A/N: napapadalas ata ang POV ni Jaimee ah. HmMm? Bakit kaya?. Keep safe everyone! Sundin ang mga utos ng awtoridad, para naman ito sa kaligtasan ng lahat. Don't spread fake news
—————————————————————
Jaimee Austin POV
"Dude naman bakit kami ang hinila mo dito ngayon?" tanong sa akin ni Z na panay reklamo. Sila na nga ang sinasama nag rereklamo pa. Mga gunggong damay damay na lang ito. Ginusto nyo maging Secretary ko tsaka Assistant kaya hayan magtiis kayong dalawa jan. Mga pinaparesign kasi ayaw tapos ngayon mag rereklamo sa akin.
"Sino ba kasi hinihintay natin dito Dude? Grabe ha, isang oras na tayong nag hihintay. Ayos sana kung pwede na tayo umorder eh. Kaso hindi, Dude naman gutom na gutom na kami oh." reklamo pa ng isa sa akin. Ang sa-sarap naman pag untugin ng dalawang ito.
"Huwag ako ang tanungin nyo, yung matanda lang naman ang nag utos sa akin. At saka nagrereklamo ba kayo? Pwede naman nating tawagan yung matanda kung gusto nyo. Oh ano mga Dude?" tipid kong tanong dito. At akmang kukunin ang cellphone. Syempre nagbibiro lang ako, ayoko nga tawagan yun, baka isipin nun namiss ko sya. Bukod kasi sa kanina pa kami nandito ay pinagtitinginan na rin kami ng mga taong kumakain dito sa Restaurant. Mabuti na lang at dala ko ang shades ko kasi kung hindi ay kanina pa nila ako nakilala at siguro pinag fiestahan na rin dahil sa hindi pa rin humuhupa ang issue tungkol sa amin ni Miss Sungit.
"hehe, si Tito pala ang nag utos. Ayos lang kami pakisabi kay Tito ha tsaka wag ka na mag abalang gambalain si Tito, ayos na ayos lang kami dito Dude di ka na mabiro oh! Ikaw talaga" pagsusuko ng mga ito. Mabuti naman at mukhang mga natauhan na rin. Mga natahimik bigla ang mga gunggong ng banggitin ko yung Matanda. Ganun ba sila katakot dun?
"Hello Guys I'm sorry I'm late." putol ng isang babae sa usapan namin. Naka-shades din ito at mukhang kakagising lang nito dahil sa mukhang nag madali sya para makaabot lang sa usapan.
"Teka Dani?" tanong ko ng mapansin na pamilyar ang boses nito. Itinaas nya ng bahagya ang salamin at duon nga namin na kumpirma na sya nga iyon. Muli nya naman ulit na isinuot iyon dahil sa laki ng eyebags na meron sya ngayon. Alam ko naman na si Dani ang kikitain namin ngayon, kaya nga nagtiis akong maghintay ng isang oras eh. Pwera na lang dito sa dalawa na kanina pa panay reklamo sa akin.
"Aba long time no see!" tuwang tuwa na bati ni Lio kay Dani. Ngumiti ito tsaka sya niyakap. Ganuon din ang ginawa nya sa amin ni Z. Umupo ito sa katabi ni Lio na sya namang kaharap ko ngayon.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kapatid nya si Miss Sungit. Bukod kasi sa maganda si Dani ay mabait din ito. Napaka opposite nila sa totoo lang. Napaka caring pa at humble. Ibang iba kay Miss Sungit na akala mo napigaan ng calamansi ang ugali isama na rin natin ang kakaibang pagkakatabas ng dila. Sobra sobra sa tulis e!
"I'm so sorry talaga guys especially to you J hindi ako nakapunta last night. Super urgent kasi ng pinuntahan ko kaya hayun hindi ako naka attend sa party mo, medyo napuyat pa nga ako e mabuti na lang nga at nakahabol pa ako ngayon" paghihingi nito ng paumanhin sa amin. Tumango lang ako dito habang walang imik lang yung dalawa sa tabi. Naalala ko lang yung nangyari kagabi duon sa Boyfriend nyang manloloko. Siguro ay hindi nya pa rin nababalitaan ang nangyari dun.
Dapat lang yun sa kanya. Bukod sa nakaka kulo na nga sya ng dugo ay balak nya pang pag awayin pa ang magkapatid dahil sa kag†guhan nyang yan.
"Since I'm here naman na ay let's start na ang ating mga dapat gawin." oo nga pala yung pinapagawa nung matanda kaya nya kami pinagkita ngayon. Ewan ko, wala akong kaalam alam kung ano ba binabalak nun at nakisuyo pa talaga kay Dani. Buti na lang at huwebes ngayon kaya free time nito kasi kung hindi ay ako ang mahihiya dito ngayon.
"Ano ba meron at bakit kasama rin kami?" tanong naman ni Z. Nginitian kami ni Daniela tsaka tumingin sa akin. Bakit parang tungkol sa akin ito?
"You guys will contribute such a big help na rin, Since J will soon to marry Xabrina. We will go with him to pick cakes, designs, and so much more na kailangan sa wedding nila. Tito already planning on what to put inside of the invitation. Here are the places na pupuntahan natin" excited na sabi nito sa akin habang ipinapakita ang mahaba nyabg listahan. Nagkatinginan naman kaming tatlo sabay iling iling sa isa't isa. May topak na ata yung matanda na yun sa ulo. Hindi man lang muna ako kinunsulta. Ganuon na ba nila kagusto na maikasal ako?. Pagod na pagod ka na nga sa trabaho tapos mangaasar pa. Ayos yun.
"Hindi ba't masyado pang maaga para jan?" nag tatakang tanong ko. Nagsitanguan naman yung dalawa habang hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nito. Siguro kung alam ko na kung ano ang gagawin namin ay umuwi na lang kami. Pinagsama na nga kami ni Miss Sungit sa bahay tapos mamadaliin pa nila ang kasal. Hindi pa nga nakakapag adjust sa isa't isa.
"Hep hep! Where do you think guys going?" tanong sa amin ni Dani ng makita nyang tumayo kaming tatlo bitbit ang mga dala dala naming bag. Galing pa kasi kami kanina sa opisina kaya dala dala pa rin namin ang mga yun. Bilin kasi nung matanda ay dumiretso na raw kami dito at baka naghihintay na raw sa amin si Dani which is not kasi late sya ng dalawang oras.
"We are going home Dani, don't bother yourself with this nonsense things." sabi ko. tsaka nag simula ng mag lakad. Sumunod naman sa akin yung dalawa kaya hindi ko na lang ito nilingon pa. Nakakabadtrip lang. Sa lahat lahat pa ng taong makakasama sa ganuong bagay ay si Dani pa talaga. Nangaasar ba yung tanda na yun? Kasi effective e. Isa pa, mukhang ang saya saya ni Dani na tulungan kami ni Miss Sungit sa pagaayos ng kasal. g†go ang sakit lang isipin. Nakakababa ng pride.
"Hey Guys wait lang! I'm gonna yell and cry out loud here if you didn't stop" rinig na sabi ni Dani sa amin kaya napalingon kami rito. Seryoso na rin ang itsura nya na nakatingin sa aming tatlo. We know na she is not joking kasi tinotoo nya ito dati which is pinagtinginan talaga kami.
"Okay let's postponed this one for today, it's my responsibility to explain to Tito so don't worry but promise me na we will continue this on Friday. Agree?" tanong nito sa amin. Dahil sa hindi kami sumagot ay hinila nya kami isa isa pabalik sa table namin. Akala ko ba postponed? Bakit sa Friday kaagad?
"Dahil you guys wait for me, my treat!" masayang sabi nito na syang ikinabuhay nung dalawang aso na tuwang tuwa ng marinig ang magic word na 'treat'.
"Yan ang gusto namin sayo Daniela, hindi maramot" komento naman ni Z habang pinagdidiinan sa akin ang salitang maramot, g†go 'to ah parang sya nanlilibre nag sabi ang maramot. Dahil sa asar ay binatukan ko ito na syang ikinatawa ng bakulaw na si Lio, isa rin yan!
"Hays, I really miss Fourth tuloy" biglang sabi ni Dani, oo nga pala nasa Korea pa rin ang mga ito. Napasarap ata ang loko sa honeymoon nila ni Hani. Baka magulat na lang kami isang araw umuwi sila rito magkamukha na silang mag asawa. Kung noong college pa lang kami ay hindi na sila mag kahiwalay, paano pa kaya na ngayon ay mag asawa na sila diba?.
Pero ang swerte pa rin ni Dude. Bukod kasi sa sobrang bait ni Hani ay mahal na mahal din sya nito. Siguro masarap mabuhay kapag ganun. T†ena kasi bakit ba nauso yang Arrange Marriage na yan. Edi sana may kanya kanya kaming buhay ngayon ni Miss Sungit. At hindi kami naiipit sa isa't isa.
Edi sana walang dragon na nagbabanta lagi sa buhay ko
BINABASA MO ANG
MATARAY QUEEN IS GETTING MARRIED [COMPLETED]
Teen FictionCleopatra_Maxi This story is about a girl who was named Xabrina Faye Mordaleto who will be soon to be the Wife of a well-known young handsome businessman Jaimee Austin Hilton. She was described as being Mataray by those people who hate her. Both of...