Oh my gash! Xabrina! Ano sa tingin mo ang ginawa mo kanina?
Kasi naman I didn't know na yung mysterious man na sumundo sa akin kanina sa limousine ay sya pala ang mapapangasawa ko. Kanina ko lang din nalaman, now I know kung bakit over kung mag flash ang mga cameras kanina nung naglalakad kami papasok dito sa loob. At Kaya pala familiar din ang boses nya (remember when xab received a phone call na galing kay Jaimee?) mabuti na lang at nung makapasok kami dito sa loob ay humiwalay na ito dahil sa tinatawag na sya para sa opening ng pa-party nyang ito. At dahil dun ay sinimulan ko ng hanapin sila Dad. At buti na lang at mabilis ko lang sila nakita kaya naman dali-dali na akong lumapit sa kanila habang sinalubong naman ako ng aking baby.
"Why you took so long Xabrina anak?" tanong ni Dad. Of course! I won't tell Dad about what happen a while ago at baka tuksuhin ako nito. Knowing Dad, mahilig din yan mangasar. Siguro sa kanya nagmana si Daniela kasi pati mukha nun ay nangaasar eh.
"Nothing interesting happen Dad, so don't worry. Basta ang mahalaga I successfully entered here na walang nangyaring masama and such." Sabi ko pa. Na syang ikinatango nya ng paulit ulit. This means sumusuko na sya sa akin.
"I heard nandirito raw ang buong besties mo. Of course except to Hani, because we both know na she's still in Korea." at dahil sa sinabi ni Dad ay halos manlaki na ang mata ko. Petra, Patricia ang Gem are all here?! Oh my gosh!
"Where are they?" tanong ko pa. Pero isang kibit balikat lang ang sinukli nito sa akin. Since gustong gusto ko makita ang mga besties kong mga bruha ay kinuha ko ang cellphone ko sa bitbit kong purse at dinial ang cellphone nilang tatlo.
Gladly! Ay hawak hawak ni Gem ang Phone nya. Kanina ko pa kasing sinusubukan na i-dial yung dalawa pero bigo ako. Of course! Paniguradong busy na naman ang mga iyon sa pag hahanap ng gwapo. Kaya naka silent mode ang mga phone.
"Hello Mummy?" bungad nito. I know right! They are here! Naririnig ko kasi ang sinasabi sa kabilang linya at kaparehas din ng sinasabi ng babaeng MC ngayon.
"Where are you guys?" tanong ko habang pilit na pinapahaba ang leeg para hagilapin kung saan sila nakapwesto. Syempre pinaubaya ko muna kay Daddy si Ronnie na busying busy din naman sa kakalaro ng laruan nya. Ayaw nga mag paistorbo kanina pa. Kaya hinayaan ko muna kay Dad. I'm so sure na mamimiss nya si Dad after this. Nang sinabi sa akin ni Gem kung saan ang exact location nila ay dali dali na akong pumunta dun.
Habang papunta sa pwesto nila ay walang humpay ang mga titig na ipinupukol sa akin ng mga taong nandirito. Like duh? Pakialam ba nila? Eh sa ganito na talaga ako kaganda e! Wala na akong magagawa pa jan kundi ang irampa sa lahat!.
Makalipas ang ilang minuto kong paghahanap sa tagong tagong part na pwesto nla ay nakita ko rin yung tatlo. Kahit mga naka mask ay nakilala ko naman ang mga ito, bukod kasi sa sinabi sa akin ni Gem ang colors ng kanilang outfit ay halatang halata naman din na ang mga ito. They are not my friends kung hindi ko alam kung ano ang mga itsura at bulto ng mga katawan nyan kahit mismong mga galaw dapat kabisadong kabisado yan para kahit takpan nila ang mga mukha nila ay makikilala ko parin sila.
"Oh em gee Mummy you looks so vvvv beautiful!" bungad sa akin ni Gem ng pagkarating ko. Girl, I know right. Niyakap ko ito at ganun rin ang ginawa ko sa dalawang bakla na shock na shock din sa angkin kong ganda.
