Hapon na at nakatambay parin si roxy at ayah sa parke habang nakalatag sa kanilang harapan ang iba't ibang street food. napagdisesyonan nilang gumala muna dahil alam ni roxy na may bumabagabag sa kanyang nakakabatang kapatid at kahit sa simpleng ginawa nya ay maihatid nya kay ayah na nasa tabi nya lang 'to at hinding hindi sya iiwan."Ate mali ba na hinayaan ko lang na hindi kami laging magkasama? Mali ba na ibigay sa kanya ang freedom nya?"
Tanong ni ayah habang nakatingin sa kawalan, nagugulohan na sya dahil pakiramdam nya nagiging pabaya sya at dumagdag pa ang mga araw na naging linggo na hindi sila nagkikita ni saint at hanggang ngayon ay tinatago nya parin sa kanyang sarili ang katotohanang nagsinungaling si saint sa kanya, wala syang pinagsabihan nun dahil gusto nyang komprontahin ang binata.
"Hindi, pero ang mali dun kung magloko sya alam mo ang swerte nga nya sayo, seryoso hindi ko sasabihin 'to dahil kapatid mo'ko sasabihin ko 'to dahil 'yon ang totoo, maraming magkasintahan ang naghihiwalay dahil nasasakal at wala na silang oras para sa ibang bagay pero ikaw ibinigay mo 'yon sa kanya, malaki ang pagtitiwalang binigay mo sa kanya, naiintindihan mo sya at higit sa lahat mahal na mahal mo, kung ako lalaki hindi na kita papakawalan pa"
Bigla namang napangiti si ayah at gumaan naman ang loob ni roxy dahil nagawa nanaman nyang pangitiin ang mahal nyang kapatid.
"nakakdiri pag iisipin ko 'yon"
Natatawang sagot ni ayah at napailing na lang si roxy."Kung ano man yang bumabagabag sa'yo hayaan mo lang basta maniwala ka lang sa jowa mo, mas mahalaga ang tiwala sis"
Napatango naman si ayah at bumuntong hininga kasabay nun, tinanggal nya sa kanyang utak ang mga what if na ilang araw nang hindi nagpapatulog sa kanya.
"Hindi talaga ako magsasawa sa isaw na 'to!'
Gigil na sabi ni roxy at kumagat sa isaw na hawak nito."Mas masarap kaya ang timpura"
Kontra nito at agad ding kumain.Habang kumakain sila napatingin si ayah sa dalawang lalaking studyante na masayang nag k-kwentohan, pareho silang gwapo at matatangkad, high school heartthrob kung titignan at hindi nya mapigilang makita sa kanila si saint at drace nung panahong collage student pa sila.
Pero nawala ang ngiti sa kanyang labi dahil nakita nyang magkahawak ang mga kamay nila at mabilis na naghalikan, hindi nya alam kung ano ang mararamdaman nya dahil naalala nya bigla ang pagiging clingy ni saint at drace, yung sinabi nang waitress at yung nakita ni ayah na lumabas sa condo building si saint, lahat 'yon ay sabay sabay na lumabas sa kanyang utak.
"Huy sis!"
Bigla naman syang nabalik sa reyalidad at nagtatakang tinignan si roxy na nakakunot ang noo.
"Ano ba tinitignan mo dyan?"
Curious na tanong nito at napatingin sa paligid pero wala naman syang makitang pwede kainteresan ni ayah kaya binalik nya na lang sa dalaga ang atensyon nya."Ate pwede bang magkagusto ang lalaki sa kapwa lalaki?"
Biglang tanong nito at nakatitig sa mga mata ni roxy.
"Bakit ko natanong 'yan?"
"Wala lang"
"Hmm, sis sa mundo walang imposible at ang kailangan lang dun acceptance"
Napatango na lang si ayah at bumuntong hininga ayaw nyang magisip nang kung ano ano at alam nya sa kanyang sarili na lalaki ang dalawang binatang laman ng kanyang isip.
Masyadong malikot pagiisip mo ayah...
Pagkukumbinsi nito sa kanyang sarili at tinapos na ang kanyang kinakain dahil may dinner pa ang dalawa sa bahay ng binatang si saint.
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND'S LOVER
Romansa[TAGALOG STORY] I have a boyfriend and we've been for 2year's. sabi nga nila perfect boyfriend sya dahil nasa kanya na ang lahat, wealth, beauty, charm, sweet and caring perfect package eka nga nila. Mahal ko sya, subra. pero.... may tinatago sya sa...