Madaling araw na nang magising si lexy at agad na tinignan ang dalagang katabi nya. Mahimbing paring natutulog si ayah habang nakayakap sa kanyang unan. Kinuha naman ni lexy ang kumot at agad na kinumutan ang dalaga. Binigyan nya muna ito ng isang halik sa noo bago tumayo. Hindi na sya makabalik sa pagtulog kaya naisipan nyang lumabas na muna.Dalawang araw mananatili ang dalaga sa mansyon upang samahan ang dalawa. Idea ito ni bullet dahil aalis ito at hindi nya mababantayan ang dalaga. kahit ayaw nya ay hindi pwede dahil mas importanteng mapigilan nya ang kanyang ama.
Habang tinatahak nya ang madilim na sala patungo sa harden nakita nya ang isang bulto ng tao sa hindi kalayuan at alam nyang ang binatang si bullet lamang ito kaya agad syang naglakad papunta sa kinaruruonan nito.
'Ang aga mo naman atang nagising'
Panimula nito at napatingin naman si bullet sa kanya habang may hawak itong in can beer.'I can't sleep, beer?'
Pagaalok nito at agad na uminom. Kumuha naman si lexy ng isang beer na nakalapag sa damuhan. Marami na ang nainom ng binata kaya medyo may tama na ito.'Marami ka ng nainom tumigil kana'
Sita sa kanya ng dalaga at agad na inagaw ang in can beer na hawak nito.'Tsk'
Kumuha lang ito ng isa pa at agad yun binuksan. Napabuntong hininga na lamang si lexy at hinayaan ang binata. Umupo na din ito katabi ni bullet.'Ano bang iniisip mo?'
Pagbabasag ni lexy sa katahimikan at Napatingala naman ang binata sa kalangitan.'Marami'
Maikli nitong sagot at alam ni lexy na iniisip nanaman nito kung paano pigilan ang kanyang ama sa mga pinaplano nito.'anong plano mo? Sorry kung hindi man lang kita matulongan kahit anong pilit ko kay dad hindi sya nakikinig sa akin'
'Don't worry magiisip ako ng paraan'
Napatango na lamang si lexy at bumalot ulit sa kanila ang katahimikan at tanging ingay lamang ng mga insekto ang tanging maririnig mo. Napayakap naman si lexy sa kanyang sarili nang dumaan sa kanila ang napakalamig na hangin.
'There's a girl who I loved, I really love her. Pero isang araw nalaman ko na lang na may kasintahan na ito at napakalapit pa ng lalaki sa akin. Napaka tanga ko nung mga panahon na yun dahil hinayaan ko syang mapunta sa iba. Tsk and one day that bastard hurt my girl. So andun nanaman ako umalalay sa kanya, binatantayan at pinapasaya. Sumugal ulit ako at umasa'
Bumuntong hininga ang binata at bahagyang napayuko. Napakunot naman ang noo ni lexy dahil sa sinabi nito. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gagawin.
'She's pregnant'
Nanlaki ang mata ni lexy sa huling sinabi nito at kahit hindi sabihin ng binata na nasasaktan ito. Ramdam naman ng dalaga.'She's pregnant with that guy you've talking about?'
Tanong nito at kahit ang dalaga ay nasasaktan para sa kaibigan nya.'Yeah. Hindi ko alam ang gagawin ko, should I give up again and let her go?'
Tanong ng binata habang namumula ang kanyang mga mata. Hindi naman nakikita ni lexy kaya hindi na nya pinigilan ang isang luhang kumawala sa kanyang mata.'Do you love her?'
'Yes, I really do'
Malungkot na sagot nito at yumuko. Palihim naman nyang pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisnge.'Yun naman pala e mahal mo sya. Anong pinag d-drama mo dyan ha? Kung totoong mahal mo talaga sya ipaglaban mo, wag ka ulit magpapatalo, e ano naman kung may anak sila... Wait? Hiwalay na ba sila?'
Ngayon lang napagtanto ni lexy na parang pamilyar ang sinasabi nito sa kanya. Mula sa sinabi nitong may kasintahan na ang babaeng pero hindi sya segurado sa parteng sinabi nito na buntis ang babaeng tinutukoy nya.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romance[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...