Ayah Pov
Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo ay agad akong bumaba papunta sa sala, sabado ngayon at mamayang tanghali pa ang pasok ko sa flower shop namin ni ate kaya may oras pa akong mag munimuni.
"Oh ang aga mo ata nagising''
Bungad ni ate na prenteng naka upo sa sala habang humihigop sa kanyang kape, naka pantulog pa ito na halatang dumiritso lang dito sa sala."Maaga ako nakatulog kagabi e''
Nag unat unat muna ako bago umupo sa tabi nya at napatingin naman ako sa ginagawa nya sa kanyang laptop at bahagyang napaismid.Napaka workaholic ng babaeng 'to kaya di nagkakajowa e.
"Ha? E sabi ni bullet may lakad kayo ni saint?''
Nakakunot noo nyang tanong at ganun din naman ang sinukli ko sa kanya."Pinagsasabi mo? Maaga nya akong hinatid kagabi dahil may pupuntahan sya''
Sagot ko sa kanya at naki inom sa kape nito na nakalapag sa mesa."ay ewan"
Buntong hininga nyang sagot at sumandal sa sofa, minsan ang weird talaga nya."Oh ayah anak gising ka na pala, gigisingin pa sana kita''
"Goodmorning nana''
Ngiti kong bati sa kanya at ganun din naman ang sinukli nya sa akin, bago umupo sa kaharap naming sofa."Ano ba oras pasok mo sa flower shop ngayon ayah?''
"12pm nana''
"Ah ganun ba ikaw roxy? Akala ko ba maaga kang pupunta sa restaurant nyo?''
"Tinatamad ako nana nandun naman si kier kaya na nya yun''
Nakangusong sagot nito at ibinaba sa mesa ang hawak nitong laptop."Hyst oh sya maghahanda na ako para sa almusal natin''
Tumayo na si nana at agad na pumasok sa kusina.Sya si nana mola ang yaya namin ni ate simula bata pa, hindi na sya nakapag asawa dahil binuhos nya sa amin ang buo nyang atensyon at oras dahil simula ng mamatay ang magulang namin sya na ang nagalaga sa amin ni ate, 10years nang patay ang mga magulang namin kaya ginawa ni nana ang lahat upang gabayan kami tulad ng hinabilin sa kanya ni mom at dad.
May iniwan naman silang isang restaurant at flower shop na kumikita ng malaki sa isang araw, may pera din na iniwan sa amin ang magulang namin na sapat na para buhayin kami araw araw, hindi naman kami maluho ni ate kaya hanggang ngayon hindi pa namin na gagalaw yun.
Nabalik ako sa reyalidad nang may magdoorbell kaya agad akong tumayo at lumabas ng bahay para tignan kung sino iyon.
Pagkabukas ko ng gate bumungad sa akin ang napakagwapong nilalang, naka suot ito ng itim na polo na bumagay sa kanya dahil sa kaputian nito, napaka perpekto din ng mukha nya na makakaakit ng mga babae sa isang tingin lamang nito.
ba't ang swerte ng lahi nila.
"Hi love''
Ngiti nitong bati at agad nya akong hinalikan sa labi, ilang segundo lang yun at agad na kaming sumiwalay."Ang aga mo naman ata?"
Pinulupot nya ang kanyang kamay sa baywang ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay, wala na din si ate dun at sa tingin ko nasa kusina na sya.Masama bang dalawin ng ganito ka aga ang girlfriend ko?'
Ngiti nyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko.Ngiti pa lang ulam na chos!
Nagtatanong ng maayos e'
Umupo na kami sa sofa habang hindi parin matanggal ang tingin nito sa akin.Sinagot ko lang tanong mo'
Pinahiga nya ang ulo ko sa dibdib nya at tulad ng dati it's feels like home, ang bango pa nya.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...