Chapter 48

74 0 0
                                    

Today is my Baby Ronnie's birthday, and of course as his Mommy I want to prepare a celebration to him.

Roda, Mimi Ai Ai, and Daddy are already here in the house. Kanina lang sila dumating, mabuti na lang at isinama ni Daddy sila Mimi at Roda. Kasi kung hindi ay baka bukas pa ako matapos sa pag-aayos dito.

Hindi na ako nag invite pa ng marami, since wala naman gaanong nakakakilala kay Ronnie here sa Pilipinas.

"Mommy look!" pagpapakita sa akin ni Ronnie ng dalawang gift na hawak hawak. Napangiti naman ako dito tsaka bumaba muna sa pagkakatayo sa upuan.

"Who gave you that my baby?" tanong ko tsaka pinantayan ang mukha nyang nakangiti sa akin.

"Lolo gave this one to me" sabi nya sabay pakita sa akin ng regalo na may blue wrapper. "And this one, Mommy's Mimi and Tita Roda gave this to me!" pagpapakita nya ulit sa akin ng regalong medyo malaki sa ibinigay ni Daddy.

"Did you say thank you to them?" tanong ko na syang ikinatango nya naman sa akin. I'm so proud to my baby! I kiss his forehead bago ito yinakap.

"You should change your clothes na baby, ask Mimi Ai Ai for help" sabi ko dito na syang ikinatango nya naman. Patakbo itong itinungo ang kitchen na kung nasaan si Mimi.

Sakto naman ang pagdating ni Roda na bitbit ang mga letter balloon. At iba pang kakailanganin sa pag de-design.

"Naku Ma'am bakit wala pa dito si Ser Jaimee?" usisa sa akin ni Roda. Kinurot ko naman ito sa tagiliran na ikina-aray nya naman.

"Shh ka lang Roda, baka mamaya nyan marinig tayo ni Daddy" pagpapatigil ko dito.

Sa totoo lang hindi umuwi kagabi si Asungot dito sa bahay. At kanina ay tinanong ako ni Daddy kung nasaan nga raw sya. At ang dinahilan ko lang ay kakaalis lang nito bago sila dumating. Which is, walang katotohanan nga. Ewan ko kung ano rason nya, okay lang rin naman lalo na't kailangan ko mag focus ngayon sa pag-aayos ng birthday party ng baby Ronnie ko. Hindi kasi ako maka-focus kasi laging umiinit ulo ko sa tuwing nakikita sya. Mas lalo na siguro kapag masaya silang nag k-kwentuhan ni Daddy sa sala.

"Hay naku Ma'am okay lang marinig ni Ser yun. Sa totoo nga nyan eh bukang bibig kayong dalawa ni Ser. Panay kwento pa 'yan sa amin ni Nay Ai tungkol sa inyong dalawa." pagk-kwento sa akin ni Roda. Tila biglang tumagingting bigla ang tenga ko sa narinig.

"Tungkol saan naman ang kinukwento ni Daddy sa amin?" tanong ko na syang ikinangiti nya sa akin. Of course, alam nyang naiintriga na naman ako.

"Aba syempre sa kasalan na magaganap. Kung nakita mo lang kung gaano kasaya si Ser sa pagk-kwento." napapailing na sabi ni Roda at tumitig ito sa akin.

"Botong boto si Ser duon kay Ser Jaimee." pagkasabi bigla ni Roda nun ay parang may biglang tumusok sa puso ko. Ano ba naman 'to ganitong ganito ang naramdaman ko nung nakaraang araw.

MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon