Alas stres pa ng umaga at gising na ang lahat dahil ngayon na ang alis nila at kailangan maaga silang bumyahe dahil baka maabotan sila ng traffic. Inaayos at nilalagay ng mga lalaki ang mga gamit na dadalhin habang si roxy at nana naman ay nagtitimpla ng kape, si ayah naman at lexy ay nakahiga sa couch habang balot na balot dahil sa subrang lamig, inaatok pa ang dalawa kaya hinayaan na lamang nilang makaidlip ang dalawa.
Dalawang van ang gagamitin nila dahil sa mga dala nilang gamit, sa puting van sasakay si ayah, nana, kier at roxy habang sa itim naman ay si lexy, rezo, saint at drace.
Nag dalaga ng groceries si ayah upang ibigay sa dalawang matandang nangangalaga sa isla, dinagdagan naman yun ni saint at drace kaya dumami ang dalaga nila para sa magasawa.
'Mga eho magkape muna kayo para mainitan ang mga tyan nyo'
Tawag ni nana sa mga lalaki at agad na nilapag ang isang tray na puno ng mga tasang kape habang ang dala naman ni roxy ay sandwiches.'Ayah gising na, uminom ka muna ng gatas mo'
Mahinang tinapik tapik ni saint ang pisngi ng dalaga at bahagya lang itong tumalikod sa binata.'Ayah gumising kana'
Paguulit ni saint at tinanggal ang hoodie na nakatakip sa ulo at mukha ng dalaga kaya napabangon na lamang ito habang kinukusot ang kanyang mga mata.'Lexy gising na'
Agad na pinalo ni roxy ang pwet ni lexy, medyo malakas yun kaya agad na napabangon ang dalaga.'Masakit!'
Reklamo nya habang inaadjust ang kanyang mga mata sa ilaw.'Lalakasan ko pa sana yun kung hindi kapa babangon'
Sagot ni roxy at binigay kay lexy ang tasang kape nya.Habang si ayah naman ay nakatulala lang na nakatitig sa kawalan at hindi ginagalaw ang sandwich nya.
'Bilisan na natin para makarating tayo before 6'
Tumayo na si saint at bahagyang sinuklay ang buhok ng kanyang kasintahang si drace.'Tara na excited na ako'
Puno ng excitement ang boses ng binatang si rezo at nag unat unat.'Dalhin mo na lang yan sa sasakyan anak, ano may gusto ka pa bang kainin?'
Tanong ni nana kay ayah habang nililigpit ang mga ginamit nila, tinulungan naman ni lexy ang matanda.'Wala nana inaantok lang po talaga ako' pilit nitong ngiti habang humihikab.
'Matulog ka na lang sa sasakyan mamaya, nandun na ang unan mo, ilalagay ko lang sa container ang tirang mga sandwich upang makain pa mamaya'
Tumayo si nana at agad din namang sumunod ang dalaga upang kumuha pa ng gatas habang inuubos ang isang basong gatas na binigay sa kanya ni saint kanina.'Tulongan na po kita nana'
Pag bubulontaryo ni ayah at agad na tinulongan ang matanda.Ilang minuto lang ang lumipas at agad na silang lumabas ng bahay habang si kier at rezo naman ang nag lock ng mga pintuan sa bahay nila ayah at agad din namang natapos.
Sumakay na sila sa sasakyan habang si ayah ay agad na kinuha ang unan at kumot nya bago humanap ng magandang pwesto upang mahiga at matulog.
Si kier ang nagmamaneho sa puting van habang si drace naman ang sa puti. Unang umalis ang van nila drace at sumunod ang kina kier.
Madali lang naman nakatulog ang lahat maliban sa dalawang binata na syang naka tokang magmaneho.
Nang makomperma ni drace na tulog na ang kasama nya sa van agad nyang kinuha ang kanyang telepono at may number na denial. Makailang ring lang ito na agad din namang sinagot.
'We're on our way now'
'Good then, seguradohin mong hindi malalaman ni ayah'
'I promised, san ka na?'
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...