"Ansabe naman ng mga ginintuang mga alahas na yan ha? Pa arbor naman oh!" pagbibiro pa sa akin ni Petra habang hindi na matanggal pa ang mata sa mga kumikinang kong mga alahas. As expected.
"Like duh? Hiram ko lang din ito no!" natatawang sabi ko dahilan kung bakit nag katinginan silang tatlo. Why? May mali ba sa sinabi ko? Pano ba naman kasi biglaang, nagsilakihan ang mga mata ng mga ito.
"Kanino mo naman yan hiniram?" tanong naman ni Pat sa akin. Why I feel like she's shuttering? Or it's just me lang kasi super ingay dito?
"Sa papakasalan ko, bigay nya kasi ito together with this gown at balak ko rin na isauli ang mga ito kaagad pagkatapos nitong party. Balita ko kasi super mahal ng halaga nito. I know you know me naman na diba? I'm not accepting gifts na super mahal ang presyo." yes that was true. Kahit si Dad pa ang magbigay nyan ay hindi talaga ako tumatanggap. Ang gusto ko kasi ay ako mismo ang nagpakahirap para maka afford ng ganun kamahal na mga alahas. At ang mga alahas na suot suot ko ngayon ay hindi biro ang mga presyong nakapatong dito.
Dapat nga ay hindi ko ito susuotin kung hindi lang dahil sa konsensya na baka magalit sa akin yung Jaimee na yun ay hindi ko talaga susuotin ang mga binigay nya sa akin.
"Why you bitches did not inform me na pupunta rin pala kayo ngayon dito?" pag iiba ko ng topic. Abg duduga talaga ng mga ito.
"Like duh! Xabitch? Kaka-invite lang din sa amin kanina. And fyi hindi na rin namin naalala pa na ipaalam sayo because we are so busy looking on what to wear for tonight" pag e-explain sa akin ni Patricia na syang ikinatawa ko. Paano ba naman akala mo umaamin sa ginawang mali sa super bilis sa pagsasalita.
"Who guys invited you here? The new CEO? or Mr. Dastin?" tanong ko pa. I should know kung kakilala ba nila si Mr. Dastin o yung anak nilang si Jaimee
"Actually Xabitch, none of the above. Sila Z kasi ang nag invite sa amin dito e" sagot naman sa akin ni Pet. Wait, how come? I mean Oo super daming kakilala nila Z dito pero it doesn't mean pwede na sila mag invite well unless kung kakilala at super ka-close nya ang isa sa dalawang nabanggit ko kanina.
"Where he is now?" tanong ko at itinuro naman ni Gem ang way papuntang stage. Teka ano naman ang ginagawa duon ni Z?
"By the way Xabitch where is Tito?" tanong naman sa akin ni Petra.
"Anduon sa may bandang harap, busy sa pakikipagkwentuhan kay Mr. Dastin at pakikipaglaro kay Ronnie." sabi ko.
"Wow! Andito rin pala si Bebe Boy. How about the ugly duckling?" tanong pa nito. Actually si Daniela po talaga ang tinutukoy ng baklang yan. Hindi lang mabanggit banggit ang pangalan nun.
"Bakit Mumsh Miss mo na?" natatawang tanong ni Gem sa kanya dahilan kung bakit nag apir sa kanya si Patricia na hindi na rin mapigilan ang kakatawa.
"Yuck! Of course No! ew ew! I'm just making sure para makapag ready ako for the upcoming virus if ever she's here." kahit kaylan talaga ang baklang ito! Hahaha I agree.
"She is not here busy sya sa pag m-manage ng Company. You know naman na sa kanya binigay ni Dad yun." sabi ko pa. Okay na rin yun at least hindi ako ang nahihirapan ngayon diba? Wala pa naman ako hilig dun, like sumasakit lang ang ulo ko dahil sa business management na yan.
"Pero I heard nandito ang malupitang ex natin Xabitch!" pagbibigay alarma sa akin ni Petra. What?! Ano namang ginagawa nun dito? Hindi ba dapat dinadamayan nya bebe labs nyang nagpapakalunod ngayon sa Opisina?
Kawawa naman ang plastic kong sisterlet.
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...