Habang nakabantay si nana, lexy at roxy sa dalagang mahimbing na natutulog bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa duon ang isang doctor.
'Goodmorning doc ano po bang kalagayan ng anak ko?'
Nagaalalang tanong ni nana at ngumiti naman sa kanya ang doctor.'Ayos na po sya nawalan lang sya ng malay dahil sa pagkahilo, may kunting galos lang sya pero hindi naman malala at nasa maayos na kondisyon ang batang nasa sinapupunan nya kaya wag na kayong magaalala'
Nakangiti nitong sabi kaya napayuko na lamang si lexy dahil nasabi na ng doctor ang dapat ay sekreto muna nila.Gulat na gulat naman si nana at roxy dahil sa sinabi ng doctor.
'A-ano po ang sinabi nyo? Bata? Sa kanyang sinapupunan?'
Gulat na tanong ni roxy habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanyang kapatid na nakahiga sa kama.'Opo sa katunayan malapit ng mag 7 weeks ang tyan nya'
Pagkokomperma nlpa ng doctor kaya agad na gumuhit ang masayang ngiti sa labi ni nana at agad na lumapit sa kanyang alaga bago ito hinawakan sa kamay.'Salamat po doc'
Sabi ni lexy dahil hindi parin makapaniwala ni roxy at nakatulala lang ito kaya agad na umalis ang doctor at naiwan nanaman silang tatlo.'Tama ang hinala ko na buntis ka nga anak'
Masayang kausap ni nana kay ayah kahit natutulog ito at hinawakan ang tyan ng dalaga.'Magkakaruon na ako ng pamangkin'
Masaya nitong sabi at gumuhit na rin sa kanyang labi ang masayang ngiti nang romehestro sa kanya ang sinabi ng doctor.'Waaaaaaah lexy magkakapamangkin na ako waaaaaah!!! Excited na ako!'
Subrang saya nito at napapatili na lamang habang mahinang tumatalon. Napangisi na lamang si lexy dahil ganun din ang naging reaksyon nya nung nalaman nya pero mainit ang ulo sa kanya ng dalaga kaya tahimik na lang itong nabubunyi.'Teka mukhang hindi ka ata nagulat?'
Pinaningkitan ni roxy ng mata si lexy.'Last friday ko lang nalaman'
Nakanguso nitong sagot at kumuha ng isang mansanas sa table at agad na gumagat dun.'Hayst totoo nga ang sinasabi nila kapag may nawala may papalit'
Napatingin ang dalawang dalaga dahil sa biglang sinabi ni nana at may malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi nito.Tango lang naman ang sinagot ng dalawa dahil naniniwala din sila sa kasabihang yun ng mga matatanda at ilang beses na nilang napatunayan yun.
Ilang sandali lang ay biglang napamulat ng mata si ayah at papikitpikit pang napatingin sa kanyang paligid at nang maka adjust ang kanyang mata agad na syang napamulat at biglang tumulo ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata.
'Anak ano may masakit ba sayo?'
Nagaalalang tanong ni nana at inalalayan ang dalaga na umupo sa kama nito at agad na yumakap sa matanda.'N-nana'
Basag na ang kanyang boses dahil sa kanyang pagiyak kaya hinagod na lng ng matanda ang likod ng dalaga upang patahanin ito.'N-nana s-si tito'
Para namang tinusok ng karayom ang dibdib nilang tatlo nang marinig ang basag na boses ng dalaga habang hindi tumitigil ang mga luhang pumapatak.'Nak tahan na okay? Magiging maayos din ang lahat'
'N-nna niligtas nya ako, niligtas ako ni tito at sya naman ang nawala, nana kasalanan ko to kung hindi ako pumunta sa kanya hindi sana sya aalis sa o-'
'Shhhhhhh ayah makinig ka'
Pagpuputol ni nana sa sasabihin nito at kumawala sa kanilang yakapan bago hinaplos ng matanda ang pisnge ng dalaga. 'Hindi mo kasalanan ang nangyari, niligtas ka nya kasi gusto nya at iniisip nya ang kapakanan mo at magiging anak mo hindi mo kasalanan okay?'
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...