CHAPTER 31

880 16 0
                                    


Natapos na nilang subukan ang ibang rides at unti unti ng nasasanay si ayah.  ngumingiti na ito at minsan ay tumatawa na din ito pero hindi parin nito maiwasang hindi humawak sa braso ng binata. Kakaibang saya ang nararamdaman ng binata dahil nakikita nyang masaya ang babaeng gusto nyang ingatan ang babaeng gusto nyang angkinin.

Ang sayang nararamdaman nya ay walang katumbas dahil sa wakas ay nasilayan nya ulit ang totoong saya sa mukha ng dalag at iyon lang naman ang gusto nito. Ang alisin ang lungkot sa dalaga.

'Gutom na ako'

Biglang sabi ni ayah habang naglalakad silang dalawa upang magpahinga na muna. 5:40 na ng hapon kaya nakaramdam na ng gutom ang dalaga.

'What do you want to eat?'

Tanong ng binata habang nakaharap sa dalaga na malalim na nagiisip.

'Treet food'

Ngiti nitong sabi at napakunot naman ang noo ni bullet.

'Wag mong sabihin na hindi kapa nakakain nun?'

Iling lang naman ang sinagot ng binata kaya mas lalong napangiti ang dalaga.

'Sabagay, fourth year college kami nung unang nakakain si saint ng tr--'

Napatigil si ayah sa kanyang sinasabi nang mapagtanto nya kung ano ang sinasabi nya at agad na napayuko.

'Let's go'

Hinila na ni bullet si ayah upang maghanap ng makakain. Ayaw nyang mawala ang saya sa mukha ng dalaga dahil lang sa nasabi nito.

Habang naglalakad silang dalawa nakaramdam naman si ayah ng sakit sa kanyang paa dahil matagal na syang nakasuot ng sapatos at alam nyang namamaga na ang kanyang paa.

Biglang huminto si ayah dahil hindi na talaga nito kaya ang sakit ng kanyang paa. Napatigil din si bullet at napatingin kay ayah na iniinfa ang sakit ng paa nya.

'whats wrong? May masakit ba sayo?'

Nagaalalang tanong ni bullet at agad na hinarap ang dalaga. Umiling naman ang dalaga dahil nahihiya syang sabihin ang totoo sa binata.

Napatingin naman si bullet sa paanan ng dalaga dahil ang kanang paa nya ay hindi na nakaapak sa sahig. Walang pagalinlangan agad nyang binuhat ang dalaga, gulat na gulat naman ang dalaga sa ginawa nito at hindi nya mabigilang titigan ang mukha ng binata habang buhat buhat sya nito.

Agad syang pinaupo ni bullet sa isang bakanteng upuan.

'Stay here'

Seryoso nitong sabi at agad na umalis. Tatanongin na sana nya ito pero tumakbo na ito paalis kaya napa buntong hininga na lamang sya.

Napatingin naman si ayah sa mataas at malaking ferris wheel na kitang kita mula sa kanyang inuupuan.

'ikaw na lang ang hindi namin na sakyan'

Bulong nya sa kanyang sarili at napangiti bago pinagmasdan ang mga taong masayang dumadaan sa kanyang harapan. Napako ang kanyang tingin sa isang lalaking may kargang sangol sa kanyang bisig habang masayang nakikipagusap sa asawa nito.

'pamilya'

Bulong nya at bahagyang napahimas sa kanyang tyan dahil na alala nya minsan na silang nag plano ni saint na bumuo ng masayang pamilya pero hanggang salita na lamang 'yon dahil kahit gugustohin nya hindi na talaga mangyayari 'yon.

Nabalik sa reyalidad ang dalaga nang mahagip ng kanyang mata ang binatang si bullet na may dalang supot. Tinitigan nya lang ang perpektong kabuohan ng binata hanggang sa makarating ito sa kanyang harapan.

MY BOYFRIEND'S LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon