungot kaya hindi ko na inabala pa ang sarili na bumati at pinagtaasan na lamang ito ng kilay.
"Yes Miss?" sagot nito na may malanding tono. Sus! Mga galawan ng asungot na ito halatang halata ah. Bat hindi nya agad sinunggaban? Ang weak pala nito.
"Ah eh hmm my name is Honey. What is yours? Tsaka pwede mo ba kaming samahan ng mga kaibigan ko duon sa cottage na yun?" tanong ng babae na nag papakilalang Honey habang inilalahad ang kanyang kamay dito. Sabi ko na nga ba! May something sa babae na ito eh pero infairness mahinhin ito kung magsalita at hindi masyadong nahahalata ang totoong pakay. Napairap na lang ako habang ipinupukol ang tingin sa ngiting ngiti na Asungot. Kasalukuyan kasing may malagkit itong titig sa babae.
Nasa harapan na nga ang pagkain bakit ayaw pang kainin? 'Wag mong sabihing mag papaka-choosy pa ang Asungot na 'to mukha namang compatible sila sa isa't isa.
"Sorry Miss baka kasi magselos at magalit ang Misis ko kapag sumama ako sayo." rinig kong sabi nito. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya at sabay lingon sa kanilang dalawa. Wtf?! May asawa na ang asungot na 'to? Wow ha, buti naman at may nakakatagal sa kanya.
"Wala naman ang Misis mo eh, tsaka okay lang siguro sa kapatid mo na sumama ka diba?" tanong nito habang nakatingin sa akin? Dinuro ko pa ang sarili ko para siguraduhin kung ako ba ang sinasabihan na kapatid ng asungot na ito. Tumango ito sa akin habang palipat lipat ang tingin nito sa amin ng Asungot.
Gosh! Malabo ba mata nito? Sa dinami-raming pwedeng mapagkamalan na kapatid ko ay ito pa talagang lalaking ito? Gahd! Neverrrr!! Grrr! Onti na lang masasabunutan ko na itong babaeng ito.
"Ako kapatid nya? It will never happen! Shoo shoo! Dalhin mo na nga yan sa heaven ng matantanan na ako." pagbubugaw ko sa Asungot.
Pero ang loko nagpipigil lang ng tawa hanggang sa hindi na nga nya nakayanan at napatawa na ito ng malakas. Napakunot pa nga ang noo ni Honey bee dahil sa lakas ng tawa nito eh. Hawak hawak pa talaga ang kanyang tyan na akala mo nasa comedy bar na tawang tawa sa mga jokes. Siraulo talaga.
"Don't believe her, She's not my sister, she's my Wife. Diba Mahal?" sabi ng Asungot na umakbay pa talaga sa akin. Isang kindat at ngiti ang nasilayan ko sa mukha nito bago nakitang galit na galit na nag ma-martsa paalis ang babae sa harap namin.
What just happen? In just a snap?
Kinagat ko ang kamay nito na nakaakbay sa akin na dahilan kung bakit napahiyaw ito sa sakit. Ayan napapala ng mga taong pinagtitripan ako.
"Aray! aray ko naman Miss Sungit yung kamay ko. Oo na! Tatanggalin ko na ang pagkakaakbay ko sayo." dahil sa sinabi nya ay kaagad ko naman itong binitawan. Sapo sapo nito ang kanang kamay na kinagatan ko na sa ngayon ay namumula na. Siguradong sigurado ako na bakat ang ngipin ko dun.
Huh! Buti nga sayo.
"Oy! Oy! Miss Sungit saan ka naman pupunta?" tanong nito ng bigla akong tumayo mula sa pagkakaupo sa buhangin
"Wala ka na dun. Kung sumama ka na sana dun sa Honey na yun edi sana hindi ka bored ngayon at for sure lasap na lasap mo na ang heaven" huli kong sabi bago tumakbo papunta sa pwesto ng mga bitches na ngayon ay mga Knock Out na. Hays! Walang katapusan na buhatan na naman ito.
"Pasensya na Xab hindi na kita matutulungan ihahatid ko pa muna itong Asawa ko sa room namin." pag papaalam sa akin ni Hani. Medyo lasing na kasi si Fourth. Tumango tango ako dito bilang sagot tsaka kumaway. Binalingan ko naman ang dalawang kaibigan nila Fourth na si Lio at Z na medyo may tama na rin ng Alak pero mukhang hindi pa naman sila ganun kalasing hindi gaya sa mga bitches na mga tulog na.
"Hay grabe Ang lalakas uminom ng mga kaibigan mo Xab, akalain mong nakaubos ng 3 bucket?" pailing iling na sabi sa akin ni Z. Dahil sa alam ko naman na malalakas uminom ang mga ito ay sinubukan ko silang gisingin. Pero ang mga gaga panay sabi lang ng 5 minutes sa akin. Ano ako? Alarm clock nyo? Gash! Ang ganda ko naman para dun.
Sinimulan kong buhatin si Petra, kaso mukhang mababali ata ang buto buto ko dahil sa bigat ng bakla.
"Naku, Xab. Hindi mo talaga mabubuhat yang si Petra." natatawang sabi sa akin ni Lio bago nito inagaw sa akin ang braso ng bakla para dalhin sa room. Ganun din ang ginawa ni Z kay Patricia at nauna na sila sa akin. Hays, salamat naman at nandito sila. Kasi kung hindi buong araw na naman akong mag iinda ng sakit sa katawan bukas.
Buti na lang medyo magaan naman ito si Gem kaya kahit hirap na hirap na ay nakakaabante pa rin.
"Mabait ka rin palang kaibigan Miss Sungit. At ang galing mo rin na mang-uto ha. Akalain mong napasunod mo ang dalawang kumag na yun ng walang kapalit? Bilib na bilib na ako sa kakaibang kamandag mo na iyan Miss Sungit" pagpupuri nito sa akin. Ano ang nakaka proud dun?
"Anong mang uto? Fyi Mister Asungot kusa silang tumulong at ayaw lang nilang mabali ang buto ko sa likod hindi kagaya mo na walang ibang ginawa buong araw kung hindi ang mangasar at pagtripan ang mga kagaya ko. Hmp!" pagtataray ko dito habang pilit na dinadala pa rin si Gem.
"Hep hep, dahan dahan lang Miss Sungit. Kawawa naman si Gem, mababalian sya dahil sa ginagawa mo eh." pagpapatigil nito sa akin at pumunta sa harap ni Gem tsaka nito binuhat sa likod. Tutulong naman pala eh kailangan pa kasing konsensyahin! Kahit kaylan talaga ang hina nya sa mga ganitong bagay.
Di bale na nga basta hindi na ako nahirapan pa ngayong gabi sa pagbubuhat ng mga bitches. At hindi rin sasakit ang likod ko kinabukasan.
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...